Chapter 14

22 4 0
                                        

Para akong nabunutan ng tinik nang pagkarating ko sa bahay ay nakita ko ang sasakyan ni papa sa garahe. Mabilis kong tinungo ang loob ng bahay para hanapin si papa. Kaagad akong dumeretso sa kusina nang wala akong makitang tao sa sala.

"Ante Lisa, si papa po?" Agad kong tanong nang makita si ante Lisa na nagluluto ng ulam. Tumingin ito saakin saka ngumiti.

"Nandoon sa k'warto niya, nagpapahinga. Pasensya na pala at hindi ko nasagot ang tawag mo, namili kasi ako kanina ng lulutuin at naiwan ko pala ang cellphone ko-"

Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita at patakbong pumunta sa k'warto nila Mama at Papa. Kumatok ako rito ngunit walang sumasagot. Mas nilakasan ko ang katok ko ngunit hindi parin ito sumasagot kaya wala na'kong hinintay pa na sandali at mabilis na binuksan ito. Nakahinga ako ng maluwag nang makita si papa na nakahiga sa kanilang kama. Napahawak ako sa puso ko't napapikit ng mariin bago huminga ulit ng malalim saka lumapit sakaniya. Sobrang lalim ng paghinga nito at mukhang pagod na pagod siya dahil sa itsura niya. Hindi pa nga ata ito nagpalit ng damit niya pagkarating niya sa bahay kaya napailing ako. Kinuha ko ang kumot sa tabi ng unan nito't kinumutan ito bago kinapa ang ulo niya. Wala naman siyang lagnat. Akmang kukunin ko na ang kamay ko nang bigla niya itong hawakan ng mabilis.

"Don't your ever touch my family, Ronaldo," umawang ang mga labi ko't hindi mapigilan ang sariling mapaisip. Sino si Rolando? Akala ko'y nagising na ng tuluyan si papa ngunit binitawan niya lang din kaagad ang kamay ko't bumaling sa kabila at natulog ulit.

Napatitig ako sa likod ni papa at hindi ko maiwasang kabahan dahil sa kaniyang sinabi. Isa kaya si Rolando sa mga taong nakaharap niya rati? I bit my lower lip to stop the tears that wants to fall. What are you up to, 'pa? Bakit ako kinakabahan ng ganito? I covered my face with my hands as tears started to fell down.

"No matter what you're doing, 'pa. Please make sure that it won't harm you. . ." I uttered while still looking at his back. "Because I can't live without you, hindi ko kayang mawala ka saamin ni mama,'' I sobbed.

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa ingay ng aking cellphone. Kaagad ko itong inabot at sinagot. Humikab pa ako bago ito ilagay sa tainga ko habang nakapikit at hindi tinitignan ang caller. Sabado ngayon kaya wala akong plano sanang gumising ng maaga kasi wala namang pasok.

"Hello?" Narinig ko ang pagtikhim sa kabilang linya bago magsalita.

"How's your father?" Napamulat ako mula sa pagkakapikit saka tinignan ang pangalan ng tumawag at baka nababaliw lang ako't boses niya ang naririnig ko. Napalunok ako nang siya nga ang tumatawag. Nakalimutan kong hinatid niya nga pala ako kahapon sa hapon pagkatapos ko siyang bugbugin sa gitna ng gubat na parang wala akong atraso sakaniya. Habang naglalakad kami kahapon ay hindi ko mapigilang banggitin ang nangyari dahil sa pag-aalala ko kay papa. Mabigat sa isip at dibdib kaya hindi sinasadyang nasabi ko sa kaniya. Hindi ko alam pero ang kampante ko talaga kapag kasama siya. Para bang kahit anong mangyari ay wala akong dapat ipag-alala dahil kasama ko naman siya.

Siguro dahil ay ilang beses niya na akong niligtas sa hindi ko matukoy na dahilan. Ilang beses na niya akong tinulungan kaya biglang sobrang gaan ng loob ko sakaniya.

I cleared my throat. "Nandito lang pala siya sa bahay kahapon, naiwan niya ang phone niya sa gym kaya hindi siya makapag reply at maka tawag saakin. Pagod din siya pagkauwi kahapon kaya deretso raw siya sa k'warto niya't hindi na naisipang kontakin ako,'' sagot ko. Iyon ang sabi ni papa kagabi nang gisingin ko siya para kumain ng hapunan. Parang wala pa ito sa sarili habang kumakain at parang ang lalim ng kaniyang iniisip. Hindi nalang ako nagtanong kahit pa man nagtataka na ako sa mga kilos niya.

"Good to know that,'' sagot nito. Ilang segundo kaming natahimik bago siya nagsalita ulit. "Do you have any plans today?" Nangunot ang noo ko sa kaniyang tanong. Gusto niya ba akong yayain lumabas?

Finally Found You (ON-HOLD)Where stories live. Discover now