Chapter 10 : Him

21 8 0
                                        


Napaubo ako't hinabol ang hininga ko nang magising ako. Napangiwi ako nang maramdaman ang kirot ng buo kong katawan ng sinubukan kong kumilos. Napatingin ako sa paligid at wala akong ibang makita kundi puti. Nangunot ang noo ko pero agad din 'yung nawala nang maalala ang nangyari saakin. Malamang ay nasa hospital ako ngayon.

Sinubukan kong magsalita pero walang lumalabas na boses sa bibig ko dahil sa malat. Nauuhaw ako. Gusto kong uminom ng tubig. Akmang susubukan ko na naman sanang gumalaw nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon si mama na nakasuot ng uniform niya aa hospital at papa na kaagad na nabuhayan ang mga mukha nang makita akong gising na. Nandito pala ako sa hospital na pinagyatrabahuan ni mama, Buenavistas Hospital.

"Good thing you're awake! God, baby. We're so worried about you," mabilis na tinawid ni papa ang pagitan namin saka mabilis na hinalikan ang noo ko. "How are you feeling? Do you want to eat something?"

Sinubukan kong sumagot kay papa ngunit wala talagang boses na lumalabas sa bibig ko kaya nangunot ang noo ni papa saakin.

"Here, drink this," napatingin ako kay mama na may hawak ng basong puno ng tubig at inilapit ito sa bibig ko. Napatitig ako sa kaniya. Hindi magawang ngumanga dahil sa ginawa niya. Napalunok siya at lumayo ng kaunti nang makita ang titig ko kaya mabilis akong ngumanga. Once in a blue moon lang 'to mangyari kaya sulitin na natin! Kaagad niyang dinala ang baso sa bibig ko para makainom ako nito. Pagkatapos ay inilagay niya sa side table ang baso bago kapahin ang noo ko.

Palihim akong napangiti sa ginagawa niya. Kung ganito naman pala palagi si mama kapag na hospital ako'y wiling akong magpabugbog araw-araw.

"2 days kang tulog," Sabi nito na ikinalaki ng mga mata ko. 2 days akong tulog?! "Now that you're awake p'wede ka nang umuwi sa bahay pero mas mabuti kung dito ka nalang muna dahil mas maaasikaso kita kapag nandito ka. My work is here so I think it's more convenient if you just stay here,"

Kaagad na naglaho ang sayang naramdaman ko kanina sa sinabi ni mama. Ang kilig na naramdaman ko kanina sa ginawa niya ay biglang napalitan ng kirot sa dibdib.

Yeah, right. Bakit ko nga ba nakalimutan, parte nga pala iyon ng trabaho ng isang doctor. Ang alagaan ang kaniyang pasyente. I faked a smile when papa held my hands.

"Doon nalang po ako sa bahay," Saad ko nang sa wakas ay makapagsalita na ako. Tumango siya kaya napatitig ako sa kaniya.

Masakit tanggapin na pinainom niya lang pala ako ng tubig at kinapa ang noo ko kung may lagnat pa ba ako dahil trabaho niya 'yun bilang doctor.

But it's hurt more knowing that she can't even leave her work for me. I felt like if one day she have to choose, it's me she'll choose to leave over her work. Napabuntong-hininga ako. Ano pa bang bago? Bakit hindi pa ako masanay-sanay?

"Sinabi naman kasi naming sasamahan ka namin, e!" Napapikit ako nang mariin nang sobrang ingay na pumasok sa kwarto ko ang tatlo kong mga kaibigang unggoy. Nakauwi na ako sa bahay kaya nandito na ang tatlong unggoy para bisitahin ako.

Noong tulog daw ako ng dalawang araw ay doon sila kumakain ng hapunan dahil may klase sa umaga. Doon daw sila natulog noong unang gabi ko sa hospital.

Kahit mga g-go at loko-loko itong mga ito'y ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila saakin kaya sobrang swerte ko at meron akong sila na palaging nandiyan sa tabi ko. Hindi ko nga alam kung bakit mahal na mahal parin ako ni Big Bro sa kabila ng mga kasalanan ko sa buhay, e.

"Ayos ka na ba talaga, Ste?" Nag-aalang tanong ni Angel kaya kaagad akong tumango. Nakaupo lamang ako sa higaan ko habang si Michella at Marian ay nakatayo sa kaliwang gilid ko at si Cherly naman ay nakaupo sa harapan ko.

Finally Found You (ON-HOLD)Where stories live. Discover now