Chapter 8

29 7 0
                                        


Kinabukasan ay halos liparin ko na ang banyo ko nang makitang alas 5 na ng umaga. Linggo ngayon kaya kailangan kong gumising ng maaga para magsimba katulad ng nakasanayan namin nila Mama at Papa. Alas 6 ang misa kaya bago mag alas 6 ay dapat nandoon na kami.

Pagkatapos kong maligo ay kahit anong dress nalang ang kinuha ko sa closet ko at agad itong isinuot. Nagsuklay lang ako saka nag-ayos ng kunti at mabilis na lumabas ng k'warto. Nakahinga ako ng makitang alas 5:40 pa ang oras.

"Goodmorning, baby. You ready?" Tumango ako nang maabutan sila mama at papa na nakaupo sa salas. Tumayo rin sila kaagad nang makita ako kaya mabilis na kaming umalis.

Pagkarating namin sa simbahan ay halos puno na ito pero buti nalang ay mayroong pa ring mga bakanteng upuan. Sa may pinakaunahan kami pumwesto dahil dito nalang ang mayroong space para magkatabi kaming tatlo. Nasa gitna nila akong dalawa.

"Colossians 3:13 said, 'Bear with each other and forgive one another if any of you has a grievance against someone. Forgive as the Lord forgave you.' "

Tumikhim ako dahil sa sinabi ni father. Naramdaman kong siniko ako ni papa kaya tumingin ako kay mama na deretso lang ang tingin habang nakikinig sa wali ni father.

"Focus, Stella," kaagad na lumipad ang mga mata ko pabalik kay father sa sinabi ni mama bago siniko si papa na pilit parin ang siko saakin.

Pagkatapos ng misa ay mabilis din kaming lumabas pagkatapos ni papa magbigay for sponsor sa simbahan na nakasanayan niya ring gawin.

"Cr lang po ako saglit," paalam ko na tinanguan lang ni papa. Walang masiyadong tao pagkarating ko sa cr sa may likuran ng simbahan kaya mabilis akong natapos. Inayos ko saglit ang nagulo kong buhok bago lumabas ng cr.

Pagkalabas ko ng cr ay sakto ring may lumabas na tao sa cr ng mga lalaki katapat ng nilabasan ko. Napataas ang kilay ko nang makitang natigilan ito nang makita ako. Akmang maglalakad na sana ako paalis nang bigla itong magsalita.

"You've got a unique style," nilingon ko ito. Nangunot ang noo ko nang mabosesan ito. Naka mask kasi ito kaya hindi ko makita ang mukha niya. Mas lalong nangunot ang noo ko nang marinig ang mahinang tawa nito na pilit niyang pinipigilan. Problema nito?

"Really," Nagpipigil tawa paring saad nito kaya hindi ko na napigilang tumingin sa damit ko at halos lumuwa ang mga mata ko nang mapagtanto kung bakit siya tumatawa!

Magkaiba ang kulay ng sapatos na suot ko! Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi saka siya sinamaan ng tingin.

"U-Uso 'to ngayon! N-Nagsasawa na ata ang iba sa parehong kulay ang sapatos kaya n-nilagyan nila ng style!" Pilit kong pinapakalma ang boses ko kahit sobrang hiya ang nararamdaman ko.

T-ngina, Stella! Magsusuot nalang ng sapatos iba iba pa ang kulay! Nagmamadali kasi ako kanina kaya hindi ko na napansin 'yun. At nakakainis na hindi man lang din 'yun napansin nila Mama at Papa! Siguro'y kanina pa'ko pinagtatawanan ng mga nadaanan kong nakakita sa suot kong sapatos.

"Y-Yeah, right," Hindi na napigilang tawa ng lalaki kaya inis kong hinubad ang suot kong sapatos saka ito ibato sakaniya. "What the-" Gulat nitong saad saka mabilis itong sinalo. Inismiran ko ito.

"Kung makatawa ka naman ay parang napaka pekpekto mong nilalang! Perpekto ka ba?!" Inis kong sigaw saka lumapit sakaniya para kuhanin ang sapatos ko ngunit kaagad siyang lumayo. "Give me back my shoes!"

"You know what, you can't just throw anything to someone you don't know easily. It may cause you some trouble," Seryosong saad nito habang pinipilit paring lumayo kapag sinusubukan kong lumapit. Napabuga ako ng hangin.

Finally Found You (ON-HOLD)Where stories live. Discover now