"Sorry." I apologized to him matapos kong kumalas sa yakapan namin. "Nadala lang ako"
Di ako makatingin sakanya ng diretso dahil sa hiya. Nadala lang ba talaga? Parang sinadya ko yun eh. Sinadya ko ata talaga.
"No worries. Goodluck!" Huling sabi niya sakin bago tuluyang lumabas na ng silid.
Sa simpleng sabi niyang yun ay bigla akong ginanahan sa paglalaro. It's my last playimg year at ako ang pinagkatiwalaan ng aming coach na maging leader. I'll do my best later to bring pride and honor to our school.
Hopefully pati sa pamilya ko narin sana.
"Ka, arat na. Sisimula na." Aya sakin ni Clei at nakita ko naman ang teammates ko na nagsisimula nang magsipasok sa gymnasium.
Mas lalo tuloy akong kinabahan. Ang lakas din kasi ng team nila Issa eh. Siya pa ang captain. Napaisip tuloy ako kung saan ba susuporta si Blake. Sa akin ba o kay Issa?
The crowd was literally wild and on fire when we entered the gymnasium. Kanya kanyang cheer sa mga players. Mas malakas nga lang saamin siyempre, since nandito sa school namin.
Nilibot ko ang paningin ko habang nagwa-warm up kami ng mga teammates ko. I was literally suprised when I saw my whole family sitting on the third-row floor of the seats. With them are Blake's family as well as the other stock-holders of the school. Ready to watch.
I should really do my best because my family is watching. Kahit man lamang dito, sana makita kong maging proud sila. It's been years since I last heared the 'Congrats. Proud of you!' Phrase from them.
Nilibot ko nanaman ang paningin ko para mahagilap ang mga kabarkada ko. Nasa second row floor sila naka-pwesto. Nasa first row floor naman sina Blake pati ang Men's basketball team sa side namin.
"Good day ladies and gentlemen, please remain on your seats cause we will start in five minutes!" The commentator announced and the crowd stay still.
My teammates and I went to the middle side of the court para sa toss coin kung sino ang makakauna ng bola and luckily, kami ang uuna.
Nagsimula na naman mag-line up kaming mga players para simulan ng tawagin ang first six ng bawat grupo.
"Starting of with the South Valley High Women's Volleyball Team." Panimula ng announcer kaya naman dumagundong ang crowd nang magsimula na sa pagtawag ng mga players nila. "Number Zero, their Outside Hitter and Captain, Issa Ocampo" Anunsyo ng announcer kaya naman mas naging wild ang crowd. Umikot naman si Issa sa mga teammates niyang nakataas ang dalawang kamay para maki-apir siya sa mga dito. Pagkatapos niya ay sinabi narin ang libero nila. Tapos nagpunta na sila sa gitna ng court at nagform ng circle sa gitna.
"And now, let's move on to the Athens Lady Titans," Sigaw ng announcer kaya naman naging wild na ang crowd. Sigaw dito, sigaw duon. Palakpak dito, palakpak duon. Nagsimula narin i-announce ang first six at kasama si Clei dun. Siya ang aming setter.
"Number Nineteen, Outside Hitter and Athens Lady Titans Team Captain, Kaye Aphrodite Gomez," Wow, ha. Grabeng pakilala. Ngumiti nalang ako at umikot na sa mga teammates ko para maki-apir habang niyakap naman ako ni coach kaya nagpunta na ako sa gitna at nagform ng circle para makipagdiskusyon ulit sa aking first six.
"Guys, last na namin 'to ni Clei. Last ko na 'to. Bigay niyo na sakin toh, ah? Basta let's always do our best. Laging receive at ang ating floor defense dapat walang palya. Let's always keep the ball in the air. Whatever it takes, let's do our best. Para kay God lahat ng ito at para sa school. Dapat tayo unang kakanta ng school hymn mamaya. Ipanalo natin 'to! Atin 'to! Laban?" Sigaw ko, tsaka pinatong ko kamay ko sa gitna. Nagsipatungan din sila ng kanila.
"Laban!" Sigaw nilang lahat. Saka kami nag group hug.
Pumito ang referee para makipag-kamayan muna kami sa mga kalaban namin. Nginitian ko ng matamis si Issa. Ang ganda niya shocks.
Pumwesto na kami sa aming mga pwesto pagkatapos nun. Ako ang unang magse-serve kaya naman pumwesto na ako sa service line. Naka-pwesto narin mga teammates ko pati ang kalaban. Hinalikan ko muna ang bola at nag sign of the cross muna ako, bago pumito yung referee.
Biglang tumahimik yung crowd at lahat at tila tutok na tutok saakin. Dahil nasa akin nga yung bola.
Hinintay ko muna ang three seconds after pumito ng referee bago ako pumakawala ng jump serve. Nagulat naman ang lahat kabilang na sina coach sa ginawa ko. Kasi never talaga akong nagja-jump serve, ngayon lang.
Gulat din ang kabilang panig kaya naman na-mis-receive ng libero nila yung bola, hudyat na naka-service ace ako. Dumagundong naman ang crowd namin at nagpunta ako sa gitna para sa teammates ko.
"Laban!" Sigaw namin saka bumalik na ako sa service line. Sumulyap ako sa pwesto nila Blake atsaka nakita siyang nakatingin saakin na walang emosyon. Ganun din sina mommy.
Pero di dapat ako magpa-apekto kaya naman sina-walang bahala ko yun at di na muling tumingin dun.
"Still serving, Kaye Gomez," Anunsyo ng commentator. Agad dn namang pumito yung referee.
Agad akong kumawala ng float serve kaya naman nagtaka din ang mga tao pati ang kabilang panig sa serve na ginawa ko. Don't me. I know how to play this game nice.
Nai-service ace ko nanaman yun tsaka di na muna bumalik sa teammates ko at nanatili nalang sa service line habang sigaw parin ng sigaw ang crowd.
For my third time of serving, I just did my normal serve. Yung common serve lang kaya na-receive ng maayos yun ng team nila Issa.
Their setter gave the ball to Issa since she's on the front line. She made a quick attack but our libero is wise and fast enough to pick that up kaya naman mas nag-init ang crowd at mas lumakas ang sigawan.
What a rally. Walang nagpapa-awat. Di pa binibigay sakin ni Clei yung bola kaya naman nung nasa kabila pa yung bola sinabi kong saakin ibigay at nang mag-free ball sila agad na kinuha yun ng libero namin then passed it to Clei and Clei set it to me, and there, I made a 'down-the-line' attack and scored, kaya naman mas grumabe pa yung crowd. I just smiled at my teammates as well sa crowd. Later na ako mag-swag pag sure ball na kaming amin ang panalo. Not this time kasi kasisimula palang.
Set one was a long set. Pero in the end kami parin ang naka-kuha ng set one. 25-19 ang score. I scored 10 on the first set as well as Issa. Lagi kasi sakanya binibigay yung bola.
Mas uminit pa ang laban sa set two dahil nagkakadikit lang ang scores namin palagi. Nagpapalitan lang kami lagi ng puntos at nang lumamang sila ng isa ay nagtawag ng time-out si coach.
"Ano ba girls? Yung reception niyo. The floor defense, mas lalo niyong pagtuonan ng pansin. Pag-nasa harap si eto, block na agad ang katapat. Wag pahuhuli. Kaya niyo yan!" Sigaw ni coach at mukhang nafu-frustrate na.
"Let's go girls!" Sigaw ko rin naman saka tinaas kamay ko para sa cheer at sumunod naman sila, pagkatapos ay bumalik na kami sa court para ipagpatuloy ang laro.
Grabe yung set two. Grabeng-grabe. Ang hahaba ng rallies. Ayaw mag-pahulog ng bola bawat team. Pero kahit ganun, nakuha parin namin ang set. 25-22 ang naging score. Sakin na kasi binigay mostly ni Clei yung bola ng patapos na yung set. Pero siya naman yung tumapos gamit ang kanyang iconic 'one-two play'.
Isa nalang at amin na ang championship.
Now we're on the third set. Kanila ulit ang unang bola pero maganda naman ang reception namin kaya nakukuha din namin.
5-7 na ang score at lamang sila ng dalawa. Nasa kanila ngayon ang bola ngunit nag free-ball sila.
Nakuha naman ng aming libero yun saka ipinasa kay Clei. Clei set the ball for me and I was about to do a 'down-the-line' hit when I suddenly twisted my ankle on air which made me fall on the ground.
"Ah!" I shout and scream in pain, holding my legs.
![](https://img.wattpad.com/cover/177856547-288-k937716.jpg)
BINABASA MO ANG
Through The Rain
Ficțiune adolescențiA DaraGon fanfic. Kaye Aphrodite Gomez chooses to take up Medicine for her parents to be proud of her, again. But while fulfilling her dreams, Blake Schiffer Montedo, a businessman wannabe from a very rich family came and changed her life to how it...