"Kit, where are you going?" tanong ng Kuya n'ya matapos n'yang ibaba si Kit sa playground."In swing!" masayang sambit ni Kit saka nanakbo upang sumakay sa Swing. Nakangiti naman s'yang sinundan ng Kuya n'ya. "Kuya, itulak mo 'ko!" masayang sambit ni Kit sa kan'yang Kuya na kaagad namang ginawa nito.
"Are happy na dinala kita sa playground?" tanong ng Kuya n'ya at tumango naman si Kit.
"Opo, Kuya! Palagi ka po kasing busy sa work tapos every weekends lagi tayo nag tetrain kaya masaya po akong nag punta tayong playground!" masayang sambit ni Kit at napangiti naman ang Kuya n'ya.
"You think so?" tanong nito. Tumango naman si Kit saka bumaba ng swing at humarap sa kuya n'ya.
"Kuya, pag malaki na ako. Gusto ko pong maging kagaya mo!" masayang sambit ni Kit saka yumakap sa kuya n'ya.
"Really?" masayang tanong ng Kuya n'ya saka niyakap si Kit pabalik. Dahil dito, napatingala si Kit sa Kuya n'ya at napangiti ng malaki.
"You're the best, Kuya!"
***
"Kit, focus your wrist and calm yourself." payo sa kan'ya ng Kuya n'ya sa gilid. Huminga ng malalim si Kit saka ipinwesto ang Bow at hinigit ang arrow. Ipinikit ni Kit ang isang mata n'ya upang asintahin ang archery board sa malayo.
After 5 seconds, binitawan na ni Kit ang arrow, tiningnan nila kung saan ito tatama at parehas na gumuhit ang malaking ngiti sa mga labi nila ng tumama ang arrow sa gold ng archery board.
"Great job, Kit! You hit the 10 points 100 times today!" masayang sambit ng Kuya n'ya saka ito lumapit kay Kit na nakangiti ng malaki.
"Kuya, I did it! I hit the 10 points 100 times and 9 points 10 times!" masayang sambit ni Kit a tumango naman ang Kuya n'ya.
"That's awesome! You know what, when I'm in your age.. I can't even hit an 8 points." sambit ng Kuya n'ya saka naupo sa bench malapit, naupo rin si Kit.
"Really, Kuya?! Ikaw kaya nag turo saakin mag archery. It's hard to believe." sambit ni Kit.
"I know. Pero that's the truth. I'm surprised kasi you really good at aiming." dagdag pa nito. "Anyways, after nito punta tayo arcade? Laro tayong video games!" sambit ng Kuya n'ya at lumaki muli ang ngiti ni Kit sa labi.
"Talaga!?" masayang tanong nito at tumango naman ang Kuya n'ya.
"Hmm. Very good ka kasi today kaya mag lalaro tayo, okay ba 'yon?" tanong nito at tumango naman si Kit kaagad.
"Opo!" sagot ni Kit.
"Mark?" napatingin sila sa likuran ng bigla nalang may tumawag sa Kuya n'ya. Napatayo ito ng makita n'ya kung sino ang tumawag sa kan'ya.
"Mama?" tanong nito. Napatingin rin si Kit dito at nagtaka s'ya dahil mukhang seryoso ang kan'yang ina.
"Your father wants to talk to you." sambit ng kan'yang ina. Malungkot na tumingin si Kit sa Kuya n'ya. Gusto kasi lagi ni Kit na kasama n'ya ang kuya n'ya. Naupo si Mark at tumingin kay Kit.
"Kit, later nalang.. okay? After namin mag usap, pupunta tayo ng arcade." sambit nito. Tumango naman si Kit. "Dito ka muna mag practice, ipaa-assist kita. Kita nalang tayo, okay?" nakangiting sambit nito at naiiyak lang na tumango si Kit. "Be a good boy." dagdag pa nito saka s'ya tumayo at sumunod sa kan'yang ina.
Napabuntong hininga naman si Kit saka pinag patuloy nalamang ang pageensayo.
***
Takip silim na at hindi parin s'ya binabalikan ng Kuya n'ya. Nasa isip n'yang umalis ng training area n'ya at pumunta sa kusina para kumuha ng maiinom.
YOU ARE READING
WANTED: LUNA (Season 1) ✔
ActionSmart, Fearless, Power, Mentality, Intimidating, Confidence.. these are a few of the qualities required to be referred to as a great leader. The best example of it is Ace, the leader of the Panther Organization. Together with his executives, they w...