Chapter 8 - Interrogator

40 1 0
                                    

"Wala po akong kinukuha, Mama!" umiiyak na sambit ng batang si Ziggy ng bigla nalamang s'yang hampasin ng sinturon ng kan'yang ina galing trabaho.

"Anong wala!? Eh nasaan na 'yung pera kong nilagay sa taas ng cabinet!" sigaw sa kan'ya ng nanay niya. Nung hambaan nanaman s'ya ng hampas ng nanay n'ya ay niyakap n'ya ang tuhod n'ya.

"H-Hindi ko po kinuha." patuloy parin sa pag iyak si Gilbert. Hanggang sa sinabunutan s'ya ng nanay n'ya saka hinigit palabas ng bahay nila.

Napaupo s'ya sa sahig ng itulak s'ya ng nanay n'ya dito. Punong puno s'ya ng bukol at pasa sa katawan dahil sa pambubugbog ng mga magulang n'ya sa kan'ya tuwing lasing at mainit ang ulo ng mga ito.

"Hindi ka papasok dito hangga't hindi mo binibigay saakin ang perang ninakaw mo!"sigaw pa ng nanay niya. Pinag titinginan na sila ng kapit bahay nila pero walang ibang nagawa ang batang si Ziggy kundi umiyak nalang ng umiyak.

Naupo lang s'ya sa tabi ng pintuan nila saka hinintay na papasukin s'ya ng nanay niya. Wala naman talaga s'yang kinukuha na pera, talagang mainit lang talaga ang dugo ng ina n'ya sa kan'ya tuwing mainit ang ulo. Kay Ziggy n'ya lahat binubuhos ang galit n'ya.

Habang nakaupo s'ya sa gilid ay nilapitan s'ya ng alaga n'yang aso. Niyakap n'ya ito kaagad nang maupo ito sa tabi n'ya.

"Brownie, galit nanaman saakin si Mama. Akala n'ya kinuha ko 'yung pera sa taas ng cabinet. Hindi ko nga iyun abot. Nakita ko si Papa na kinuha ang pera doon kanina, pero kapag sinabi ko 'yon kay Mama hindi n'ya ako paniniwalaan." tumutulo ang luha n'ya habang kinukwento ang mga nangyari sa alaga niyang aso.

"Hindi na ako nakaka pasok sa school kasi wala akong baon. Gusto kong mag-aral, Brownie. Pero sabi ni Mama 'wag na daw at mag trabaho nalang daw ako. Sa edad kong 10 years old, sa tingin mo may kukuha saakin sa trabaho?" pinunasan n'ya luha na patuloy na na bagsak sa mga mata n'ya.

***

"Chuuu~ Brownie!" masayang sambit ni Ziggy pagkauwi n'ya galing school. Kahit paano naka ipon s'ya ng pang matrikula n'ya sa pamamagitan ng pag tatrabaho sa gabi.

Pumasok s'ya sa bahay nila saka kinuha ang isang daang piso na kinita n'ya kagabi sa pag sasaka.

"Ma, ito po 'yung kinita-" hindi na n'ya natapos ang sasabihin n'ya ng basta nalamang kinuha ng nanay n'ya ang pera sa kamay n'ya.

"Mag linis ka d'yan, Gilberto! Pag uwi ko't madumi d'yan tatamaan ka saakin!" bulyaw ng nanay n'ya saka lumabas ng bahay.

"Ma, saan ka pupunta?" tanong ni Ziggy.

"Mag totongits." sagot nito. Napabuntong hininga naman si Ziggy.

"Ma, binigay ko 'yan para pambili ng ulam ngayong mag-hapon." sambit ni Ziggy. Dahil dito ay nangunot ang noo ng nanay n'ya at kaagad s'yang sinampal ng malakas.

Sa lakas ng sampal ay halos mamanhid ang kaliwang pisnge ni Ziggy.

"Huwag mo 'kong diktahan ha!? Gagawin ko ang gusto ko wala akong pakealam sa kakainin mo! Tumanda ka lang sumasagot kana saakin?!" hindi na nag salita si Ziggy at inintay nalamang n'yang lumabas ang kan'yang ina sa bahay nila. Saka n'ya sinara ang pinto at naupo sa sofa.

Napasapo s'ya sa pisnge n'yang sinampal ng nanay n'ya. Napabuntong hininga nalang s'ya saka nag palit ng damit pang bahay.

Balak na n'yang matulog dahil mamayang gabi ay magtatrabaho na uli s'ya pero bigla s'yang nagutom. Pumunta s'ya sa kusina at na realize n'ya na walang bigas at ulam sa kusina.

Napahawak nalang s'ya sa tyan n'ya ng tumunog ito. Saka s'ya nakaisip ng paraan. Nag punta s'ya sa bukid para mamitas ng mga kamote. Ilang oras rin s'yang nanguha. Pag balik n'ya, nakauwi na pala ang nanay niya.

WANTED: LUNA (Season 1) ✔Where stories live. Discover now