Chapter 10 - ConMan

38 1 0
                                    

"Okay class, 5 minutes more and we're gonna check your works.. alright?" sambit ng guro.

"Yes teacher!" sagot naman ng mga bata. Nag patuloy ang mga ito sa pag da-drawing at pagkukulay dahil ang sabi ng kanilang guro kanina ay ang makapag pasa ng pinaka magandang gawa ay mag kakaroon ng star sa kamay.

"Wow, King! Ang ganda nung sa'yo!" puri ng katabi ni King na lalaki sa upuan. Napangiti lang si King habang kinukulayan ang eroplanong iginuhit n'ya.

"Of course! If I get a star I will show it to my Mom and Dad!" bibong sambit ni King.

"Let's do our best then." sambit naman ng katabi nito. Tumango si King saka pinag patuloy ang kan'yang ginagawa.

***

"Wow! King got the star! Congratulations! Let's give him a round of applause!" masayang sambit ng guro matapos nitong tatakan ng star sa kamay si King.

Napangiti lang si King habang pinapalakpakan s'ya ng mga kaklase n'ya.

Kinahapunan, sinundo na s'ya ng service n'ya para umuwi sa bahay. Pagdating n'ya sa bahay nila ay labis ang kan'yang ikinatuwa ng makita n'ya ang kotse ng kan'yang ama.

Bihira lamang kasi umuwi ang kan'yang mga magulang sa bahay nila dahil busy ang mga ito sa trabaho at wala ng time umuwi.

Kaagad s'yang nanakbo paakyat sa a office ng papa n'ya at nung buksan n'ya ito ay laking tuwa n'ya ng makita n'yang nandito ito. Kasalukuyang nakatalikod ang kan'yang ama na pawang may kinakausap sa telepono.

"I get it, please tell me more what happened.." rinig ni King.

"Daddy!" masayang tawag sa kan'ya ni King pero hindi n'ya ito tiningnan.

"Daddy, look! I have a star!" iniangat ni King ang kamay n'ya para ipakita ito sa ama n'ya.

Bahagya lamang lumingon ang Papa at sinabing..

"Later, Kingsley.." sambit nito. Pero dahil sabik na sabik si King sa kan'yang ama ay ipinakita rin nito ang drawing n'yang eroplano.

"Look, Dad! I have this star because my teacher said my drawing is the most beautiful one among my classmates!" sambit pa ni King.

"King, I said later.." sagot ng kan'yang ama. Dahil dito ay unti unting nawala ang ngiti ni King at napalitan ito ng malungkot na muka.

"B-But Dad, aren't you happy I got a-"

"KINGSLEY I SAID LATER!!!" napa angat ang dalawang balikat n'ya sa gulat ng sigawan s'ya ng Papa n'ya.

"Yah, I'm sorry. Where are we again?.." sambit ng Papa ni King sa kausap nito sa telepono. Pinangilidan naman ng luha si King bago s'ya nanakbo paalis ng office ng Papa n'ya.

Habang nananakbo ay nag pupunas s'ya ng luha. Dumiretso s'ya sa kwarto n'ya saka sumubsob sa kama n'ya.

Ayaw n'yang may makarinig ng iyak n'ya kung kaya't humagulgol s'ya habang nakasubsob sa unan.

Hanggang sa nakatulog s'ya habang naiyak. Ilang oras ang lumipas at nagising s'ya dahil sa sobrang gutom. Bumaba s'ya sa 1st floor upang kumain.

"Yaya, I'm hungry.." pupungas pungas na sambit ng batang si King. Agad s'yang pinag handa ng pagkain ng kan'yang Yaya.

Nang maihanda na ito ay nagumpisa na s'yang kumain. Habang kumakain s'ya ay tinanong n'ya ang kasambahay.

"Yaya, where's daddy?" tanong ni King.

"He already left na kasi may pupuntahan daw s'yang appointment." nito. Lumabi naman si King saka napatungo.

"Ganon? Did he saw my drawing?" tanong ni King. Napalunok naman ang Yaya saka ibinigay kay King ang drawing n'ya na iniwan niya sa table ng salas kanina.

WANTED: LUNA (Season 1) ✔Where stories live. Discover now