Nang matapos namin doon, hindi na namin alam pero hinintay nalang namin ang bangkero na maghahatid saamin patungo sa pag aalisan namin, saakin okay lang naman kaya naman kahit hindi okay pilit ko na makabyahe kami.
"Okay na kayo, iha?"
Tumango ako, ngunit si Rayden ay pilit na inaayos kung okay lang ba ang lagay ko. Nang makita na kaya na, na umalis ako ay dahan-dahan na din na umalis siya at nang mag umpisa na gumalawa ang bangkas mas lalo siyang lumapit saakin na hindi ko akalain kung bakit.
"Aviona?"
He never call my name, he always have a nickname for me.
"Yes?"
Nakatitig siya saakin nang matagal na parang bang nag da-dalawang isip sa gusto niyang sabihin pamilyar ang ganon na titig nakikita ko iyon kapag tinatawag din ako ng kapatid ko.
Umiling lang siya, "Nothing-"
"Kung may gusto ka sabihin pwede mo naman na sabihin, hindi naman kailangan na mailang ka."
"Let's just go home.."Aniya.
Umiwas siya ng tingin saakin kaya naman hinabol ko iyon.
"Hindi ako magagalit sayo-" Nakangiting sabi ko.
Napangiti din siya doon, nagulat ako ng hanapin niya ang kamay ko at hawakan niya iyon ng mahigpit.
"Sana-" Mahinang bulong niya.
Kahit rinig ko iyon hindi na ako nagtanong pa,mabagal ang takbo namin pabalik sa dalampasigan at hindi ko alam kung bakit maski ako kinakabahan, hindi niya na binitawan ang mga kamay ko, marahil ang kaba ko ngayon ay dahil sa hindi ko pagsagot ng mga tawag sa magulang ko.
Nang malapit na kami sa bababan mas lalo akong kinabahan ng makakita ng iilang pamilyar na bulto ng tao, pamilya ko padin sila kaya alam ko ang bawat hulma ng katawan nila, doon ko na napagtanto na alam ni Rayden dahil humigpit din ang hawak nito saakin.
Nang huminto ang bangka hindi ako makagalaw, nakita ko nalang na nakababa na si Rayden sa bangka, nilahad nito ang kamay niya saakin. Nanginginig ang kamay ko ng iabot ko iyon sa kanya.
"Ra-"
"Hindi kita ibibigay sa kanila, tangi-" Aniya saakin. pinalis niya ang luha ko.
Hindi ko kayang kusang gumalaw kaya naman sinakop niya ng kamay niya ang bewang ko para makatayo.
I am not afraid of my parents, I was afraid of what they could do to Rayden. Kaya nilang baliktarin ito, at pag nangyari iyon hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Nang akmang maglalakad na kami papalapit sa kanila, hinawakan ko ang shirt ni Rayden. Huminto naman siya at lumingon saakin.
"W-ag mo akong ipagtanggol." Aniko
Hindi siya sumagot saakin at nagpatuloy kami sa paglalakad, nang makita ako ni mommy handa na siyang sugurin ako nakataas na din ang palad niya hudyat na isang sampal ang welcome back gift niya saakin, pero hindi saakin tumama iyon sa likod ni Rayden.
Napapikit ako sa lakas ng tunog nun, mabilis kong hinila si Rayden para tumabi at huwag humarang sa away namin ni mommy ngunit umiling lang siya saakin at hinaplos ang braso ko.
"Who are you!" Rinig kong malakas na sigaw ni mommy. "Maybe you're the reason why my daughter went crazy!"
Napansin ko ang pagtingin saamin ng mga taong dumadaan, nakakahiya. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad kay Rayden.
YOU ARE READING
Loving The Sober (Adulting Series #2)
RomanceThe way he always there for me, the way how he make me feel calm. The way his voice sounds a home to me, make me stay by his side forever. Kapag sapat na ang dahilan at oras natin sa susunod sisiguraduhin ko na mananatili ako sa tabi mo. -The photo...