Kabanata 16

11 2 0
                                    


Tahimik ang boung bahay nila, malaki ito mas malaki sa bahay namin. Hindi na din ako magtataka kung nakakalula ang ganda nito sa loob dahil maganda na din naman ito sa labas, kung ganito ang magiging bahay ko in the future mas gugustuhin ko na madami ang nakatira doon parang nakakalungkot na kakaunti lang ang tao.

Nalaman ko na ang matanda na sumundo saakin sa labas ay lola ni Rayden, nakakahiya dahil wala pala ito dito. Napalayas ba siya ng dahil saakin? Hinding hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag ganon. 

Lumabas ang matanda na may hawak ng isang tray, nilapag niya iyon sa harap ko. 

"Ito iha, kumain ka muna at tinawagan ko na si Rayden-" Aniya atsaka tinulak papalapit saakin ang isang juice, "Nagkaroon kasi sila ng alitan ng magulang niya, pero hayaan muna at ako na ang magsasabi na umuwi na ang batang iyon. " 

Hinawakan ko pa ang malamig na juice na akala mo doon ako kukuha ng lakas sa mga salita na sasabihin ko. 

"Dahil po ba saakin?" 

Tinignan ako nito ng maigi atsaka huminga ng malalim, "I will not lie, iha. Yeah-" 

"Sorry po." Dali dali kong sabi. 

Uminom muna ito sa juice na hawak niya atsaka siya umiling saakin, "Hindi mo naman kasalanan. Actually kasalanan ng parents mo." 

"Po?" Nagulat ako. 

Anong nangyare, may hindi ba kine-kwento saakin si Rayden? 

"Hindi mo alam?" Nalilitong tanong niya saakin. 

"Hindi po," Napaisip ako, siguro sinadya na hindi ipaalam saakin ni Rayden. 

Tumango-tango ito at ngumiti. "Hindi dapat ako ang magsasabi nito sayo, iha. Kaya naman ikaw na ang bahala magtanong kay Rayden at pauwi na naman iyon-" 

"S-aan po nakatira ngayon si Rayden?" 

"May sarili siyang condo, pero mataas ang pride ng batang iyon. Hindi ko alam kung doon siya nakatira ngayon." 

Tumango ako, pero piping hiling ko sa utak ko na sana nga doon siya nakatira. 

Mabait ang lola ni Rayden, mukhang dito siya nagmana ng pakikitungo tila magaan sa pakiramdam kapag kausap ito. Minsan nga tatanungin pa ako nito kung gusto ko kumain, kagaya din ni Rayden, halos wala silang pinagkaiba mukhang dito nagmana ang binata. 

Maya-maya lang lumapit saamin si Anita, sinamaan muna ako nito ng tingin bago nagsalita. 

"Madam, tumawag po muli si Rayden. Hindi daw po siya pinayagan makauwi ngayon-" 

"Bakit daw?" 

Umiling ito, "Ayaw daw po ng uncle niya." 

Bumuntong hininga ang matanda sa tabi ko. "Ano pang sabi?" 

Tinignan muna ako nito, nag dadalawang isip na magsalita tsaka muling humarap sa matanda. "Pakihatid naman si Aviona sa bahay nila lola, pwede din po ba na itanong niyo kung kumain na siya? Madalas po kasing nakakalimutan niyang kumain eh. Sabi niya po-" 

Halos mapatakip ako sa tenga ng marinig ko iyon, nakakahiya. Ngunit ngumiti lang saakin ang matanda sa tabi ko na parang proud sa ginawa ni Rayden. 

Tumango ito habang tumatawa, "Replyan mo siya, sabihin mo ako kamong bahala sa nobya niya-" 

Pinisil ko ang kamay ko at pinilit na ngumiti ng humarap saakin ang lola ni Rayden, tumango naman ang katulong at umalis na sa harap namin. 

Hindi ko naman alam kung itatama ko ang lola ni Rayden o hahayaan ko nalang siya, sa huli hinayaan ko nalang sigurado naman ako na itatama iyon ni Rayden kapag narinig niya ito. 

Loving The Sober (Adulting Series #2)Where stories live. Discover now