Chapter 5 - Footage

65 2 0
                                    

"Ah ang banas. Tanghaling tirik ah." reklamo ni Ziggy habang pinapaypayan ang sarili.

"Kumain kana ba?" tanong sa kan'ya ni Kit na kumakain ng lollipop. Tumango naman si Ziggy.

"Hmm." sagot nito.

"Mag hiwa hiwalay kaya tayo?" suggestion ni Fin. Na patingin naman sila dito.

"Parehas lang naman, mag mamasid tayo edi magsama sama nalang tayo mag masid." sambit ni Cash.

"Sino nand'yan?" nanlaki ang mata nila pare parehas ng may marinig silang nagsalita. Kan'ya kan'ya silang kuha ng mga gamit nila saka nagtago.

"Gagi mga pulis!" mahinang bulong ni Ziggy at sinenyasan naman s'ya ni Kit na manahimik.

Nagtago sila ng maigi para hindi sila makita ng mga ito.

"Ano ba 'yun?" tanong nung isang pulis.

"Parang may narinig akong mga nag sasalita." sagot naman nung isa. Napalunok si Fin dahil ito.

"I have my sniper, should I kill them?" bulong ni Kit at sabay sabay naman silang lumingon.

"Wag tayo gumawa ng gulo." bulong ni Fin.

"Meow meow." na patingin sila kay Cash bigla nalang itong mag tunog pusa.

"Pota pusa lang pala pare e." sambit nung isa. Naptakip naman silang lahat ng bibig upang mag pigil ng tawa.

"Pusa lang pala punyeta." sambit nung isa pang pulis saka nila naramdaman na papaalis na ito.

Nang masiguro nilang wala na ang mga ito ay lumabas na sila sa pagkakatago.

"Hahahaha kailan kapa naging pusa?" tumatawang sambit ni Ziggy at napairap naman si Cash.

"Gumana naman ah?"

***

"Boss, dumating na 'yung mga armas galing italy." sambit ng isa sa ranks ni Ziggy.

"Sure, bababa ako after ko tapusin ito." sambit ni Ace. Kasalukuyang nasa main hideout si Ace upang kamustahin at asikasuhin ang mga transactions at deals ng organizations.

After five minutes, pumasok na s'ya sa isang warehouse sa main hide out nila. Doon nagaantay ang mahigit sampung mga tauhan nila upang salubungin s'ya.

"S'ya 'yung boss natin 'diba? Grabe ngayon ko lang s'ya nakita."

"Ang astig n'ya tingnan."

"Woah ang bilis ng tibok ng puso ko, ang intimidating n'ya tingnan."

Napailing iling nalang si Ace dahil sa mga naririnig n'ya. Sa sobrang bihira n'yang pumunta ng kanilang main hideout ay maging ang mga tauhan nila ay hindi alam ang kan'yang muka.

Nung makalapit na s'ya sa malalaking kahon ay isa isa n'ya itong pinag bubuksan.

"Ito na 'yun lahat?" tanong ni Ace habang ini inspeksyon ang mga baril.

"Yes po. Next week po ang dating ng mga bombs and grenades and other ammo." paliwanag nito at tumango naman si Ace saka humarap dito.

"Nice work, Rob. Aasahan uli kita sa mga susunod na transactions." sambit ni Ace at tumango naman si Rob.

"Ako pong bahala." sagot nito.

***

"Hay ang boring. Hindi naman ito 'yung gusto kong lutasin." inis na sambit ni Syl.

"Boys ready! May aarestuhin tayo!" kaagad silang napabalikwas ng marinig nila ang sinabi ni Captain Cristobal.

Sinuot ni Syl ang jacket n'ya saka nagmadali papuntang sasakyan para umalis.

WANTED: LUNA (Season 1) ✔Where stories live. Discover now