Chapter 6 - Suspect

41 2 0
                                    

"Yow my friends!" bungad ni Syl nang marating n'ya ang pinagtataguan nina Cash, Ziggy, Fin at Kit.

"Oh? Bakit ka nandito?" bungad na tanong ni Ziggy. Naupo si Syl sa damuhan saka ngumiti sa kanila. Saka napunta kay Kit ang atensyon n'ya habang ito ay nag lilinis ng Sniper n'ya.

"Psst! Boy!" tawag sa kan'ya ni Syl kaya napatingin sa kan'ya si Kit. "Bawal ang baril ah? Pulis ako, gusto mo hulihin kita?" biro ni Syl. Ilang segundo s'yang tiningnan ni Kit saka itinutok ang sniper n'ya kay Syl na animo'y babarilin.

"Sure." sagot nito saka kinasa ang Sniper n'ya. Napa angat naman kaagad ang dalawang kamay ni Syl.

"J-J-Joke lang!" sagot kaagad ni Syl. "Ikaw naman hindi ka mabiro." sambit ni Syl. Napabuntong hininga lang si Kit saka ibinaba ang baril n'ya.

"Why are you here? Diba may duty ka?" tanong ni Fin habang nakain ng hatdog.

"Nakakuha ako ng copy ng footage sa hardware store." masayang sambit ni Syl saka ipinakita ang USB na hawak n'ya.

"Woah, paano mo nagawa 'yun?" tanong ni Ziggy. Tinaas baba naman ni Syl ang dalawang kilay.

"Sikretong malupit." sambit ni Syl at napaismid naman si Cash.

"Nakipag sex s'ya doon sa owner para bigyan s'ya ng copy." pag bubuking ni Cash kay Syl. Natawa naman sila.

"Talaga?" gulat na tanong ni Fin. Napanguso naman si Syl.

"Ginawa rin naman iyon dati ni Kit ah?" sambit ni Syl at napagtango naman silang lahat maliban kay Kit na may sariling mundo sa gilid.

"Anyways, ito iyung USB. Panoorin muna natin sa laptop ni Fin bago ko 'to dahil sa headquarters." sambit ni Syl. Kinuha naman ni Fin ang laptop n'ya saka sinalpak doon ang USB.

Ilang sandali ang lumipas at napagana na nila ito.

"Ito na." sambit ni Fin. Saka pinindot ang start. Pinanood nila ng mabuti ang footage.

"Sheeeesh." sambit ni Ziggy ng makita na nila kung paano binaril ng isang lalaking nakamotor ang mag-ama.

Nanatiling nakatutok si Syl sa video..

Tama 'yung witness. Itim na motor nga. - Syl.

"Wait, Fin. I-rewind mo nga dun sa part na patakas na iyung killer." sambit ni Syl. Agad naman s'yang sinunod ni Fin.

"Ito ba?"

"Ayan ayan.. Stop!" agad na pinindot ni Fin ang stop ng sabihin ito ni Syl. "Pwede mo bang i-zoom sa motor nung killer?"tanong ni Syl. Tumango naman si Fin.

Makalipas ang ilang segundong ay na-zoom at napalinaw na ito ni Fin.

"Naka helmet na itim, hindi kita muka pare." sambit ni Cash.

"Itong motor, may alam ba sa in'yo ng model na ito?" tanong ni Syl habang nakaturo sa motor.

"Base sa itsura, mukhang honda CRF300 'yan." na patingin sila kay Ziggy dahil sa sinabi nito.

"Really?" tanong ni Kit. Tumango si Ziggy.

"Oo, trust me. Pangarap kong bumili ng ganyan dati nung wala pa ako sa Organization kay alam ko 'yan." sambit ni Ziggy. Napatango tango naman sila.

Honda CRF300.. We'll see. - Syl.

***

"Fuck nakaka gutom!" reklamo ni Syl. "Kumain kaya muna ako bago bumalik sa station?" tanong n'ya sa sarili n'ya. Hindi na s'ya nag dalawang isip at nag maneho na uli s'ya upang mag hanap ng kakainan.

WANTED: LUNA (Season 1) ✔Where stories live. Discover now