STRANGER
"Ms. Casquijo and Ms. Mosquida! First day na first day ng klase pero nandito kayo sa guidance office!"
Stress na napahawak sa sentido ang School Head namin. Unang araw ng pasok, binigyan ko agad siya ng trabaho.
"Y-yes! It's her fault po, she slapped me h-hard! I literally can't feel my left cheek earlier, s-sobrang sakit!"
Napaismid ako sa sinabi ng katabi ko. P'wede na siyang kuning artista! Nice acting! Kanina halos lumuwa ang mata niya sa galit sa'kin tapos ngayon ay parang tutang nag susumbong sa kan'yang amo?! Ano 'yun?
Sasagot pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Napaiwas ako ng tingin ng magtama ang mata namin ni Mama. Galit.
"What's the matter, Mr. Enriquez?" Umusog ako nang umupo ito sa tabi ko.
"S-she slapped me!"
Tinitigan ko siya ng masama. Siya ba tinatanong?! Epal talaga 'tong tangang 'to. 'Di nalang ayusin ang make-up niyang nagkalat kaka iyak. Pekeng iyak.
"Why did she slap you, Ms.?"
Napahinto ito sa pag-iyak at nagbago ang timpla ng mukha. Nag-iisip ng bagong kasinungalingang sasabihin.
Tumikhim si Mr. Enriquez, mukhang mawawalan siya ng trabaho dito kung 'di pa siya nagsalita.
He cleared his throat. "They fought about something, napikon itong si Ms. Casquijo kaya mas lumaki ang gulo to the point that she slapped Ms. Mosquida."
"Ma, she slapped me first!" Pagtatanggol ko sa sarili. "Why would I waste my time na sampalin 'yang mukha niyang puno ng harina? Madudumihan lang ang kamay ko! Sinampal niya ako, sinampal ko siya. Patas lang kami! Hoy, coloring book anong iniiyak-iyak mo r'yan!"
"No! Liar! I did not slap you!"
"Quite!" Bumuntong-hininga si Mr. Enriquez bago ulit magsalita. Hindi ata matanggap na unang araw ng klase at sumabak agad siya sa isang maingay na gyera.
Pagkatapos mag-usap, I mean magsigawan sa loob ay pinalabas na din kami. Linisin daw namin ang Gym this coming friday after class as punishment. Asa silang pupunta ako. Nagmamadali si Mamang umalis dahil may ooperahan pa raw siya. Bakit pa kasi siya pumunta dito, e!
My mother is a doctor. Pakiramdam ko nga minsan ay nakakalimutan niya na na may anak siya dahil sa panggagamot sa ibang tao, e. Hindi naman sa ayoko na manggamot siya ng iba pero sana naman ay huwag niyang iparamdam sa'kin na mas mahal niya pa ang propesyon niya kesa sa'kin na anak niya.
"Anong ginawa mo roon?"
Tinuro ni Cherly si Mary gamit ang bibig niya. Napatawa ako nang makita na kompleto ang mga classmates ko sa labas ng guidance office at nag-aabang ng balita habang nakatingin sa likuran ko.
"Umiiyak, g-go ka talaga, Ella anong ginawa mo?" Humagalpak ng tawa si Romar. Isa sa mga kaklase ko.
Natatawa kong tinaas ang braso ko para ipakita ang kalmot ng pusa sa pulsuhan ko. "I have a proof!"
Nagsitawanan silang lahat sa sinabi ko. Mga g-go rin 'tong mga kaklase ko e, sinusupport ako sa mga kagagohan ko.
Bumalik na kami sa room namin pagkatapos saka nakinig sa mga boring na discussion. Ang tagal naman mag-uwian! Inaantok ako.
"Makinig ka, may quiz daw bukas!"
Nginisihan ko si Marian nang biglang bumulong. "Pakopya ako, espren!"
"Mag study ka rin, g-go!"
Nagliwanag ang mukha ko nang umalis na ang teacher namin for our last subject. Sa wakas! Makakauwi na rin ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/309279553-288-k640111.jpg)
YOU ARE READING
Finally Found You (ON-HOLD)
JugendliteraturStella was just known as a typical hard-headed and stubborn yet friendly student in her school. Who would have thought that behind her sweet smiles are the past hidden secrets and mysteries she wants to bury. But how could she possibly forget it w...