Chapter 12 - Spy

41 1 0
                                    


"Sister Jenny, saan po kayo pupunta?" tanong ng isang batang kagigising lang ng makita n'ya si Sister Jenny na palabas ng simbahan.

"Mag wawalis lang ako sa labas, anak. Punta kana doon sa kainan may inihanda akong pagkain." sambit ni Sister Jenny at tumango naman ang bata saka nag punta na doon. Pagkalabas ni Sister Jenny ay kinuha n'ya ang walis at pandakot saka nag umpisang mag walis. Hindi pa tuluyang sumisilip ang araw kung kaya't medyo malamig sa labas.

Nasa ganitong sitwasyon si Sister Jenny ng may mapansin s'yang basket sa harapan ng gate ng simbahan. Dala ng pagtataka ay binitawan ni Sister Jenny ang walis at pandakot saka lumapit doon. Binuksan n'ya ang gate ang doon na tumambad ang isang sanggol na nasa loob ng basket at tahimik na natutulog.

"Diyos ko po!" alalang sambit ni Sister Jenny saka binuhat ang bata mula sa basket.

"Sister Fe! Sister Lily! Pumarini kayo!" sigaw ni Sister Jenny at kaagad namang lumabas ang dalawang madre at lumapit dito.

***

"Ang gwapo bata naman nito." natutuwang sambit ni Sister Fe habang nilalaro ang sanggol na kagigising lang.

"Sino kaya ang nag iwan ng batang ito sa harap ng simbahan? Kawawa naman" malungkot na sambit ni Sister Jenny.

"Hays, buti na nga lang at dito naisipan ng nanay na iwan ang bata. Kung sa ibang lugar pa ay ewan ko na." sambit naman ni Sister Lily.

Napatitig lang dito si Sister Jenny saka binasa ang nakaburdang pangalan nito sa sumbrero ng bata.

Sylvester Malone..

MAKALIPAS ANG ILANG TAON..

"Hay nako, Sylvester!!! Pumarini ka nga at bibihisan kita!" problemadong sambit ni Sister Jenny habang hinahabol si Syl na ngayon ay nanakbo ng walang pang itaas.

"Hahaha. Sister ang bilis ko po tumakbo!" masayang sambit ng batang si Syl.

"Oo, anak. Magbilis ka muna dito baka sipunin ka!" sambit pa ni Sister Jenny pero nag patuloy sa pagtakbo si Syl. Hanggang sa may kumutos sa kan'ya dahilan para mapahinto s'ya at mapa hawak sa ulo n'ya.

"Hay nako! Nag papasaway ka nanaman kay Sister, Sylvester! Pag hindi kapa umayos kukutusan uli kita!" hamba nito kay Syl kung kaya't pinangilidan ng luha si Syl. Hanggang sa naiyak na talaga s'ya at nanakbo papunta kay Sister Jenny.

"Sisteeeeeer! Si Bela kinutusan ako~" umiiyak na sambit ni Syl saka yumakap kay Sister Jenny.

"Aish kayong mga bata kayo." sambit ni Sister Jenny saka ito binihisan ng damit. After bihisan ay naupo si Syl sa bench saka napanguso. Nagulat nalang s'ya ng tumabi sa kan'ya si Bela.

"Laro tayo taya tayaan?" masayang tanong nito at kaagad naman napangiti si Syl at napalingon sa gawi ni Bela. 

"Bati mo na ako?" masayang tanong ni Syl at napanguso naman si Bela.

"Bati naman kita ah? Nakutusan lang kita kasi ang kulit mo e binihisan ka ni sister--" hindi na naituloy ni Bela ang sasabihin n'ya ng hinawakan ni Syl ang kamay nito at hinila patayo na bahagya n'yang kinagulat.

"Hahaha tara laro na tayo!" masayang sambit ni Syl at napangiti nalamang si Bela.

***

"Woah, Syl tingnan mo sumibol na iyung mga bulaklak na tinanim natin!" masayang sambit ni Bela at kaagad namang sumunod sa kan'ya si Syl papunta duon. Naupo sila at pinag masdan ang mga pulang rosas na tanim.

"Ang ganda, Bela. Sa'yo 'yan lahat?" tanong ni Syl at napasimangot naman si Bela saka hinambaan ng kutos si Syl kaya napatakip ito sa ulo n'ya.

"Anong akin?! Saatin ito!" sambit ni Bela na ikinataka ni Syl.

WANTED: LUNA (Season 1) ✔Where stories live. Discover now