Chapter 14 - Leader

49 2 0
                                    

"Guns.. Gusto ko po matutong gumamit ng baril, Papa!" masayang sambit ng batang si Ace habang buhat buhat s'ya ng kan'yang Ama. Sinundo kasi s'ya nito sa playground upang pauwiin na.

"Guns are very dangerous but don't worry, pag lumaki kana I'll teach you na." masayang tugon nito at nakangiti namang tumango si Ace.

"Hehe! Pwede na po ba ako sumama sa in'yo sa hideout-"

"Nope. Bawal ang bata sa hideout namin." putol ng kan'yang ama sa sinasabi ni Ace. Napanguso lang si Ace dahil dito.

"Ang daya~ I swear po, pag lumaki na ako.. Mag bubuo din po ako ng mafia organizations at tatalunin ko po kayo!" nakangusong sambit ni Ace at natawa naman ang Papa n'ya.

"Hahahahaha sige, aantayin ko 'yan." masayang sambit ng kan'yang Ama. Dahil dito ay napangiti narin si Ace.

"Mafia's are so cool po, Papa! I want to be a Mafia Boss too just like you!" dagdag pa ni Ace at tumango naman ang Papa n'ya.

"Do your best, then. Pero sa ngayon, uminom ka muna ng milk para tumangkad ka hahahaha!" dahil sa sinabi nito ay napasimangot uli si Ace.

"Psh!" singhal ni Ace.

YEARS LATER

"Young Master! Saan po kayo pupunta?" alalang tanong Chip habang sinusundan si Ace palabas ng mansion. Si Chip ay ang kanang kamay ni Adam sa kanilang organisasyon.

"I'll go see my Dad." sambit ni Ace at pumunta naman sa harap n'ya si Chip at hinarangan s'ya.

"Chip!?" inis na sambit ni Ace. Umiling naman si Chip.

"Young Master, binilin po saakin ni Master na huwag na kayong palabasin ng gabi. Anong oras na po, 1:30 am na." sambit ni Chip. Napasimangot naman si Ace saka inis na bumalik.

"Tch! Gusto ko lang naman mag goodnight e." bulong ni Ace at bahagya namang natawa si Chip.

"Ako na po mag sasabi sa kan'ya. Kailangan n'yo na po matulog dahil may training pa po kayo bukas." paalala ni Chip.

"Hmp!" inis na sambit ni Ace saka pumasok sa kwarto n'ya at malakas na isinara ang pinto.

***

"Lolo!" kaagad na nanakbo si Ace ng ibaba s'ya ng kan'yang ina papalapit sa lolo nito.

"Ace!" masayang sambit ng Lolo saka in-open ang dalawang braso para salubungin ng mahigpit na yakap ang apo.

"Lolo! Sabi po si Mama at Papa dito daw po muna ako kasi may pupuntahan daw po silang dalawa!" sambit ni Ace. Napangiti naman ang lolo saka tumingin sa likuran ni Ace kung saan nandodoon ang ina ni Ace.

"Amanda, mag iingat kayo ni Adam." sambit ng lolo at napalingon naman si Ace sa likod n'ya saka lumapit sa Ina n'ya at humalik.

"See you po!" bibong sambit ni Ace. Tumango naman ang kan'yang ina at saka ngumiti.

"See you, Ace. Pa, kayo na po bahala kay Ace at Ayumi." sambit ni Amanda at Tumango naman ito.

"Ako nang bahala sa kanila." sagot nito. Nanakbo na uli si Ace sa kan'yang lolo at napagpasyahan na ni Amanda ang umalis ngunit nakaka tatlong hakbang palang s'ya ay napatigil s'ya sa paglalakad, saka muli lumingon kay Ace na ngayon ay naglalakad kasama ang lolo nito.

Ace.. Ayumi.. - Amanda.

Ilang segundo ang lumipas at napagpasyahan na n'yang umalis.

"Ace, gusto mo mag billiards tayo?" tanong ng lolo at kaagad namang tumango si Ace.

"Sige po!" sagot ni Ace. Kaagad silang nag punta sa game room para mag laro. Habang nag lalaro sila ay nag kuwentuhan sial.

"You remind me of Adam when he's in your age." sambit ng lolo at nagtaka naman si Ace.

WANTED: LUNA (Season 1) ✔Where stories live. Discover now