Chapter 7 - Confirmed

46 2 0
                                    

Pag balik ni Syl ng station ay kaagad s'yang kinamusta ng mga katrabaho n'ya.

"Oh, Villaflor? Okay naba ang pakiramdam mo?" bungad na tanong sa kan'ya ni Detective Viceral. Naupo s'ya sa desk n'ya saka ngumiti dito.

"Opo. Nalipasan lang po ako ng gutom kaya ako nahilo. Okay na po ako, don't worry." sagot ni Syl.

"Mabuti naman kung ganoon. Ang daming bagong kaso na dapat asikasuhin." sambit ni Detective Viceral at tumango lang si Syl.

Saka s'ya pa simpleng tumingin kay King na kunwari ay nag lilinis, nag thumbs up s'ya dito bilang hudyat na ipaalam kina Fin na nakabalik na s'ya ng station.

Tumango si King saka pumasok ng janitors room upang tawagan sina Fin.

Ilang sandali pa.

Na patingin si Syl sa gilid n'ya ng marinig n'yang tumunog ang telepono ni Detective Viceral.

"Hello, this is violent crime unit. Anong mai—.. talaga?!" napatayo sa gulat si Detective Viceral dahil sa narinig n'ya mula sa caller. "Pwde mo bang sabihin ang location?.. Sige.. Sige.. Okay okay pupunta na kami.. Okay salamat!" iyun lang at binaba na n'ya ang tawag.

"Boys get ready! May nag tip saakin ng killer ni Dante. Pupuntahan natin ngayon 'yon." sambit ni Detective Viceral. Lihim namang napangiti si Syl.

Nice one. - Syl.

"Detective, ito na 'yung lugar." bulong ni Syl habang sinisilip ang bahay nang killer. Nandito sila ngayon sa Merrygo District, medyo malayo sila sa bahay dahil gusto muna nila mag masid saglit bago lumusod.

"Handa mo baril mo, Villaflor." sambit ni Detective Viceral. Kinuha naman ni Syl ang hand gun n'ya saka na sila lumabas. Nag padala ng back up police ang prosecutor para daw mas madali at mas mabilis ang pag huli. Lalo na't murderer ang huhulihin nila.

Unti unting pinalibutan ng pulis ang bahay ng suspect. Nang nasa may pintuan na sina Detective Viceral at Syl, bumilang muna sila bago pasukin.

"In the count of 3.. One, two.. three!" malakas na sinipa ni Syl ang pintuan dahilan para masira ito.

Tumambad naman sa kanila ang gulat na gulat na lalaki na kaagad na napataas ang dalawang kamay dahil ang daming baril ang nakatutok sa kan'ya.

"Huwag kang gagalaw! Dapa!" sigaw ni Detective Viceral.

"Anong ginagawa ng mga pulis di—"

"DAPA!" sigaw muli ni Detective Viceral at dahil sa takot at napadapa ang lalaki.

"Ilagay mo sa likod kamay mo." sambit ni Syl na kaagad ginawa ng lalaki. Dahan dahan lumapit dito si Syl saka ito pinosasan.

"Halughugin n'yo buong bahay!" sambit ni Syl sa ibang mga pulis na kaagad nilang ginawa.

Matapos posasan ni Syl ang suspect at pilit n'ya itong pinatayo.

"Huli kana, boy." bulong sa kan'ya ni Syl.

"P-Paano n'yo nalaman.." nanlulumong sambit nito.

"Walang sikretong hindi nabubunyag pare. Mamaya sa interrogation sumagot ka ng maayos." bulong pa ni Syl. Napatulala naman ang lalaki.

"Boss! Nahanap namin ang isang baril at isang helmet sa kwarto n'ya!" sambit ng isang pulis.

"Ayos! Malakas na ebidensya 'to." sambit ni Detective Viceral. Napailing naman ang lalaki.

"H-Hindi ako ang pumatay!"

***

"Ang banas." bulong ni King sa sarili n'ya habang nakaupo a bench sa labas ng station malapit sa malaking puno. Nagpapahinga s'ya ngayon.

WANTED: LUNA (Season 1) ✔Where stories live. Discover now