Chapter 2

32 11 0
                                    

Kinagabihan ay napagdesisyunan kong maglakad-lakad sa labas. Nagsuot ako ng hoodie jacket at maluwag na jogger pants dahil malamang ay malamig na sa labas ngayon.

Hindi ko na sinabi kila Mama at Papa ang nangyari sa school kanina. Alam kong sesermonan ako ni Papa at baka masampal pa'ko ni Mama, kagagaling niya lang sa Guidance Office kaninang umaga, e.

Mabuti't tulog na sila kaya hindi na'ko nahirapang lumabas kahit gabi na.

Alas otso pa lang pero wala ng masyadong tao sa labas. Kadalasan lumalabas ng ganito ay mga mag jowa lang naman, pumupunta silang park para roon maglandian, pwe. Ako ngang maganda, walang jowa e, tapos sila.

Kakaupo ko pa lang sa bench sa park nang may marinig akong sumigaw mula sa likurang bahagi ko, sa abandonadong lote.

Mabilis kong tinahak ang daan habang sinusundan ang iyak at sigaw ng babae. Nangunot ang noo ko. Hindi maganda ang kutob ko.

Bumungad sa'kin ang limang lalaking nakatalikod sa'kin habang yung isa ay hawak sa kamay ang babae, mahigpit at halatang nasasaktan ang babae. Napataas ang kilay ko sa nakita. Parang pamilyar sa'kin ang lalaking may hawak nung babae.

"Boss, simulan mo na! Para kami naman!"

Sumang-ayon naman ang iba sa sinabi nung isa nilang kasama. Nag-apir pa sila, tuwang-tuwa ang mga s-raulo.

"Mga g-go! Hindi kayo kasali, b-bo! Akin lang 'to, ayaw kasi akong sagutin, e t-ngina! Ayan, napilitan akong gawin 'to sa'yo!"

Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. Ang hilig naman nitong ipagsiksikan ang sarili niya sa taong hindi siya gusto. Parang yung nagbabasa lang! Huminga ako ng malalim saka lumuhod para ayusin ang nagulong sintas ng sapatos ko. Hindi naman siguro ako uuwing may pasa nito ngayon ano?

"Ano sa tingin n'yo ginagawa n'yo?" Tanong ko. Inangat ko ang tingin sakanila nang matapos ayusin ang sintas ko.

Sabay silang lahat na napaharap sa'kin. Ang iba'y gulat, ang iba'y parang nagustuhan pa ang presensya ko. Tinignan ako mula paa hanggang mukha, tsk alam kong maganda ako!

"Oy, anader wan!"

"Chix pre, mas maganda ugh!"

"Akin 'yan!"

Tinignan ko sila ng masama at pinakyuhan. Mga manyakol! Ang iba'y nainis sa ginawa ko, ang iba nama'y tumawa pa.

"S-Stella?!"

Napalingon ako sa lalaking may hawak ng babae kanina nang banggitin niya ang pangalan ko. Nabitawan niya ito't napaupo ang babae sa damuhan. Napangisi ako namg makilala kung sino ang kaharap ko ngayon.

"Jaguar, long time no see," ngumiti ako sakan'ya.

Natahimik ang mga kasamahan nito nang makitang takot na takot ang kanilang leader sa presensya ko.

"H-hindi na mauulit, p-pangako!"

Mabilis kong hinila ang damit nito nang akmang tatakbo ito palayo. Ngumisi ako.

"Nakalimutan mo na ba ang usapan natin, Jaguar?"

Tumawa ako saka siya patapong binitawan. Halatang-halata sa mukha nito ang kaba at takot. Nagtataka ang mga kasamahan niya sa nangyayari kaya sigurado akong mga bagong bata niya ang mga ito kaya't hindi nila ako kilala.

"Sinabihan na kita noon, Jaguar," seryoso kong saad. "Kapag naulit pa ito, hindi na'ko magdadalawang-isip na gawin 'yung sinabi ko sa'yo noong huling beses tayong nagkita," tinitigan ko ang mga mata nitong malikot, hindi makatingin sa'kin ng diretso.

Tumayo ito ng matuwid saka yumuko sa harapan ko.

"P-pangako! K-kapag naulit pa 'to, a-ako mismo ang papatay sa sarili ko!"

Finally Found You (ON-HOLD)Where stories live. Discover now