Chapter 9

15 6 0
                                    


Inis kong itinulak si Terrence palayo saakin nang yumakap ito saakin. Hindi niya na nga ako pinatulog ng maayos sa kadaldalan niya kagabi ay hindi pa niya ako pinatulog sa kalikutan niyang matulog! Paano ba naman kasi ay halos umiyak na noong pinilit ni tita na sa kabilang k'warto matulog dahil ayaw niya raw humiwalay saakin kaya wala akong choice. Namiss ko rin naman itong batang ito kaya ayos lang.

Alas 5 na rin pala ng umaga kaya kaagad na rin akong bumangon para maligo na. Pagkatapos ay nagbihis ng uniform at nag ayos bago bumaba.

"Goodmorning, 'ma, 'pa" bati ko kay mama at papa na kumakain na sa kusina pagkababa ko. "Hindi pa po gising sila tita?" Tanong ko nang makitang sila lang dalawa ang kumakain.

"Goodmorning, baby. Hindi pa, baka mamaya pa 'yun sila maggising. Kain ka na," tumango ako kay papa saka umupo sa tabi ni mama na tahimik lang na kumakain.

Ang sabi ay sa susunod na araw na sila tita uuwi. Kapag umuuwi sila rati rito ay umaabot ng limang araw o isang linggo pero ngayon ay tatlong araw lang. Gusto ko silang pigilan pero may mahalaga raw si tita na aasikasuhin sa business niya roon kaya wala akong magagawa. Terrence even suggested that he'll just stay here but tita didn't let him kaya perehas kaming napanguso ni Terrence kagabi habang pinag-uusapan 'yun. Sa gabi lang kami makakapag bonding dahil may pasok ako. Kung p'wede lang talaga umabsent ay gagawin ko. Gusto kong sulitin ang oras na kasama ko sila kasi baka sa susunod ay after 2 years ko na naman sila makikita.

Tahimik lang akong kumain at ganoon din sila. Pagkatapos naming kumain ay umalis na rin kami kaagad. Gamit ni mama ang sasakyan niya dahil hindi siya maihahatid ni papa gawa ng magkaiba ang way ng pinagtatrabahuan nila. School ko at gym ni papa ang parehas ng daan kaya lagi niya akong hinahatid.

"Be good, okay?" He kissed my forehead before bidding a goodbye. Kumaway ako sakaniya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Pagpasok ko sa campus ay med'yo marami na ang mga estudyanteng nagkalat sa kung saan-saan. Ang ingay na rin ng paligid gawa ng chismisan ng mga estudyante kahit sobrang aga pa. Itong mga marites na mga ito talaga ay walang pinipiling oras at lugar ano. Kung kailan at saan nila gustong manlait ng kapwa ay wala talagang pasintabi. Napailing nalang ako.

Mabilis akong naglalakad sa hallway nang may biglang umakbay saakin. Kaagad akong tumingala at mahina kong sinuntok ang braso nito nang mapagtanto kung sino.

"Papasok ka palang pero mukhang pauwi ka na naman, Lerk," iling ko bago dumistansiya sakaniya na ikinatawa niya ng mahina.

"Maliligo ako mamaya! Hinintay lang kitang dumaan para ihatid sa room mo," Saad nito. Napailing ako.

"Crush na crush mo talaga ako, ano?" Taas kilay kong tanong sakan'ya pero malakas niya lang akong tinawanan.

"Hulaan mo," saad niya kaya sinuntok ko ito sa balikat. Gagawin niya pa talaga akong manghuhula. Pagkarating namin sa room ay nagpasalamat ako sakan'ya. Mabilis din siyang umalis dahil sobrang naiinitan na rin daw talaga siya. Sino ba naman kasing nagsabi sa kaniyang ihatid ako.

Pagpasok ko sa room ay wala pang tao. Nangunot ang noo ko. Usually naman kasi kapag ganito ng mga oras ay mayroon ng tao rito pero ngayon ay wala. Napatingin ako sa pintuan na pinasukan ko lamang nang umingay roon. Ang mga kaklase kong tumatawa ang pumasok rito at nagulat ako nang makitang kasama nila si Dexter. Sumama si Dexter sa kanila?

"Hi, Stella!" Tipid ko silang nginitian nang batiin nila ako pero hindi ko nilingon si Dexter. Bakit ko naman siya lilingunin? Gold ba siya? Pagkatapos ng ginawa niya kahapon? Hah! Nagtatanong ako ng maayos tapos sasagutin ng pabalang! Pasalamat siya't hindi ko siya nasuntok.

Mabilis na akong pumunta sa upuan ko at nakahinga ako ng maluwag nang dumating na rin ang tatlo kong kaibigan. Magdadaldalan na sana kami ngunit biglang dumating si Mrs. Maldita kaya wala kaming nagawa kundi ang makinig sa discussion.

Finally Found You (ON-HOLD)Where stories live. Discover now