Chapter 17 - Corner

45 2 0
                                    

"Mayabang ka 'diba??? Bakit hindi mo ako palagan!" nakangising sambit ni Shal habang paulit ulit na tinatapakan ang naka handusay at walang malay na lalaki.

Nandito sila ngayon sa bakanteng lote malayo sa mga matataong lugar. Isang riot ang naganap at may nag hamon kina Shal at sa mga kasama n'yang Ranks ng away, pinalagan nila ito hanggang sa humantong na ang mga pang yayari dito.

"T-Tama na! Papatayin mo ba talaga s'ya?!" sigaw nung isa sa kasahaman nung human sa grupo nina Shal. Ito nalang ang natitirang nakatayo sa kanilang lahat sapagkat kanina pa ito nag tatago sa likod ng yero. Ngayon lamang s'ya nagka lakas ng loob para lumabas dahil sa hindi na n'ya matiis ang ginagawa ni Shal sa kaibigan n'ya.

Dahil dito ay napahinto si Shal at na patingin sa lalaki. Kaagad namang nag tayuan ang balahibo ng lalaki dahil dito.

"Aba, ikaw nalang ang nakikita kong walang taga sa dibdib ah?" nakangiting nakakaloko parin si Shal. Tinigilan ni Shal ang pag tapak sa lalaki at kinuha n'ya ang baseball bat sa hindi kalayuan. "What did you say? Patayin ko s'ya?" natatawang sambit ni Shal saka is-nwing swing ang bat.

"N-Nasisiraan kana ba ng ulo?!" sigaw nito.

"Hahahahahaha, am I crazy? Hell yes!" sambit ni Shal, hahampasin na sana n'ya ng bat ang lalaki ng bigla nalang nag ring ang phone n'ya. Agad n'ya itong sinagot ng makita n'yang si Tobi ang tumatawag.

"Boss?" pag sagot n'ya.

"Heart, where the fuck are you?" tanong ni Tobi.

"Playing with my toys, why? You need me?" tanong nito sabay bitaw ng baseball bat at hawi sa buhok n'yang basang basa ng pawis.

"Yes, come here now." utos ni Tobi.

"Okay, I'll be right there." iyon lamang at pinatay na n'ya ang call. Saka s'ya tumingin doon sa lalaking nakatayo. "Call this a miracle. But if I ever saw y'all fucking faces again, I'll hunt you down even after death." banta ni Shal. "C'mon boys." tawag n'ya sa mga ranks n'ya saka na sila umalis.

***

Nang makabalik na sina Shal sa headquarters nila ay dumiretso kaagad s'ya sa office ni Tobi kung saan nandoon si Tobi, AG at Code.

"Hey.." bati ni Shal. Seryoso s'yang tiningnan ng mga ito kaya bahagya s'yang nag taka. Saka nabaling ang atensyon n'ya kay Tobi ng may ipinakita itong vid sa cellphone n'ya.

"Is this you?" tanong ni Tobi. Pinag masdan naman ni Shal ang vid at ng mapagtanto n'ya ito ay napangisi s'ya. Ito 'yung vid na nakikipag away s'ya sa mall.

"Ah ayan? Loko kasi 'yung dalawang 'yan gusto ng away kaya ayun, binigyan k-" hindi na natuloy ni Shal ang sasabihin n'ya ng kwelyuhan s'ya ni Tobi at gigil na tumingin dito.

"Mafias should not draw lots of attention in public places.. I think I told y'all that before?" tanong ni Tobi. Napalunok naman si Shal. "You didn't even try to hide your identity, are you nuts? Are you really that complacent?" tanong ni Tobi, hindi naka sagot si Shal at pabato n'yang binitawan si Shal saka timingin sa lahat ng taong nasa loob. "We have an important information with us and lots of big mafia organizations.. including the goddamn Panthers, are hunting our asses right now. How did I know?.. Well, Dante's death have been circling for months now, I assume that some of the organizations did their own investigations to found out who killed them. The gunman we hired is already been caught, I visited him last time on the prison.. As soon as he saw me, natakot s'ya bigla. I wonder why kaya I asked him, he said he accidentally mentioned our emblem to one of the police interrogator. I almost freaked out that time but I managed to stay still to get more information about him. I asked the name of the interrogator and he said Daniel Villaflor.. " sambit ni Tobi. Napakuyumos ang kamay n'ya sa galit kaya pinakinggan na lamang s'ya ng mga kasamahan n'ya."There's no Daniel Villaflor on that station that time. They say nag resign s'ya agad after a few months na pag ta trabaho sa station and I know that.. Daniel Villaflor is not a cop! He just disguise himself as one to get more information.. And now they already knew that we're the one's who killed Dante and his daughter!" nang gagalaiting sambit ni Tobi at napalunok naman si Shal. Ang ilan sa kanila ay first lang narinig na ganito pala ang nangyari."Kaya we really need to be careful, we can't afford to lose any of our organization's executives. But I'm saying that, if other organizations recognizes your fucking identify from that video, and if your actions causes chaos to us.. I'll kill you myself, Heart." banta ni Tobi at napalunok lang si Shal."Do you get me?" tanong ni Tobi. Tumango naman ito kaagad.

WANTED: LUNA (Season 1) ✔Where stories live. Discover now