"Hoy, Stella Martinez! Kanina ka pa tulala ah!"
Napabalik ako sa katinuan nang hilahin ni Michelle ang buhok ko. Nandito kami ngayon sa cafeteria para kumain dahil lunch time.
Ayaw parin mag sink in sa utak ko ang bago naming kaklase. Kahapon pa nagsimula ang klase pero ngayon pa lang siya pumasok. Siguro nandito siya kahapon para asikasuhin ang mga requirements niya kaya nandoon siya sa labas ng gate kahapon. Hindi ko alam kung bakit ako nabobother sa presensya niya. Siguro dahil hindi pa'ko nakakapagpasalamat sakan'ya?
Napabuntong-hininga ako. "May iniisip lang," sagot ko saka sumimsim sa juice ko.
"Iniiisip mo pogi nating kaklase ano? Ayie, talandot ka
Ste!"
Halos maibuga ko ang laman ng bibig ko dahil sa sinabi ni Cherly. Pa'no niya nalaman?! Masyado ba'kong halata?
"H-hoy, hindi! Sino siya para isipin ko?! Bakit ko naman siya iisipin?!" Napatakip ako sa bibig ko nang marealize na napalakas pala ang boses ko.
"Chill, we are just fooling around Ste. Masyado kang halata,"
Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Marian.
"H-halata ba masyado?"
Halos sampalin ko ang sarili ko dahil sa tanong ko. Napapikit ako ng mariin nang marinig ang malakas na tawanan ng tatlong mga unggoy. P-ta, ano ba yung sinabi ko?
"Hindi naman, kunti lang. Parang hinaharap mo," umarte akong babatuhin ng bottled water si Michelle kaya napa peace sign ito.
Kumain nalang ako saka hindi pinansin ang malalakas nilang tawa. Mga s-raulo. Mahal ko sila pero minsan ang sarap talaga nilang tirisin.
Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya maaga akong pumuntang school. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang umikot ang mga mata ko dahil sa mga naririnig ko sa mga studyanteng nadadaanan ko. Ang aga-aga, chismis agad inaatupag e.
"Ste! Totoo ba yung usap-usapan na may pogi daw na transferre at kaklase n'yo?!"
Napatigil ako sa paglalakad ng may biglang tumawag sa'kin. Si Stefanie, kakilala ko lang sa Campus.
"Ah, oo may transferre," tangong sagot ko. Aalis na sana ako nang bigla nitong isinampay ang kamay niya sa braso ko.
"Anong pangalan? Pogi ba?" Kinikilig nitong tanong.
Napailing ako, "Ang chismosa mo Stefanie, sobrang aga pa," tinaboy ko ang kamay nito.
"Ano ka ba! Ito ang umagahan ko, sige na!" Hagikhik niya.
"Dexter Lacorte name niya," sagot ko nalang para matapos na.
"Wow, parang Detergent amp! Thankyou, Ste. Mwa!"
Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya. Mabilis na naglakbay ang isip ko sa nakaraan.
'𝑇𝑢𝑛𝑜𝑔 𝑑𝑒𝑡𝑒𝑟𝑔𝑒𝑛𝑡,'
'𝑇𝑢𝑛𝑜𝑔 𝑑𝑒𝑡𝑒𝑟𝑔𝑒𝑛𝑡,'
'𝑇𝑢𝑛𝑜𝑔 𝑑𝑒𝑡𝑒𝑟𝑔𝑒𝑛𝑟,'
'𝐷𝑒𝑡𝑒𝑟. 𝑆ℎ𝑜𝑟𝑡 𝑓𝑜𝑟 𝑑𝑒𝑡𝑒𝑟𝑔𝑒𝑛𝑡 𝑎𝑡𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛 𝑚-'
"Hoy! Ang aga natin ngayon ah!"
Napatigil ako sa pag-iisip ng may biglang umakbay sa'kin. Tumingala ako para tignan kung sino ito.
"Papasok ka palang Lerk pero mukha mo parang pauwi na," sagot ko saka siya tinulak dahil amoy pawis ito.
Tumawa ito bago sumagot. "Galing akong training, tinamad akong maligo,"
YOU ARE READING
Finally Found You (ON-HOLD)
Teen FictionStella was just known as a typical hard-headed and stubborn yet friendly student in her school. Who would have thought that behind her sweet smiles are the past hidden secrets and mysteries she wants to bury. But how could she possibly forget it w...
