Kabanata 45

17 1 0
                                    


Pagmulat ko ng mata kinaumagahan si Rayden agad ang nakita ko, hindi ko nga alam kong umuwi siya eh. Nasa sala na agad ito naghahanda ng almusal.

Tinignan ko ang mesa na napuno ng pagkain akala mo naman may handaan.

"A-Ang aga mo." Bati ko sa kanya.

Buhat ko na din si Ayden nang lumabas dahil ng magising ako nakamulat na din ang isang ito at nangungulit na mukhang naramdaman na nandidito ang ama.

May usapan ata sila.

He look at me and smile. "Goodmorning, yeah inagahan ko talaga.. It was mentioned to me that you don't eat what I send here-"

"Hindi ako mahilig sa mga ganon."

Hindi talaga tinatanggap ng sikmura ko ang mga pagkain na ganon, masyadong expensive, maliit ang serving tapos wala pang lasa.

"I know." Natatawang ani niya. "I can't do anything because I'm not here to cook for you, kaya habang pwede pa ako tumapak dito- Nagluto na ako."

Lumapit siya saakin para tignan si Ayden, nang makita naman ni Ayden ang daddy niya agad na naglikot ang mga kamay at paa nito at gumuhit ang ngiti sa labi.

"Hi baby, good morning.." Aniya habang hinahaplos ang pisngi ni Ayden.

Aabot ko na sana si Ayden sa kanya para mahawakan niya ng maayos ng bigla siyang lumayo.

"Pawis ako, wait." Sabi niya at mabilis na tumakbo papasok sa kwarto niya.

Hindi din nagtagal lumabas ito at maayos na ang itsura maski ang damit na sout nito ay iba na, lumapit ito saakin at tsaka kinuha si Ayden.

"Go eat, sa sala lang kami." Aniya at nag lakad palabas ng kusina.

Umiiwas din siya saakin, alam ko naman. Ramdam ko, mas okay ito.

Dumating si Tita pasado tanghali na, noong sinabi ko na hindi talaga mukhang matanda ang mommy ni Rayden. That's true, lagi ko siyang nakikita na naka coat or dress but now she's wearing an elegant gown, simple lang ito pero dahil sout niya nagmumukhang mas mahal pa ang gown sa buhay ko.

She smiled when she saw me, I looked at the gown we bought last night. Pinasadahan ako ng tingin nito mula ulo hangang paa. Napahawak ako ng mahigpit sa pouch ko, hindi ako fan ng ganito kaya pinasadahan ko lang ng kaunting make up ang mukha ko, ang buhok ko na laging nakalugay ay tinali ko lang into ponytail, ako lang ang nag ayos sa sarili ko.

"You look gorgeous.." Ani ni Tita. "Right, Rayden?" 

"Mom. Y-Yeah.." Bulong ang huli niyang sinabi pero rinig ko ito. 

Mas lalong humigpit ang kapit ko sa pouch ng marinig ko ang tawag ni Tita, lumapit ako kay Rayden dahil buhat niya ngayon si Ayden gusto ko munang mag paalam kay Ayden. 

Napatulala ako ng makarating kami sa venue ng party, It was obvious that famous people were visiting there.. Sana naman wala dito ang parents ko. 

"Tita?" Tawag ko sa mommy ni Rayden ng makababa kami ng sasakyan. 

"Yes?" 

"Uhm.. Kanino pong party ito?" Ani ko. 

Funny kasi hindi ko naman kilala kung kanino party ito pero sumama ako, napapikit ako sa katangahan ko. 

"Do you know Aaron? He is Rayden's friend" 

"Yes po." 

"It's his mommy's birthday, I was supposed to take Rayden with me but I thought it was just you." Tumingin siya saakin at ngumiti. "Hayaan mo siyang mag hirap sa anak niya-" 

Loving The Sober (Adulting Series #2)Where stories live. Discover now