Third Person Point of View
"He saved her. . ."
Kaagad na nagsilipiran sa loob ng isang silid ang mga papel at mga gamit na maaaring ibato ng lalaking nakaupo lang kanina sa kaniyang swivel chair na kaagad na nagwala pagkatapos malaman ang balita ng taong nagsisilbi niyang mata sa labas.
"Tell me I've heard it wrong, Chaviz," nagpipigil at puno ng galit na saad nito.
"He saved her life, sir," ulit ni Chaviz na nakatayo lamang sa pintuan at deretso ang tingin sa kaniyang sir na nakatayo sa harapan niya na hindi na alam kung saan ibabaling ang mga mata para pakalmahin ang sarili sa narinig.
"Narrate what happened," matigas nitong saad kaya mabilis na inilahad ni Chaviz kung ano ang nangyari sa labas.
Bilog na bilog ang dalawang kamao ng lalaking nakaupo sa harapan ni Chaviz pagkatapos niyang ilahad ang nangyari lahat.
"What do you think?" Nangunot ang noo ni Chaviz sa tanong ng lalaki sakaniya.
"What do you mean, sir?" Balik niyang tanong bago inayos ang suot niyang salamin.
"Should we just kill him?" Natigilan si Chaviz sa narinig mula sa kaniyang amo saka hindi makapaniwalang tumingin dito.
"W-What are you talking about, sir?" Pilit siyang tumawa ng mahina para ibsan ang kabang namumuo sa kaniyang dibdib.
"For all that I've done. . . I saved them! I save their lives, his life yet he can't even do his mission right?!" Nag echo sa loob ng opisina ang malakas na sigaw na iyon ng lalaki kaya napalunok si Chaviz.
"For sure he has a plan, sir. You know him," Pilit niyang pinatatag ang kaniyang boses para hindi mahalata ng lalaki ang pagkabahala niya sa sinabi nito.
"Watch him still. . ." Umayos siya ng upo nang magsalita ulit ito. Tumingin ito sa mga mata niya. "And don't think twice on killing him if he'll fail us again," Matigas nitong saad dahilan para balutin ng takot ang buo niyang sistema. Nakipagtitigan pa ito sakan'ya ng ilang segundo bago tumayo kaya mabilis din siyang tumayo.
"Yes, sir," yumuko siya sa harapan nito at halos matumba siya sa panghihina nang sa wakas ay tumalikod na ang lalaki sa kaniya ngunit hindi pa pala ito tapos.
Dahil ang sunod na sinabi nito ay literal na nagpaguho sa kaunting pag-asa na natitira sa kaniyang puso.
"Or I have to kill him using my own hands,"
YOU ARE READING
Finally Found You (ON-HOLD)
Teen FictionStella was just known as a typical hard-headed and stubborn yet friendly student in her school. Who would have thought that behind her sweet smiles are the past hidden secrets and mysteries she wants to bury. But how could she possibly forget it w...
