Hindi ako nakatulog ng gabing iyon dahil sa nangyare, hindi ko din alam kung paano mapo-proseso iyon kinabukasan, ang alam ko lang gusto ko na umalis dito sa bahay na ito, and I don't know how to do that.
Wala ako sa sariling lumabas kinabukasan, feeling ko anytime babagsak nalang ako sa kung saan at ayokong may makakita saakin doon, kaya ng makita ko si Rayden na nasa tapat ng bahay nila at tila may hinihintay ay mabilis ako lumihis ng daan.
Rinig ko ang tawag niya saakin pero mabilis padin ako naglakad para makaalis doon, pagpasok ko palang sa classroom feeling ko ang mga mata ng nandoon ay nasaakin, siguro dahil sa pagliban ko ng ilang araw na hindi ko naman talaga gawain.
Minata agad ako ng prof namin ng makapasok ako sa classroom, nagsimula ang disscussion namin at walang sumasagi sa isip ko kahit isang letra.
"Aviona?" My prof call me, napataas agad ang tingin ko sa kanya. "Come with me, May kailangan tayong pag usapan."
Napatitig saakin ang lahat, tumango ako at tumayo para sumunod sa kanya.
"Yes sir."
"Aviona, Paprangkahin na kita." He said to me, his face got serious. Alam ko na din kung saan pupunta ang usapan namin. "Your grades for this sem didn't make it, inaalis na sayo ng school ang scholar and I can't do anything about that Aviona, pero ang parent-"
"Ano pong kailangan ko gawin? do I need to pay for my tuition?" I cut him off.
Nag da-dalawang isip pa siya na sagutin iyon dahil sa ginawa kong pagputol sa kanya, pero agad din naman siyang tumango saakin.
"Yes," Sagot niya, pero agad din naman siya ngumiti saakin na parang hindi problema ang pagbabayad ng tuition. "But it doesn't matter right? I mean may pera naman kayo kaya sure ako na kayang-kaya mo naman magbayad yun nga lang masisira ang maganda mong grade-"
I cut him off again. "Okay sir,"
Tumayo ako at mabilis na lumabas sa office niya, really? hindi ba niya naisip na may problema ako at ang pamilya ko dahil sa ginawa kong pagputol sa sasabihin niya kanina at pilit pa din niyang tinutulak na humingi ako ng tulong sa parents ko, how insensitive.
Paglabas ko sa office niya bumungad saakin si Isla, nang makita ako nito agad itong tumayo nang maayos inabot nito ang isang bottle water na hawak niya saakin at ngumiti.
"Hi." Aniya.
Tinignan ko ang inabot niya saakin at kinuha ko iyon, minsan akala mo walang pake si Isla pero isa siya sa mga tao na alam kung matatakbuhan ko.
"Hey," Ani ko, nagpatuloy lang kami sa paglalakad.
"Kamusta?" She ask, she's smiling asking me that. Alam ko na alam niya din na hindi ako okay.
"I'm fine." Sagot ko.
"Lies." Bulong niya, "Really? ilang araw ka nawala ha?"
I laugh. "Bakasyon."
"Really? Nakakapanibago."
Wala kaming pinag usapan kung saan kami pupunta, feel ko sinusundan niya lang ang bawat yapak ng paa ko, okay naman yun dahil mas gusto ko na may presensya ako na kasama ngayon.
Natawa ako sa sinabi niya, "Mas okay nga na ganon, masaya na may pagbabago minsan-"
"That's true-" Huminto siya sa paglalakad, nagulat ako nang tumuro siya sa isang mesa. "Rayden."
Napatingin naman ako doon nakita ko na nandoon si Rayden nakaupo at nakatulala din, mukhang malalim din ang iniisip niya marahil nakarinig din siya ng sermon na galing sa parents niya.
YOU ARE READING
Loving The Sober (Adulting Series #2)
RomanceThe way he always there for me, the way how he make me feel calm. The way his voice sounds a home to me, make me stay by his side forever. Kapag sapat na ang dahilan at oras natin sa susunod sisiguraduhin ko na mananatili ako sa tabi mo. -The photo...