Chapter 11 - Hacker

33 2 0
                                    

"And the winner of Computer Programming 20** contest is none other than.. Phoenix Alexander! Congratulations!" kaagad na nag palakpakan ang mga tao at nakangiti namang tumayo si Fin at umakyat ng stage para tanggapin ang reward.

"Gagi ang galing ng batang 'yan sa computer programming legit."

"Oo tange nahiya ako, college na tayo pero dinaig tayo ng high school sa programming hahahaha."

***

"Fin, congrats. Alam ko nang ikaw ang mananalo." sambit ng isa sa kan'yang kalaban nung contest na si Tyrone.

"Congrats din sa'yo. We both did well naman saka may next time pa. Laban uli tayo." nakangiting sambit ni Fin at natawa naman ang lalaki.

"Sure." sagot nito saka nakipag kamay.

Maya maya biglang may umakbay sa kan'ya.

"Congrats, Fin! Sabi na kayang kaya mo 'yan." masayang sambit ng kan'yang kaibigan na si Klay.

"Salamat. Pinalakas mo rin loob ko kanina e." ani naman ni Fin. Nag kwentuhan pa sila hanggang sa napag pasyahan na ni Klay na umuwi.

Matapos ang ilang batian at congratulations na natanggap n'ya ay napagpasyahan na nilang umuwi upang ibalita sa mga magulang n'ya ng personal ang pagkapanalo n'ya sa competition.

Pag kababa n'ya sa service n'ya ay kaagad s'yang nanakbo dala dala ang trophy n'ya. Nagtungo s'ya kaagad sa second floor ng bahay nila para hanapin ang mga magulang.

Nang may marinig s'yang boses na nanggagaling sa office ng Papa n'ya ay dahan dahan s'yang lumapit dito. Bahagyang nakasiwang ang pinto nito kung kaya't naririnig n'ya ang usapan sa loob.

Itutulak na sana n'ya ang pinto ng mapansin n'yang mukhang seryoso ang pinag uusapan ng dalawa kung kaya't hindi muna n'ya inistorbo ang mga ito at nakinig nalang mula sa may pinto.

"Peter, paano na 'to?" bakas ang alala sa boses ng Mama n'ya habang nakaupo sa couch.

Napabuntong hininga naman si Peter na kanina pa hindi mapakali.

"I don't know, Amelia. Nalulubog na ang kompanya sa utang. Hindi ko na alam ang gagawin." dahil sa narinig ay nanlaki ang mga mata ni Fin.

"Peter paano na ang pag-aaral ni Fin?" tanong ni Amelia. Napalunok naman si Fin at nanginginig ang kamay n'ya habang hawak ang trophy n'ya.

"Hindi ko na alam! Ano bang ginawa ng pamilya natin para danasin lahat ng ito?" nanlulumong sambit ni Peter. "In 2 weeks, kapag hindi tayo nakabayad.. mapipilitan akong ibenta ang kompanya. Natatakot akong baka hindi ko na mapag-aral si Phoenix." sambit pa nito.

Hindi na pinag patuloy ni Fin ang pakikinig at nanakbo nalang s'ya sa kwarto n'ya. Nilock n'ya ito at napabuntong hininga s'ya saka n'ya inilapag ang trophy sa lamesa.

Naupo s'ya sa kama n'ya saka s'ya napalingon sa mga gamit n'ya sa loob ng kwarto.

"Gusto kong mag-aral. Should I sell my stuff to pay my school fee?" tanong n'ya sa sarili n'ya.

Lumipas ang mga araw, nagkatotoo ang kinatatakutan ng buong pamilya n'ya. Tuluyan na nilang nabenta ang kompanya upang makabayad sa utang.

Sinangla nila ang bahay nila at binenta ang ilang mga gamit upang magkapera. Ngayon, nangungupahan nalang sila sa isang masikip na apartment. Kahit mahirap isipin, kinaya ni Fin ang mga pangyayari.

"Ma, aalis na po ako." sambit n'ya saka n'ya inayos ang bag n'ya at nag suot ng sapatos. Papasok s'ya ngayon sa school, ito na ang huling grading nila at sa susunod na school year ay hindi n'ya alam kung makakapasok pa s'ya ng school o ano. Walang wala na silang pera ngayon.

WANTED: LUNA (Season 1) ✔Where stories live. Discover now