"Okay, so what's the pasalubong na nga?" I asked Marion habang nandito kami sa isang mamahaling restaurant. Ewan ko dito sa taong 'to at dito ako naisipang dalhin kahit na sinabi kong nag-lunch na ako and I'm on a diet. Bawal daw diet-diet. Gulo talaga neto.
"Here." He handed me the gift, more like the pasalubong he got for me.
Kinuha ko muna yung cellphone ko para picturan ko yung gift niya habang nasa background naman siya, then I posted it on my ig story na may 'thanks babe' na text.
I also tagged Marion in that ig story at kahit gustuhin man nilang i-stalk si Marion to confirm our fake relationship ay wala silang makikita dahil konti lang ang posts ni Marion duon at sakto namang may picture kami kaya paniguradong maniniwala sila at issue talaga 'to.
Mga mukha palang nila kanina bago kami makaalis ay sigurado na.
I gently open the gift kasi ang ganda ng packaging tapos sayang naman kung sisirain ko lang ng bongga.
"Wow." I can't believe na naaalala niya pa ito. Ang tagal ko nang gusto neto tapos naalala niya pa? I looked at him with so much admiration in my eyes.
He just gave me the necklace that I wanted. It's a personalized necklace. Ang ganda nung pendant niya, naka-baybayin na pangalan ko. Gosh, this is what I wanted. I've been wanting this set kaso nga nagtitipid ako ay nawala na sa isip kong bumili nito, and now, he got me one.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sakanya saka binigyan siya ng isang mahigpit na yakap.
"Thank you. You never failed to make me the happiest." I said between our hug. Nakita ko namang napangiti siya kaya humiwalay na ako ng yakap at bumalik na sa pwesto ko.
"No problem. You know I got your back always right?" Sabi niya at saka ginulo yung buhok ko na parang aso.
Ayaw ko na ginugulo buhok ko pero dahil binigyan niya ako ng regalo ngayon, exempted siya. Swerte ah.
Kinuha ko ulit yung cellphone ko at yaka vinideohan ko yung necklace, tapos tinapat ko rin kay Marion yung camera na ngayon ay seryosong nakatingin lang sa akin. Scam 'to.
Linagyan ko lang ng "You made me the happiest again today. Thanks. Love you forever!" Na text dun sa story. Then, pinilit ko siyang mag-picture kami na aesthetic vibes, syempre hindi 'to tatanggi. Sa gwapo niyang yan. Nag-video narin kami, wala lang pang keme keme lang.
Napangiti ako habang tinitingnan yung pictures and videos namin, we looked like a real couple. Parang ang sweet namin talaga sa mga litratong ito. Napangiti naman ako dun, at paniguradong pati si Clei ay mapapangiti neto dahil sa katarantaduhan ko.
Mamaya ko na yung ipopost dahil ieedit ko pa para bumagay siya sa ig feed ko.
Nag-usap lang kami about sa mga buhay namin at di naman nagtagal ay dumating na yung order namin. I just ordered steak, same as his order, then I just added a chocolate moist cake for my dessert cause I've been craving for this. Libre niya naman eh, samantalahin ko na.
"So, how's Blake?" Panimula niya ulit ng topic.
"You know what? Stop mentioning his name, cause I think, starting today I have to move on already. They're getting back together again. Sana all 'no?" I blurted out while slicing my steak, "After all that we did together, wala lamg pala 'yun? Gagi, na-scam ako dun ha. Ang sakit grabe." I said and I let out a sarcastic laugh kaya napatingin naman siya saakin.
"It's okay. Parang di mo naman ako kilala. Strong kaya 'to." I told him, "Eh, kayo ni Chie?" Tanong ko naman sakanya pabalik kaya napatigil siya sa pagkain.
"Siraulo kadin minsan eh no? Nambibigla ka." Puno ng sarkasmong saad niya. "We're okay. I'm trying to win her back again. Sana hindi olats. Awts gege." Sabi niya, tinawanan ko naman siya.
Chienna is his love life. Magkakaibigan kaming tatlo. Naging sila na dati actually, kaso naging tarantado 'tong si Marion at mas pinili yung babae niya dun sa ibang bansa kesa kay Chie, ayun tuloy nag-break. Then now na narealize niya na yung mga pagkukulang niya at kamalian, at sakto namang lumipat narin sina Chienna sa ibang bansa ay ninanais niyang ibalik muli ang kanilang naudlot na pag-iibigan.
Walang nakakaalam ng about sa kanila. They haven't flex it pa kaya naman madalas kaming napagkakamalan ni Marion na magjowa, okay lang naman kay Chienna yun kaya sinakyan nalang namin ni Marion yung trip ng mga tao. Chie has the purest heart ever kaya nung nalaman ko yung ginawa ni Marion sakanya noon, gosh, nag-FO talaga kami ni Marion.
"May gusto pa namang manligaw sakanya doon. What the? No freakin way na papayag ako." Pag-rant niya sa akin kaya naman hinayaan ko lang. Kasalanan niya rin naman kaya nawala sakanya si Chie dati eh. Dapat lang na paghirapan niya nang makuha siya ngayon.
Nagkwentuhan lang kami saglit hanggang sa naubos na namin yung pagkain at napagpasyahan na naming umuwi. Nagpahatid nalang ulit ako pabalik sa school dahil may event pa kami mamaya, siya naman ay umuwi muna sakanila para magpahinga.
"Thanks for today. Ingat ah!" Paalala ko sakanya at saka niyakap siya, at lumabas na ng kotse niya. Dumiretso naman ako sa headquarters namin para magpahinga muna at magpa-fresh para mamaya.
Dumaan muna ako sa locker ko para ilagay yung regalo na binigay sa akin ni Marion doon. Mahirap na baka mawala ko pa. Mas mabuti na yung safe. Nagdesisyon rin akong i-post na yung pictures namin kanina sa instagram ko.
I just put, "Always and forever. Thanks, babe. Ily!" For it's caption. For sure issue 'to, but I don't care. I just laughed sa 'babe' kasi pati kay Chie ay 'babe' din ang tawag ko. Couple goals sila. Twinning.
Dumiretso na ako sa headquarters after kong i-post yun. Agad naman nag-vibrate ang cellphone ko sa dami agad nung likes nung post ko na iyon. Sabi na nga bang issue 'to agad malamang eh. Natawa nalang ako.
I was shocked when I opened the door in the headquarters. Wala dito yung teammates ko pero yung mga tablemates ko sa cafeteria kanina ay nandito, including Blake and Issa.
Nagkagulatan kaming lahat at di nila ako inaasahan kaya napatawa ako saglit at iniwas ang tingin ko kay Blake syempre.
"O-M-to the-Gee, you're here Kaye." Sigaw naman ni Clei to break the silence atsaka lumapit papunta sa akin at sinalubong ako ng yakap. Niyakap ko nalang siya pabalik at pumunta na sa higaan ko habang nakatingin parin silang lahat sa akin.
"Sana all may 'babe'" Pang-aasar sa 'kin nung mga basketball players.
"Sana all dba, Blake......and Issa?" Tanong naman ni Daemiel kaya napalingon ako sa gawi nilang dalawa habang nag-aakbayan sila.
"Yeah," Bored na usal ni Blake habang naka-akbay parin siya kay Issa at nagho-holding hands sila. Spain without 'S'. Shocks.
"Sana all." Dugtong niya na may seryosong boses pa at tumingin sakin ng diretso.

BINABASA MO ANG
Through The Rain
Novela JuvenilA DaraGon fanfic. Kaye Aphrodite Gomez chooses to take up Medicine for her parents to be proud of her, again. But while fulfilling her dreams, Blake Schiffer Montedo, a businessman wannabe from a very rich family came and changed her life to how it...