Kabanata 29

4 1 0
                                    


Just now, someone congratulated me that I was not happy. Hindi ko alam ang nararamdaman ko kaya hindi ako nakakasagot sa bawat tanong na binabato saakin ni Doctor Cruz. 

Maski ang pagtango hindi ko magawa kaya nakatitig lang ako sa kanya habang kausap niya si Rayden. Magpapasalamat nalang ako dahil tama ang desisyon na sinama ko ang lalaking ito, maybe hindi ko lang matanggap na hindi ako ang dapat na babae na aabutan niya, I want him to see me sucessfull at maayos ang lagay, hindi isang disgrasyada na babae. 

"Are you okay misis?" 

Doon ako bumalik sa reyalidad ng tanungin ako nito, dahan-dahan akong tumango. "Y-eah.." 

Naramdaman ko ang kamay ni Rayden sa palad ko kaya napatingin ako sa kanya, ngumiti siya saakin. 

"She's tired doc," Ani nito at humarap kay Doctor Cruz. "Do she need more test? Looks like I need to take her home." 

Natuwa ang doctor. "Don't worry Doc Rivera, okay na ang lahat." Inabot nito kay Rayden ang isang puting papel. "I wrote down the vitamins there, and the ones she should avoid.. Unang pagbubuntis ang pinaka sensitive sa lahat kaya kailangan ng dobleng ingat-" 

Kukunin ko na sana ang papel ng kuhain ito ni Rayden at ilagay niya agad sa bulsa ng pants niya. 

"Kailangan mo magsabi kapag may nararamdaman ka ng kung ano, maraming magbabago sa katawan mo, nagbigay na ako ng schedule ko kailan ang balik mo saakin for now I think Doc Rivera is right you need to rest-" 

Mabilis akong umiling. "No, hindi po kasi ako pwedeng lumuhas ng manila pwede po-" 

"Just give me the date doc when we'll be back, I will remind her .." Pinutol niya ako. 

I look at him. "Rayden..." 

"Please." He mouthed. 

Huminga ako ng malalim at nanahimik, fine! 

Gusto ko nalang umuwi ngayon, ng pwede na kaming makaalis inalalayan niya ako makatayo pero pasimple akong lumayo sa pagkakahawak niya, alam kong napansin niya iyon dahil hindi niya na pinilit na hawakan muli ako. 

Dahan-dahan na naglakad ako palabas pero lumingon muna ako kay Doctor Cruz para magpasalamat nginitian niya lang ako at tumango. 

Tahimik kaming naglalakad palabas ng hospital habang si Rayden naman ay maraming nginingitian at tinatanguan. 

"Did you really work here?" Hindi ko maiwasan na tanong sa kanya. 

He nodded. "Yeah- Aaron and I were together, he did not accept the scholar he took home abroad.." 

Inalalayan niya ako makapasok sa elevator atsaka pumindot doon ng kung ano-

"Why?" Curious kong tanong. 

Tinitigan niya ako atsaka sumagot. "Because of Jenzy.." 

"Jenzy?" 

Tumango siya. "Yeah- But I don't want to talk, I don't have the right to tell that to anyone."

"Alam ko... Pero bakit nga?" 

Natuwa ito sa tanong ko, minsan talaga hindi ko maiwasan ma curious sa buhay ng iba. Pero hindi naman ibig sabihin nun tsismosa na din ako, gusto ko lang naman malaman kaunti hindi naman lahat. 

Umiling ito at hindi na nagsalita hangang sa makalabas kami ng hospital, we decide to eat in restaurant here in manila bago kami umuwi, nagpumilit ako mag drive thru nalang pero ang dahilan niya hindi daw siya makakain ng maayos dahil nagdadrive siya, ayoko kasi talaga magkaroon ng contact sa mga tao dito sa manila. Hindi ko pa kaya. 

Loving The Sober (Adulting Series #2)Where stories live. Discover now