Hindi ko na nakita si Rayden boung maghapon ng klase, kaya naman kahit lumilipad ang utak ko wala akong magawa kundi pumasok sa susunod na klase.
Bakit kailangan niya ng trabaho?
Ang alam ko naman may pera siya, o ang magulang niya.
Minabuti ko nalang muna makauwi, hindi ko pa alam kung saan ako pupunta kung aalis ako doon pero gusto ko nang umalis sa lugar na iyon.
Laging tayong tinuturuan ng magulang natin umuwi kapag may problema, pero hindi nila tinuro kung saan uuwi kapag ang mismong problema ay sila.
Hindi pa ako nakakapasok ng tuloyan ng huminto ako ng marinig ko ang boses ni Daddy at Ate nag uusap.
"You can talk to her dad." Rinig kong sabi ni Ate kay Daddy.
Marahil maski ako ay pinoproblema niya na.
"No, I can't do anything about this problem."
"Why?" Gradually, annoyance filled my sister's voice.. "She's your daughter, ano ba naman na kahit ipagtanggol siya- or kahit hindi na iyon! Ibalik niyo nalang sa kanya ang pera."
Narinig ko ang pagbasak ng kung ano. "When your mommy finds out we are both dead!"
"Do you think I care?!" Malakas na sigaw niya.
"You don't but I do!" Rinig ko ang pag usog pa ng upuan at hudyat iyon ng pag tayo ni daddy. "Kung alam ko lang na pareho kayong magiging disappointment namin- nakakapansisi...."
Pagtapos nun nakarinig na ako ng mabibigat na hakbang paakyat, naghintay pa ako ng ilang minuto bago pumasok sa bahay. Magpapalit lang ako ng damit at aalis na muna ako ayoko magtagal sa bahay.
Bakit kailangan namin sila pabilibin kung anak nila kami? Paano kung hindi namin kaya. Paano kung ito lang talaga kami.
Huminga ako ng malalim tsaka lumabas ng kwarto ko, naglakad lang ako ng naglakad hangang sa napagod ako dumating sa punto na nakatulala na ako.
Umuwi lang ako ng maramdaman ko ang pagod, sakto naman pag uwi ko patay na din ang mga ilaw, tulog na din ang mga tao na nandoon kaya naman dumiretso na ako sa kwarto hindi ko nalang pinakinggan ang sigaw ng sikmura ko.
Kinaumagahan sobrang aga ko din bumangon at umalis ng bahay, halos hindi pa lumilitaw ang araw. Unang kong naisip na maghanap ng trabaho I can't always rely on Rayden for my food, ni wala nga akong balita kung kamusta na iyon ngayon.
Sumalubong saakin si Isla pagdating ko, may inabot siya na plastic bag saakin. Nag aalangan pa ako kuhain iyon pero kinuha ko padin.
Bumungad doon ang isang sandwich. "Ano ito?"
"Thankyou gift. Lagi mo akong tinutulongan sa homeworks ko-"
Tumango ako, "Kukunin ko, s-alamat.."
Labag sa pride ko ang tumanggap ng ganito, feeling ko kawawa ako kapag may nagbibigay saakin ng kung ano, pero hindi na kaya ng sikmura ko na tiisin ang gutom.
Ngumiti saakin si Isla at umalis sa tabi ko tsaka naman ako umupo sa upuan ko sa harap, nag simula ang klase at natapos ng ganon hindi naman ako umalis sa classroom dahil wala naman ako pambibili ng pagkain.
Kaya ng lumapit saakin si Isla at Jenzy para yayain ako kumain ay dali dali akong umayaw, natitigan ko pa si Jenzy mukhang may pinagdadaanan din siya, namayat din siya ng sobra. Mukhang nakita niya na nakatitig ako sa kanya kaya naman nginitian niya ako.
Sakto ng umalis sila doon pumasok si Rayden sa classroom, umupo siya sa harap ko dala ang isang malaking plastic din.
Halos malalim na ang mga mata niya, andumi din ng sout niyang damit. Hindi siya naka-uniform hindi ba siya pumasok?
YOU ARE READING
Loving The Sober (Adulting Series #2)
RomanceThe way he always there for me, the way how he make me feel calm. The way his voice sounds a home to me, make me stay by his side forever. Kapag sapat na ang dahilan at oras natin sa susunod sisiguraduhin ko na mananatili ako sa tabi mo. -The photo...