May mga bagay talaga na kahit anong iwas natin ay dadaan at dadaan talaga ito sa landas natin. Na kahit anong taboy ang gawin natin, babalik at babalik talaga sila para subukin tayo. May mga bagay na kahit anong tulak natin palayo, lalapit at lalapit talaga sila sa'tin kaya wala kang ibang magawa kundi ang harapin ito, labanan at lagpasan para matapos.
Katulad ngayon, nakasuot ako ng pang zumba attire kahit ayaw ko dahil kahit anong taboy ko't tanggi ay wala akong magawa dahil may mga tao talagang ipinanganak na makulit at mapilit sa mundong ibabaw.
"Dali na, Stella! Para naman ma excercise mo mga buto mo sa katawan at para hindi mabigat ang katawan mo! Tignan mo ang tamlay mo, sigurado akong kulang ka lang sa kembot kaya let's go gurl!"
Nakangiwi kong tinignan ulit ang repleksyon ko sa salamin, black leggings paired with white sando and white shoes, may face towel sa balikat at naka ponytail. T-ngina, kay aga aga bakit ganito ang itsura ko?
"Tara na, excited na'kooo!"
Matulis at mahaba niyang sigaw bago ako hinila pababa. Pagdating namin sa baba'y nadatnan namin si Ante Lisa na kakalabas lang ng kusina.
"Oh, saan kayo pupunta?" Lumapit siya sa'min habang nakatingin sa mga damit namin.
.
"Sa lumang parke, 'nay! May zumbang gaganapin doon ngayon at alam n'yo po ba? Galing ibang bansa raw 'yung magiging instructor!" Kinikilig na sagot ni Elaine. "At alam n'yo po ba, binata raw at single 'yung instructor 'nay! Kyahhhh!" Sigaw niya kaya sabay kaming napatakip ni Ante Lisa sa tainga."Elaine, umayos ka. Makukurot kita sa singit, makikita mo!" Pinanlakihan siya ng mata ni Ante Lisa kaya humaba ang nguso ni Elaine.
"Tulog pa po sila Mama?" Tanong ko pagkakuwan.
Bumaling naman agad ito sa'kin. "Ah, oo Stella. Alam mo namang sarado ang gym ng papa mo kapag sabado't linggo 'di ba, tapos ang mama mo'y mamaya pa raw hapon ang duty sa hospital," tumango ako.
"Okay, so let's gooo! Alis na po kami 'nay, babayo!" Hyper na sigaw ni Elaine at agad din akong hinila palabas ng bahay.
Napailing nalang ako sa inasta nito. Kaya naman pala masyadong mapilit ay dahil sa sinabi niyang instructor kanina na binata at single pa. Tsk. Ano namang meron kung binata at single 'yung magiging instructor sa zumba na iyon? Ikakabusog ba nila 'yun? Ikakayaman? Mukha talagang pogi 'tong isang 'to.
Hila-hila parin ako ni Elaine hanggang sa makarating kami sa lumang parke. Agad na napako ang mga mata ko sa bench kung saan maraming ala-ala ang naiwan ko rito. Hindi lang sa upuang 'yun, kundi rito mismo sa lumang parke na kinaroroonan namin ngayon.
Dati'y maiingay dito dahil sa mga batang nagsihabulan, nagsitawanan at naglalaro pero simula noong may ginawang bagong parke sa village na'min ay naitsapwera ito't kaunti na lamang ang pumupunta ritong mga bata at sa gabi nama'y mga lovers nalang ang kadalasang naliligaw dito, ginawa na ata nila 'tong lovers park e. P'we.
"Ayan na, ayan na! Aakyat na siya sa stage, omooo!"
Lihim akong napaismid nang marinig ang sigawan ng ibang taong nauna pa sa'min dito kaya medyo nasa likurang banda lang kami ni Elaine habang nakaharap sa mini stage na pinagawa pa talaga ng mga head ng mahihilig mag zumba rito sa'min matapos noong pagpapatayo ng bagong parke at dito sila araw-araw nag zuzumba tuwing alas 6 ng umaga.
"S-Stella, n-nakikita mo 'yun?! Nakikita mo? Omaygad, omaygad is that an angel?!"
Tumatalong ani ni Elaine sa tabi ko habang tinuturo ang stage kung saan nakatutok ang atensyon ng lahat ng nandito. Agad kong sinunod ang tinuro ni Elaine at napasinghap ako nang tuluyan nang lumabas ang sinasabi nilang instructor ngayon sa zumba galing sa back stage.

YOU ARE READING
Finally Found You (ON-HOLD)
Подростковая литератураStella was just known as a typical hard-headed and stubborn yet friendly student in her school. Who would have thought that behind her sweet smiles are the past hidden secrets and mysteries she wants to bury. But how could she possibly forget it w...