Kabanata 17

9 3 0
                                    


He pulled me until we got to the back of the house they were doing, hindi siya nagsasalita at tahimik lang siya na naupo doon. Hawak pa din niya ang pagkain na kinuha niya kanina. 

Tinignan ako nito ng taimtim. "Have you eaten?" Tanong niya. 

Tumango ako kahit na hindi pa naman ako kumain, dahil alam ko na ibibigay niya nanaman saakin ang pagkain na dapat sa kanya. 

Hindi din naman niya iyon binuksan, nilapag niya lang iyon sa gilid kung saan siya nakaupo. 

"Are you mad?" Hindi ko napigilan na tanong dahil sa hulma ng mukha niya. 

Bumuntong hininga siya saakin tsaka tumango. "I'm sorry, alam kong hindi dapat ako nagagalit sa mga bagay na ganon." 

"Yeah, wala lang naman iyon." 

Tinapik niya ang katabi niyang upuan, hudyat na gusto niya na tumabi ako sa kanya. Mabilis naman akong lumapit doon at tumabi sa kanya, nalipat ang mata ko sa pagkain na nasa tabi niya na hangang ngayon ay hindi niya ginagalaw. 

Ngayon ko lang din napansin na namayat ang mukha niya, lumalim din ang ilalim ng mata niya at nangitim. 

Kinuha ko ang pagkain na nilapag niya, "Kumain kana." 

"Mamaya na," He sigh. "I told grandma to send you home safely, why are you here?" 

"I wanna see you-" 

Tumango siya, "Why?" 

Madami akong tanong sa kanya pero pag kaharap ko siya parang nawawala lahat, ayokong dumepende sa taong ito. Feeling ko sa araw na masisira ako mawawasak din siya. 

"Someone already paid my tuition at school and-" Tinignan ko siya na ngayon ay nakatitig lang saakin. "I wanna ask kung-" 

"Ang ganda mo." Putol niya sa sasabihin ko. 

Nagulat naman ako at nahampas siya, "Ano ba! umayos ka nga." 

Narinig ko ang tawa niya, "Okay, I'm sorry..." 

Tinitigan ko pa din siya ng masama hindi ko inalis sa kanya hangang sa hawak niya ang kamay ko. "Sorry na," Natatawa pading sabi niya. 

"Seriously, gusto ko malaman kung bakit mo ginawa iyon?" 

Nagkibit balikat siya bago bumuntong hininga. "Because I saw you struggling, my heart could not accept that. I don't want to see you like that anymore." He look at me. "Kaya gumawa ako ng paraan." 

"Anong ginawa ng parents ko sayo?" Hindi ako nagpaligoy ligoy gusto kong malaman ang nangyare at kung bakit ganon nalang ang galit ng parents niya saakin. 

"None." He shook his head. 

Hindi naman ako naniwala doon, "Come on, ano nga?" 

Umiling ulit ito. "Ayokong magalit ka sa kanila. " 

"Meron nga?" 

"They just sued me.." Ani niya. 

Sinabi niya iyon na parang hindi big deal ang pagdedemanda ng tao, sa gulat ko naman ay mabilis akong napatayo. 

"Ray-" 

Bago ko pa matapos ang sinasabi ko hinawakan na nito ang kamay ko at hinila muli ako paupo, "Really, inatras na nila." 

"Rayden!" 

Tumango-tango ito, agad na bumalantay sa mukha niya ang kaba. "I know, dapat sinabi ko agad sayo iyon, pero alam kung magagalit ka and I can't afford to see you na mamuhay sa galit lalo na mga magulang mo iyon." 

Loving The Sober (Adulting Series #2)Where stories live. Discover now