Chapter 9 - Assassin

52 1 0
                                    

"Saan mo gustong sumakay, anak?" tanong ng kan'yang ama habang nag lalakad sila sa amusement park.

"Kahit saan po, Papa. Ngayon lang po ako naka punta dito kaya hindi ko po alam kung anong sasakyan ko." nakanguting sambit ng batang si Cash habang hawak hawak ang kamay ng tatay niya habang naglalakad.

"Pasensya kana, anak kung ngayon lang kita nadala dito ha? Ngayon lang kasi ako nag ka pera.

"Okay lang po. Tara po sakay nalang tayo doon!" aya ni Cash sa ferris wheel na kaagad nilang sinakyan.

"Wooooooaaaahhhhh!" manghang sambit ng batang si Cash habang nakasilip sa bintana. Kasalukuyan silang nasa tuktok ngayon ng ferris-wheel.

"Cash, ingat ka." nakangiting sambit sa kan'ya ng tatay niya. Naupo naman ng maayos si Cash dahil dito.

"Papa, ang ganda po dito sa taas. Kitang kita po 'yung buong lugar!" masayang sambit nito.

***

After nilang sumakay ng ferris-wheel ay madami pa silang sinakyan na rides na labis na ikinatuwa ni Cash. Ngayon lamang kasi s'ya naka punta ng amusement park kung kaya't hangga't maaari ay sinusulit na n'ya ito kasama ang ama.

Habang nasa rides ay napapatitig lang ang kan'yang ama sa kan'ya habang may nakaburdang ngiti sa labi. Ngayon nalamang n'ya uli nakita ang anak na ganito ka saya.

"Nag enjoy kaba, Anak?" tanong ng tatay nito. Tumango kaagad si Cash saka napatingala sa ama n'ya.

"Sobra po, Papa. Thank you po kasi dinala n'yo ako dito!" pasasalamat nito at kaagad naman s'yang binuhat ng Papa n'ya.

"Halika nga dito.. Syempre naman. Love na love ko kayo ng kapatid mo. Kapag nag ka pera uli ako, si Casey naman ang dadalhin ko dito, Okay?" tanong nito. Tumango naman kaagad si Cash.

"Opo! For sure po magugustuhan ni Casey ang ferris-wheel. Kaso maliit pa po s'ya e." sambit ni Cash. Tumango naman ang Papa nito saka nag umpisang mag lakad.

"Pag 12 years old narin si Casey dadalhin ko s'ya dito." sagot ng Papa n'ya tumango naman kaagad si Cash at maya maya lang ay humikab na ito.

"Uwi naba tayo? Mukhang pagod kana anak?" tanong ng kan'yang ama. Hindi na s'ya naka sagot dahil nakatulog nalang s'ya sa mga balikat nito.

Napangiti naman ang ama saka hinaplos ang ulo ni Cash at napangiti.

"Napagod nga siguro."

***

Kinabukasan, masayang nag lalakad papuntang school si Cash. Papunta na sana s'ya ng classroom ng bigla n'yang makasalubong ang mga first year sa hallway.

Tumungo nalang s'ya saka nag patuloy sa paglalakad. Bitbit bitbit n'ya ang project na pinag hirapan nilang gawin ng Papa n'ya nung isang araw.

Habang nag lalakad ay nagulat nalang s'ya ng binangga s'ya ng mga ito. Dahilan para mapasalampak s'ya sa sahig at malaglag ang project n'ya.

"Yung project ko.." alalang sambit n'ya saka s'ya sana pupunta para pulutin ito ng itulak s'ya ng isa sa mga first year.

"Ano bang problema mo, Cassius!?" inis na tanong nito. Napatungo lang si Cash.

"H-Hindi ko naman sinasadya." halos bulong na sambit ni Cash. Inis na lumapit ang nabangga n'ya saka tinulak ng malakas ang ulo nito.

"Mag-ingat ka nga sa susunod, Cassius. Pasalamat ka nasa hallway tayo. Kung wala tayo dito baka tinamaan ka nanaman saakin." banta nito saka tinapakan ang project n'ya saka umalis.

Pinangilidan naman ng luha si Cash habang nakatingin sa sira n'yang project.

"Pinag hirapan namin ito ni Papa." bulong n'ya sa sarili n'ya.

WANTED: LUNA (Season 1) ✔Where stories live. Discover now