Twenty-Nine

89 5 6
                                        

The three of us really did bond. Na-libre pa ako ng LV perfume ni Gelo. Tatanggi na sana ako kaso agad niya nang nabayaran, di na tuloy ako umangal at nagpasalamat nalang.

I also figured out na banned na sa mall na ito yung mga lalakeng nang-harass sa akin, and nai-report na rin sila sa school nila.

All of it was Blake's actions. Kaya pala may tinawagan siya kanina after he asked the name of those three guys earlier.

Well, I say tama and deserve. Mas mabuti na ang ganon kasi para wala na silang mabiktimang iba pa. Nakakasuka mga ugali at mga tingin nila talaga.

And for some reason, kinilig ako sa ginawang 'yon ni Blake. It's not actually the time to feel this feeling but I can't help it. He's just really so thoughtful. I know this is just the bare minimum pero nakakakilig pa rin talaga.

We just ate our dinner outside the mall. Gelo wanted to eat our early dinner on his favorite restaurant near the mall, kaya doon kami nagpunta. Wala naman akong angal kasi libre naman nila 'to. Di na ako magpapabebe.

I just ordered steak, as usual. It's my go-to food. Di pa naman ako masyadong gutom kaya ayos na rin.

"Una na ako ah. Salamat ulit para sa araw na 'to, Gelo. I had fun. I owe you this one!" I told Gelo the moment we reached the restaurant's parking area where he parked his car. Niyakap ko naman siya bilang pasasalamat.

"Paano ka uuwi?" Tanong sa akin ni Gelo habang naka-kunot ang noo.

"Ah, nagpasundo ako kay kuya." I lied. Yes. Ayokong mag-abala pa silang ihatid ako, though, may kanya kanya silang dalang kotse, kaya nagsinungaling ako.

"You sure?" Tanong ulit ni Gelo, nakatingin naman si Blake sa akin. Tumango lang ako habang nakangiti kay Gelo. "Will you be fine here?" He asked me again. Parang nagmamadali na ngayon.

"Ofcourse. Sige na, you go na!" I told him.

"As much as I wanted to wait for the arrival of your kuya para masigurado na makakauwi ka talaga ng ligtas, I can't make it. Tawag nang tawag na sa akin sina mommy, I'm sorry." Gelo's voice were really looking so sad kaya I smiled at him to assure him that it's alright and fine with me.

"Hey, it's fine. I understand. Sige na, una ka na." I told him at tumatawang tinutulak siya papasok ng sasakyan niya. "Thank you again for today!" I thanked him.

Nakaalis na siya nang biglang may tumikhim sa likod ko kaya nagulat tuloy ako at napahawak sa dibdib ko.

It was Blake. Di pa nga pala siya nakakaalis, oo.

"You're a liar." Sabi niya bigla sa akin kaya napatingin ako sakanya na bahagyang nagulat at nagtataka, "I know your brother wouldn't fetch you." Dugtong niya pa habang nakataas ang isang kilay.

Napatitig tuloy ako sa kanya at inaalam bakit niya nalaman iyon. Grabe naman itong lalaking 'to, lahat nalang ata alam. Nahiya tuloy akong tingnan siya.

"I just did that para hindi na kayo mag-abala pang ihatid ako." Paliwanag ko sa kanya.

"You think, makakampante ako doon?" Seryosong tanong niya sa akin habang nakatingin ng mariin, at nakataas ulit ang kilay.

Di nalang ulit ako nagsalita at napatingin nalang ako sa paa ko.

"Tara na. Hatid na kita."

Parang bigla akong nabuhayan sa sinabi niyang iyon. Pero kahit kinikilig na ako, alam kong bawal.

Hindi ko dapat binibigyan ng malisya ang pinapakita niyang ito. May jowa na siya at alam ko naman sa sarili ko na nagmamagandang loob lang siya sa akin. Nothing more, nothing less.

Habang pauwi kami ay naramdaman ko ang lungkot niya. Parang ang lungkot niya. His vibe was different.

Naglakas loob tuloy akong tanungin siya kung may problema ba siya o ano.

"Hey, got something on your mind?" Lakas loob kong tanong sa kanya, napatingin naman siya sa akin na parang nagtataray siya, nahiya tuloy ako, "U-uh... Napansin ko lang kasi na parang ang lungkot ng mata mo. Sorry, pakialamera. Nevermind na lang."

He glanced at the road, and immediately looked at me after, he then sighed heavily. Napahinto naman kami sa isang convenience store na nadaanan namin kaya ginilid niya sa daan ang sasakyan niya.

"Issa," He said, opening up a topic, kaya naman napatingin ako sakanya. Parang ang curious ko pa sa lagay na 'to. Pakialamera so much naman Kaye.

"What about her?" I asked, looking at him.

"She's been seeing her ex since last week," Panimula niya na parang naluluha na habang nagku-kwento kaya napaiwas ako ng tingin, "She told me that it's just for school stuffs, for research purposes only. Inintindi ko 'yon kahit masakit kasi mahal ko siya. I trust her pero I don't trust the boy." I just agree and nod with whatever he was saying.

"I told her na mag cool-off muna kami, kasi nasasaktan na ako. Gusto ko muna magpahinga. I can't even fetch or even call her sometimes kasi nagagalit siya. Yung mga bagay na dapat ako yung gumagawa kasi ako yung jowa, ginagawa na ng iba. I understand and respect her side. Pero she can't understand mine. She's been stressing me lately, pero di ko siya kayang bitawan, kasi mahal ko siya."

It pains me seeing him like this. That could be me. Sana ako nalang minahal mo, di ka sana masasaktan ng ganito.

Di ko magawang magalit kay Issa kasi di ko pa naman alam ang totoong kwento ng side niya, pero sobrang disappointment yung nararamdaman ko sakanya. Why would she do this to Blake?

Blake's love for her is very wide, tapos sasayangin niya ng ganito? Out of all people, bakit ex niya pa ang hihingan niya ng tulong para sa research niya?

Napaka-disrespectful naman ata non para sa side ni Blake.

I stared at Blake, kaya napatingin din siya sa akin, so I smiled at him, "Your love is pure and you're one of the purest person I know. Think wisely, wag ka magpadalos-dalos ng desisyon. Hangga't pwede pang pag usapan para maayos, pag-usapan niyo." I told him.

Napatingin siya sa akin, at napangiti na rin. Nahawa siguro sa ngiti ko.

"Thank you, Kaye." He thanked me kaya napangiti ako, "I appreciate you, always."

Just by hearing and knowing how he appreciates me and what I'm doing, it already means so much to me.

Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan habang hinahatid niya ako pauwi. Walang nagsaasalita sa amin hanggang sa makarating na kami sa bahay namin.

"Salamat ulit." I thanked him at agad nang pumasok sa bahay at dumiretso sa kwarto ko para makaligo na.

Ang dami kong iniisip ngayon habang nakahiga at hinihintay ang sarili kong antukin.

Bakit kaya hindi nalang ako? I could give the love that Blake deserves. I will love him with no boundaries, with no limitations. That should be me.

Di ko namalayang naluha na ako nang dahil lamang sa mga iniisip ko. I'm such a softie for this and I'm really into him, pero hindi pwede. Bawal.

"Ah fuck, why can't we have the love that we want and we deserve?" I whispered to myself, before meeting with my sweet nightmares.

__________________________________________________________________________________________________________________

Hello, update ulit for today's vidjoww.

Follow me on twitter and don't forget to vote for this story and to follow me here in wattpad, as well.

Thanks for all the love and support. I appreciate y'all. Always.

All the love,
Ms. Teya < 3

Through The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon