Chapter 5

29 12 1
                                    



"Stella..."

Agad kong tinuyo ang aking pisngi saka humarap sa taong pumasok sa kusina.

"Elaine, may kailangan ka ba?"

Ngumiti ako nang mapagtantong ang anak pala ito ng mayordomang katulong nila mama dito sa bahay.

Nagulat ako nang bigla itong lumapit sa'kin at mahigpit akong niyakap.

Napangiti ako habang unti-unti na namang namumuo ang mga luha sa mga mata ko.

"A-Ayos ka lang ba?" Mahina kong tanong.

Tumango ito. "Ayos lang ako pero ikaw, hindi ka okay,"

Napapikit ako nang mariin, nagbabakasakali na tumigil ang mga luhang mabilis na nag-uunahang maglandas sa mga pisngi ko dahil sa sinabi nito. Parang may sariling utak ang mga braso kong mabilis na yumakap sa bewang ni Elaine.

"Iiyak mo lang 'yan, nandito ako...nandito lang ako...para saiyo,"

Ibinaon ko ang aking mukha sa tiyan ni Elaine para pigilan sana ang hagulhol na gustong kumawala sa bibig ko pero bigo ako.

"Hindi mo kailangan sabihin sa'kin kung ano ang nangyari....hindi mo kailangan sa'kin na mag k'wento...hindi ko man maaaring pakinggan ang istorya mo, nandito lang ako para damayan ka sa bawat paghikbi mo...hindi ko man alam kung ano ang dahilan ng pag-iyak mo, pero nasisiguro kong nasasaktan ka. Hindi mo man sinasabi sa'kin ng diretso, pero iyon ang pinapabatid sa'kin ng mga luhang bumabasa sa pisngi mo't hagulhol na nanggagaling sa bibig mo..."

Napangiti ako habang patuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko't ayaw parin tumigil ng paghikbi ko. Mas lalo lang akong napaiyak nang maramdaman ang kamay ni Elaine na humahaplos sa buhok ko't sa likod ko.

"P-Paano ba kasi maging perpektong anak, Elaine?"

Mahina kong tanong habang nakayakap parin sa bewang nito't nakabaon ang aking mukha sa tiyan niya.

"Hindi mo kailangan maging perpektong anak, walang perpekto Stella. Ako nga e, ipinanganak na b-bo pero mahal parin ako ng nanay ko. Marami akong pagkakamaling nagawa sa nanay ko pero hindi niya pinaramdam sa'king may pagkukulang ako. Laging sinasabi sa'kin ni nanay na, 'Huwag mong pangaraping maging perpektong anak o tao, Elaine. Sikapin mo lang na maging mabuting tao, labis na 'yun anak,"

Yumuko ako't ngumiti saka mabilis na lumayo dito at pinunasan ang basa kong pisngi at huminga ng malalim.

"Paano maging mabuting tao?"

Tanong ko't ngumiti sakan'ya habang humihikbi parin paminsan-minsan.

"Mabuti kang tao, Stella," umupo ito sa inupuan ni mama kanina't ngumiti.

"Anak lang ako ng katulong n'yo pero kinaibigan mo ako. At hindi lang 'yun, pinakiusapan mo rin ang papa mo na pag-aralin ako,"

Nangunot ang noo kong tumingin sakan'ya.

"Bakit mo alam?"

"Sinabi sa akin ni mama," ngumiti ulit ito ng sobrang tamis. "Pero sabi niya'y huwag ko raw sabihin sa'yo na alam ko dahil ayaw mo raw ipaalam 'yun sa'kin,"

Umiwas ako ng tingin sakan'ya dahil sa sinabi nito. Natatakot kasi ako na baka isipin niyang minamaliit ko sila dahil sa ginawa ko pero gusto ko lang talaga na tulungan siya dahil simula noong dinala siya rito ni Ante Lisa, ng kan'yang mama ay napakabait niya at nakikipaglaro siya sa'kin kaya kami naging magkaibigan.

"Oh, eh bakit mo sinasabi sa'kin ngayon?!"

Sigaw ko nang matauhan ako. Tumawa lang ito sa reaksyon ko.

Finally Found You (ON-HOLD)Where stories live. Discover now