Kinabukasan ay alas 9 na ng umaga ako nagising. Pinakiramdaman ko ang sarili at natuwa nang hindi na masiyadong masakit ang katawan ko. Sinubukan kong tumayo kaagad at pumunta sa cr at napangiti ako nang kaya ko nang tumayo at maglakad ng maayos. Bukas ay paniguradong p'wede na akong pumasok dahil bukod sa nababagot ako rito sa bahay ay mayroon din akong lessons na kailangan habulin. Tamad akong mag-aral kaya paano ko 'yun gagawin? T-ngina talaga ng mga ugok 'yun.
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay lumabas ako ng k'warto. Sakto namang nakita ako ni ante Lisa nang palabas siya sa kusina kaya kaagad niya akong nilapitan.
"Aba'y bakit ka lumabas? Hindi na ba masakit ang katawan mo?" Nag-aalalang tanong nito kaya kaagad akong umiling.
"Hindi na po," sagot ko bago ilibot ang paningin sa salas. "Si papa?" Tanong ko.
"Umalis ang papa mo. Ang sabi niya ay may aasikasuhin daw siya kaya ibinilin niyang huwag ka raw palabasin ng k'warto pero ito na nga't lumabas ka na," iling niya habang naglakamot ng ulo kaya natawa ako.
"Maayos na naman ang lagay ko kaya ayos lang 'yun,"
"Oh siya halika na sa kusina at ipaghahanda kita ng pagkain," inalalayan niya ako hanggang sa makaupo ako sa harap ng mesa kahit kaya ko naman na talagang kumilos ng kunti.
"Oh, kumain ka ng marami para bumalik kaagad ang lakas ng katawan mo," saad nito habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko. Napangiwi ako nang nilagyan niya ito ng maraming gulay.
"H-Hindi ako masiyadong kumakain ng gulay,," lunok ko bago itulak ang mamgkok na puno ng gulay. Umiling lang ito habang nakatingin saakin.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik din ako kaagad sa k'warto. Napabuntong-hininga ako ng hindi alam ang gagawin. Tinignan ko ang phone ko't nakita ang sobrang daming messages galing sa mga kaibigan at kakilala ko. Apat na araw na akong nawala sa klase kaya panigurado ay sobrang dami ko na talagang kailangang habulin sa lessons.
Habang nag s-scroll ay kaagad na napako ang mga mata ko sa nag-iisang unregistered number. Dahil sa curiosity ay kaagad ko itong pinindot para mabasa dahilan para mapaawang ang bibig ko.
'Time is running, clock is ticking, no matter how long you have to take, your throne is wiling to wait,'
"Hi, baby? How are you feeling?" Kaagad kong pinatay at inilagay sa side table ang cellphone ko nang biglang dumating si papa. Kaagad itong lumapit saakin bago halikan ang noo ko. Ngumiti ako.
"Saan ka galing, 'pa?" Tanong ko. Ngumiti lang ito bago kumuha ng isang mansanas na dala niya't binalatan ito bago ibigay saakin.
"Your mother is so busy with her work these days kaya hindi na siya nakakauwi. Namiss niya raw ako, e kaya binisita ko," Mayabang nitong saad na ikinatawa ko. Kilala ko naman si mama at si papa. Sa kanilang dalawa ay mas madalas mamiss ni papa si mama. Pero hindi ko rin alam kay mama kasi baka hindi niya lang talaga pinapakita sa lahat na namimiss niya 'yung tao o ano hindi katulad ni papa.
"Kinumusta niya ba ako?"
Tipid akong napangiti nang umawang ang labi ni papa dahilan para makuha ko ang sagot sa tanong ko. "Hindi mo na kailangan sagutin 'yun, 'pa," Huminga ako ng malalim bago kagatan ang mansanas. "Anyway, maayos na po ang pakiramdam ko. Nakakakilos na rin ako ng maayos kaya gusto ko ng pumasok bukas," saad ko. Kaagad naman siyang tumango bago umupo sa kama, sa tabi ko.
"Alam mo, hindi man madalas maipakita ng mama mo kung gaano ka niya kamahal but please know that your mother loves you so much, okay, baby?" Mahina niyang saad bago abutin ang buhok ko para guluhin. Kaagad kong tinampal ang kamot ni papa dahilan para matawa siya.
YOU ARE READING
Finally Found You (ON-HOLD)
Teen FictionStella was just known as a typical hard-headed and stubborn yet friendly student in her school. Who would have thought that behind her sweet smiles are the past hidden secrets and mysteries she wants to bury. But how could she possibly forget it w...
