Thirty-Three

84 5 1
                                    

It's been years since that incident with Blake happened. I didn't know what should I feel with what he said back then. I kinda hate it, but I loved it.

I hate it since it gave me false hope. He gave and showed me mixed signals. On the other side, I loved it because those words came from him. It seems so genuine and pure.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. Buti nalang ay ilang buwan na kaming hindi nagkikita. That was our last interaction. Nagkakasalubong din naman kami at times, lalo na sa gatherings, pero we ignore each other that much.

I also heard na on and off ang relationship nila ni Isa. They actually broke up last year, that went on for four months I guess? Nagkabalikan lang din sila last year, before the Christmas day.

It's been years, third year college na ako, pero siya pa rin talaga. No one could top his effect on me. Grabe ang epekto niya sa akin. Hindi ako maka-ahon at makawala. Alam kong mapapagod din ako kaka-asa sa wala, kaya hinahayaan ko nalang ang sarili ko. Hinahayaan ko nalang itong kusang sumuko.

I tried dating when I was in second year pero wala akong naramdamang kakaiba, kaya naman tinigil ko nalang. Buti nalang wala pa kaming label nung lalaking 'yon. We're casual and civil with each other naman, nagbabatian pa din kami every occasion. Kinukulit niya rin ako minsan pero di ko nalang siya pinapansin para manahimik.

Nandito ako ngayon nakatambay sa mall dito sa BGC, since it's Saturday at hindi ako tambakan ng schoolworks. Magkikita kita kasi kami dito ng main friends ko for dinner. Nauna lang ako dito at ngayon ay lunch pa lamang dahil hinihintay ko din si Kio.

May report kaming gagawin, at napagpasyahan naming dito nalang magkita para pagsabayin na namin ang pag-aaral at pagkain. Inasar ko pa nga siyang date 'to. Nginitian lang ako ng gago.

"Come on, let's grab a lunch already." Aya niya sa 'kin nang makalapit na siya, "I'm hungry."

Natawa ako sa sinabi niya kaya naman nagpunta na kami sa restaurant nila. Their family owns a restaurant here in BGC. It's a well-known resto since it's for fine dining. They have a lot of branches all over Manila too.

Binati kami ng mga staff pagkapasok namin at tila ba ay nataranta silang lahat nung makita nila si Kio. Ay iba din. Hinatid lang kami nung manager nila sa upuan namin at napansin kong nandon na lahat ang pagkain.

"I already ordered before going here, para di na tayo maghintay," Saad niya saakin nung mapansing naka-kunot ang noo ko sa mga pagkain. Napalitan tuloy ito ng natawa kong ekspresyon.

"Owner moments," I said while laughing kaya napatawa din siya at inaya na akong magsimulang kumain.

I just ate my food silently, he ordered steak for the both of us. We just can't get enough of it.

"Let's study on ate Aki's cafe, it's more peaceful there." He suggested while we were having our lunch. Napatango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

Her sister owns 'Coffee and Me Cafe' that's located here in BGC. Kilala din ang cafe na ito dahil sa ganda ng ambiance nito sa loob. Madami ring pwedeng pagpilian na coffee, tea, and iba pang pagkain, sa menu. Tambayan ito ng mga estudyante o nang mga taong gustong mag-chill sa buhay kaya siguro doon kami. Para makapag-focus na rin siguro.

"Huwag mo 'kong titigan, di ko 'to mauubos, sige ka," Suway ko sakanya kasi napansin kong kanina pa siya nakatitig sa akin. Parang pinagtatawanan ako kasi ang bagal kong kumain. "Nape-pressure ako sa titig mo, tigil mo 'yan."

"Bagal naman kasi," He sighed, "Bilisan mo po for today's video."

We laughed together because of that. We just can't get enough of the social media trend that's been going around in the country now.

Through The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon