"Ella! Si Marian inaway ni Mary!"
Mabilis pa sa alas kuwatro akong napatayo nang marinig iyon.
"Nasaan?!"
"Nasa cafeteria!"
Humihingos paring sigaw ni Jhei- isa sa mga chismosa kong kaklase.
Pagkatapos niyang ibalita sa'kin iyon ay agad akong kumapiras nang takbo papunta sa cafeteria. Lunch time kasi ngayon, tinatamad akong maglakad kaya sabi ko'y mauna na lamang sila at susunod nalang ako.
Pagkarating ko sa cafeteria ay agad kong hinawi ang mga nagkukumpulang chismosa- ay este estudyante.
"Bawiin mo 'yun! Hindi ako coloring book!"
"Kung ayaw mong tawaging coloring book, burahin mo 'yang harina sa mukha mo!"
"It's not flour! It's foundation! Can you just f-ckin' shut up, Marian?! Pati foundation nga hindi mo alam e, anong pinagmamalaki mo?!"
"Oh come on, Mary. Hindi ko kailangan kilalanin 'yang tinatawag mong foundation o kung ano pa 'yan because I don't need that thing! Maganda na'ko kahit walang pa gan'yan gan'yan and that's what we called natural beauty-oh! Sorry, I know you can't understand what 'natural beauty' is kasi puno ng harina 'yang pagmumukha mo!"
"Ang sabihin mo wala kang pambili kaya ang pangit mo!"
"Ikaw nga naglalagay na ng kung ano-anong disenyo sa mukha mo pangit ka parin e, nagreklamo ba'ko?!"
"Sumusobra ka na, Marian!"
"Sumobra rin ang paglagay mo ng harina sa mukha mo pero hindi ko sinabi!"
Pigil ang tawa ko habang nakikinig sa bangayan ni Marian at Mary. Akala ko'y nagbugbugan na ang dalawang 'to e, napatakbo pa tuloy ako papunta rito!
Pulang-pula na ang mukha ni Mary dahil sa inis habang si Marian naman ay kalmado lang ang mukha pero alam kong kumukulo na ang dugo nito. Bagay na si Marian lang ang makakagawa sa aming magbabarkada.
"Marian, tama na 'yan. Gutom na'ko,"
Sabay silang dalawang napatingin sa'kin. Nakita ko ring napalingon sa'kin ang ibang mga chismosang nakapalibot sa'min ngayon.
"Oh? At nagtawag ka pa talaga ng kakampi?! Seriously?! Kaya ba matapang ka dahil nandito ang mga tropa mo? Hah! So pathetic!"
"Oh, inggit ka kasi wala kang kaibigan?"
Napailing ako nang hindi parin sila tumitigil. Unti-unti ng mas dumarami ang mga taong nakikinig sakanila kaya hinanap ng mga mata ko ang dalawang unggoy at nakita silang nakatayo lang sa kabilang side at tuwang-tuwang chinecheer pa si Marian.
"Mahina ka pala, e! Kung wala 'yang hambog, pa cool at malandi mong kaibigang si Ella, makukuha mo parin kaya akong sagut-sagutin?!"
Napatingin ako kay Mary dahil sa sinabi nito pero agad akong napabaling kay Marian na nakakuyom na ang dalawang kamao.
"What did you just say?! Bawiin mo 'yun!!"
Napatingin ako sa entrance ng cafeteria nang marinig na biglang umingay banda roon.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Marian na ano mang oras ay alam kung sasabog na ito sa galit. Walang patumpak-tumpak akong naglakad papunta sa kanilang dalawa at hinila si Marian papunta kila Michelle at binalikan si Mary na nakasunod ang tingin sa'kin.
"Ano? Ipagtanggol mo 'yung kaibigan mong pati foundation ay hindi alam?! Akala ko ba'y matalino 'yun?! O baka naman nagmamatalino lang?!"
"May regalo ako sa'yo,"
YOU ARE READING
Finally Found You (ON-HOLD)
Teen FictionStella was just known as a typical hard-headed and stubborn yet friendly student in her school. Who would have thought that behind her sweet smiles are the past hidden secrets and mysteries she wants to bury. But how could she possibly forget it w...
