Chapter 13

21 5 2
                                        

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Wala na akong ibang nararamdamang sakit sa katawan ko kaya naman ay naglakad lang ako papuntang school. Hindi umuwi si papa at hindi man lang ito tumawag saakin kaya hindi ko mapigilang magtaka pero hinayaan ko nalang.

Pagkarating ko sa campus ay kaagad akong dumeretso sa room, nagbabakasakali na nandito na ang taong gusto kong makita at makausap. Nakahinga ako ng maluwag nang pagdating ko sa room ay nandito na nga siya't nakaupo sa kaniyang upuan at sobrang pokus sa pagbabasa sa librong hawak niya. Hindi na ako nag-atubili pang lumapit at tumayo sa harapan niya. Mabilis kong inagaw ang librong hawak niya ng hindi niya man lang napansin ang presensiya ko at inilagay ito sa kung saang upuan. Umangat ang mukha niya't nakaawang ang mga labing napatingin saakin. Tinaasan ko ito ng kilay para magsalita pero kinagat niya lang ang pang-ibaba niyang labi bago umiwas ng tingin. Napabuntong-hininga ako.

"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" Tanong ko. Pagkatapos kasing sabihin kung bakit siya umakyat sa binatana ko kagabi ay kaagad din siyang bumaba ng walang pasabi kaya naiwan akong nakatanga nalang habang nakatingin sa bintana. Panay ang text ko sakaniya ngunit hindi man lang ito nag rereply na ikinainis ko. Sobrang dali sa kaniyang akyatin ang bintana ko pero ang mahirap sakaniya ang mag reply?!

"Stop asking an obvious question, isn't it understandable that I asked?" Napaawang ang labi ko sa kaniyang sinabi. Naisip ko rin naman 'yun kagabi pero saan siya nagtanong?

"Kanino?" Hamon ko saka nakipagtitigan sakaniya nang bigla itong bumaling saakin. Napakurap ako ng ilang beses ng ibang mga mata ang tumingin saakin. Bakit hindi na malamig ang mga mata niya? Napalunok ako habang nakatitig parin sa mga mapupungay niyang mga mata.

"Our classmates," sagot niya na hindi ko kayang paniwalaan. P'wede namang totoo ang sinabi niya pero ayaw iyon tanggapin ng isip ko.

"Kanino nga?" Tanong ko pa ulit. Lumunok ito ng ilang beses bago bumuntong-hininga.

"You're isturbing me," Nakagat ko ang pang ibaba kong labi sa gulat sa kanniyang sinabi. Umiwas ito ng tingin bago abutin ang librong nilagay ko sa upuan sa gilid ko. Pumikit ako ng mariin bago iyon kinuha para ilayo sakaniya. Tumingin ito ulit saakin at nagulat ako ng wala na ang mapupungay nitong mga mata kanina.

"I-I just want to say thankyou," His reaction softened after hearing what I've said. I smiled genuinely. "If it wasn't because of you, baka patay na ako ngayon," Mahina kong tawa.

"That's not gonna happen!" Matigas nitong saad dahilan para mapatitig ako sakaniya. Dahan-dahan akong tumango bago naglagay ulit ng matamis na ngiti sa aking labi.

"Thankyou so much, Dexter. How can I repay you?" Mahina kong tanong. Umiling ito saka inilahad ang kanang kamay sa harapan ko. Nangunot ang noo ko pero kaagad ko ring inilagay ang kamay ko rito. Nagulat ako nang mahina itong tumawa dahilan para mapanganga ako.

"A-Anong gagawin mo sa kamay ko?" Napaatras ako ng kunti ng bigla nitong higpitan ang hawak sa kamay ko bago tumayo. Halos sampalin ko na ang sarili ko nang huli ko nang marealize ang ibig niyang sabihin!

"I was asking for my book, not your hands but it's okay," Puno ng pang-aasar niyang saad bago abutin ang libro sa kanan kong kamay bago bumalik sa pagkakaupo at binuklat ang kaniyang libro na parang walang nangyari! Gusto kong sampalin ang sarili ko sa kahihiyang ginagawa ko pero wala akong ibang magawa kundi ang kagatin ang pang-ibaba kong labi. T-ngina malay ko ba naman kasing libro pala ang ibig niyang sabihin?! P'wede naman kasing magsalita t-ngina parang pipi!

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari saakin pero hindi ko magawang umalis sa harapan niya. Nanatili lamang akong nakatitig sa kaniyang magandang mukha. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Imbis na mainis sa presensiya niya katulad ng dati bakit ngayon ay hindi na?

Finally Found You (ON-HOLD)Where stories live. Discover now