Chapter 16 - Performance

40 1 0
                                    


"Good morning, Yumi." bati ni Ace nang pumasok s'ya ng dining area upang mag almusal. Naabutan n'ya rin si Yumi na kumakain dito ng mag isa. Tulog pa kasi ang iba.

"Good morning, Kuya." bati pabalik ni Yumi. Napansin ni Ace na medyo tulahala si Yumi kaya naman pag kaupo n'ya sa table ay tinanong n'ya ito.

"You okay?" tanong ni Ace. Tiningnan s'ya ni Yumi saka dahan dahang tumango. Na hulaan naman agad ni Ace kung bakit.

"Are you nervous of your performance later?" tumango muli si Yumi. "Don't be. Walang mangyayaring maganda kung kakabahan ka mamaya sige ka." natatawang banta ni Ace at napasimangot naman si Yumi.

"Kuya~ Lalo akong kakabahan n'yan ih!" reklamo ni Yumi. Saka s'ya sumubo ng pancake.

"Hahaha. Just trust yourself that's it. Hindi naman ito ang first time na mag peperform ka ng nanonood kami." ani Ace.

'Sabagay'

Napatango tango si Yumi.

'Nag praktis naman ako ng iba kaya for sure I can do it naman!'

***

Tahimik na nakatutok si Fin sa Laptop n'ya ng may bigla nalang may pumasok sa kwarto n'ya. Nag taka pa s'ya kung paano nabuksan ang pinto n'ya saka n'ya lang naalala naiwan n'ya pala itong bukas.

"What?" tanong ni Fin habang nasa laptop parin ang tingin. Umupo ito sa sofa saka nag cross leg.

"Tara inom tayo." aya sa kan'ya ni Syl.

"May ginagawa ako can't you see?" sambit ni Fin. Napanguso naman si Syl. "Saka pupunta tayo mamaya sa school tapos gusto mo mag lasing tayo?" tanong pa ni Fin.

"Aba oo nga noh? Nakalimutan ko ngayon pala performance ni Yumi sa school!" sambit ni Syl saka s'ya tumayo at nagsimula ng maglakad paalis. "See you around then!" sabay labas.

Napailing lang si Fin saka nalang uli nalang uli nag focus sa ginagawa n'ya.

"Their old hideout located in North." bulong ni Fin. Sinusubukan n'ya kasi ngayong alamin kung saan ba nag kukuta ang Wolves. Napaisip s'ya ng konti habang nakatitig sa laptop n'ya, saka n'ya tinawagan si Ace.

"Fin?" pagsagot ni Ace.

"Ace, I'm not really sure tho. But I think the Wolves move hideout every 5 months. It's so hard to locate where they were right now. Plus, 'yung last hideout nila ay located sa north, base sa nakita kong cctv footages." sambit ni Fin.

"I see. Keep monitoring just in case." tugon ni Ace at tumango naman si Fin. Iyon lamang at binaba na nila ang tawag.

Nag inat saglit si Fin.

"Makaligo na nga." an'ya sabay tayo.

***

"Kaugnay ng nasunog na gubat noong isang araw, natagpuan ng mga pulis ang isang bag na puno ng baril at mga bala. Hinihinalang ang may ari nito ang nag pasimula rin ng apoy.."

"Tss! Sabi na e sila bossing ang masisisi d'yan gawa nung bag." sambit ni Ziggy habang nanonood sila ng news ni Cash sa sala.

"Ikaw ba naman mag dala ng baril sa gubat. Kahit ako kung ako 'yung pulis baka si Ace rin masise ko dahil sa bag na 'yan." tugon ni Cash habang nakain ng tangerine.

"Sabagay. Malay ba nilang Mafia Boss may dala na'n Hahahaha." natatawang sambit ni Ziggy. Nawala naman kaagad ang ngiti sa labi n'ya ng mapadpad ang tingin niya sa muka ni Cash. Taka naman s'yang tiningnan ni Cash.

"Ano ba 'yon?" takang tanong ni Cash at nakatitig parin si Ziggy sa muka s'ya at saka unti unting lumalapit.

"Huwag kang gagalaw.." mahinang sambit nito saka na patingin si Cash sa kamay ni Ziggy na unti unti umaangat.

WANTED: LUNA (Season 1) ✔Where stories live. Discover now