Chapter 6

25 9 0
                                    

Nang makauwi ako sa bahay galing sa school ay deretso akong naglakad patungo sa k'warto nila mama. Alam kong nandito na sila dahil iyon ang sinabi ni Ante Lisa noong tinanong ko siya kanina sa baba.

Gusto kong mag sorry sakanilang dalawa, bukod sa doon lang ako magaling ay iyon lang din ang kaya kong gawin sa ngayon.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita silang dalawang lumabas sa kanilang k'warto hindi pa man ako nakakarating doon.

"Baby, you're home," bati ni papa saka mabilis na lumapit sa'kin saka ako hinalikan sa noo bago ulit bumalik sa tabi ni Mama. "You need something?"

Kaagad akong tumango habang nanatiling nakatingin kay Mama na hindi man lang ako binato ng kahit na tingin.

"Gusto ko lang pong mag sorry," agad kong sagot saka napakagat sa aking labi.

Agad namang ngumiti si Papa sa aking sinabi ngunit nanatiling nakaiwas ang tingin sa'kin ni mama na para bang wala siyang naririnig.

"It's okay, baby. That's fine," sagot ni papa habang nakangiti sa'kin pero hindi iyon nagpagaan sa loob ko dahil alam kong hindi iyon sapat para Kay mama.

"M-Ma," tawag ko rito ngunit hindi ako nito pinansin.

"Hon..." Hinawakan ni Papa ang kamay ni Mama.

"I'm hungry, I'll just wait in the dinning," mabilis na paalam nito dahilan para manubig ang mga mata ko.

"Baby..." Tawag ni papa sa'kin na may nag-aalalang tingin kaya pilit akong ngumiti. Agad naman itong lumapit sa'kin bago ako niyakap ng mahigpit. "Let's just give her time, baby. Alam mo naman ang Mama mo hindi ba? Matagal talaga 'yang makalimot. Naalala mo ba noong may kasalanan ako sakan'ya? Dalawang linggo akong natulog sa guestroom noon, baby! Two weeks, imagine?!" Pampalubag loob ni papa sa'kin habang hibahaplos ang buhok ko.

"O-Opo, wala naman akong magagawa roon at kasalanan ko rin naman po," mahina kong saad habang pinipigilang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

He kissed my forehead. "I love you, baby. Okay? She just needs time, alright?" Saad nito bago hinalikan ang mata ko dahilan para mapapikit ako't tumulo ang luhang pinipigilan ko. "That's it, baby..." He kissed my forehead again ang hugged me tighter. "Cry if they want to fly down your cheeks, don't cage them, that'll hurt your eyes and will heft up your chest,"

"Thankyou pa, for always making me feel better. I love you," saad ko't hinalikan ito sa pisngi. "I want to rest, go have a dinner with mama." Ngiti ko habang tinutuyo ang basa kong pisngi.

"You feel better now?" He asked and tap my head.

Tumango ako. "Opo, pasok na po ako sa k'warto," agad akong tumalikod kay papa para hindi niya na makita pa ang pagtulo ng mga luha kong nagbabadya na naman. Akmang papasok na'ko sa k'warto nang tawagin nito ang atensyon ko.

Kagat labi akong humarap sakan'ya para pigilan sana ang mga luha ko pero nag-uunahan lang iyong lumandas sa pisngi ko!

"I love you, always remember that, hmm?" Ngiting saad nito at tumango. "Go and get some rest, let your heart cry it out. Crying doesn't mean you're weak, it means you are strong enough to show your weakness," napangiti nalang ako habang tumutulo parin ang mga luha sa'king mga mata nang kumindat pa ito bago tumalikod at umalis na.

Nang makapasok ako sa k'warto'y agad kong ibinuhos ang mga luhang walang patid sa pagtulo. Gusto ko lang naman maramdaman ang mga yakap ni mama, gusto kong marinig ang mga payo niya kapag kailangan ko siya, gusto kong maramdaman na mahal niya rin ako sa kabila nang kag-gohang pinanggagawa ko kasi sinusubukan ko naman... sinusubukan kong maging matino pero sad'yang ipinanganak talaga akong parang magnet sa kahit anong gulo.

Finally Found You (ON-HOLD)Where stories live. Discover now