Chapter Fourteen

134 7 1
                                    

Winning the championship was surreal. It made me happy.

Lalo na't nagsasaya ang buong paaralan namin dahil sa aming naging kampeonato.

Tinawag ko muna mga teammates ko para makipag-hand shake na sa kalaban.

"Nice game." Saad ko sa kalaban namin habang nakiki-shake hands. Nasa bandang huli si Issa, at niyakap ko naman siya nung kami na ang nagtapat.

Tila di matapos tapos na kasiyahan at picture taking ang nangyayari ngayon habang palakas ng palakas ang hiyawan.

"Now we're here to interview the winning team's captain." Rinig kong sabi ng reporter, nagpunta naman ako sa tabi niya. Nakatutok na sakin ngayon ang spotlight.

Tumingin ako sa paligid, at nakita kong kumpleto pa ang pamilya ko. I feel so happy, kahit sa gantong paraan lang.

"So Kaye, you break your ankle awhile ago. We saw you cried in pain. Why did you come back and decided to fight despite of your injury?" Tanong ng reporter. I was expecting him to ask me this question, actually.

"Passion made me do it," I answered, looking at the audience, "Playing this sport is my passion. Sa totoo lang, nung nakikita ko yung scores kanina habang nasa lair ako nakahiga, parang ang sakit. My teammates did well, so I have to do better. I'm their captain and they're expecting much from me. Di ko na inisip yung sakit, laro nalang nasa isip ko. Ako ay bumalik dahil sa pangarap ko at sa mga taong naniniwala saakin, and I guess that's what made me a champion." I answered him with a genuine smile plastered in my face.

This championship made me realize a lot.

Tiningnan ko muli ang mga tao. Huling pagkakataon na irerepresenta ko ang paaralan ko sa larangan ng larong ito. Palaging magiging malaking karangalan.

Everything must come to an end sabi nga nila kaya naman pakonti na ng pakonti ang mga tao, at nagsisibabaan na papunta dito sa court ang mga players ng ibang sports ng school para magdiwang, even Blake and his team. Pati narin sina daddy at ang mga may-ari nga school.

Habang nasa gitna ako ng court ay nilapitan ako ng mga teammates ko at laking gulat ko ng buhatin nila ako.

"MVP! MVP!" Sigaw nilang lahat kaya naman napangiti ako.

"Congrats baby," Kuya hugged me and so I burried my face on his chest. "Beyond proud."

Sobrang higpit ng yakap ko kay kuya while remembering the days na hatid-sundo niya ako minsan sa training kahit may rounds pa siya at pasyente. Kahit mag-away pa sila ng jowa niya basta maihatid or sundo niya lang ako. I didn't know what I did to deserve a kuya like him.

Kumalas na ako sa yakap namin ng tawagin ako ng mga may-ari ng school, Blake's parents. Kailangan presentable. Mga future parents ko kaya 'to noh.

"Congrats Ms. Gomez. You played well. Thanks for bringing honor to our school." Blake's mom congratulated me and offered her hands for a hug, nakakahiya man kailangan ko paring gawin. "How's your injury?" She asked, while still hugging me.

"It's fine na po. I'm gonna go to the hospital nalang po mamaya for a proper treatment." I answered her, while we were still hugging.

She told me to hug everyone also. Are you my mom, tita? Soon pa diba? Charot.

I hugged everyone, including Blake's dad and siblings. His kuya told me I am pretty, and so I felt awkward for a bit pero di ko pinakita yun sakanya. I hugged them, excluding my parents. It's more awkward hugging them though.

"Kaye." Someone called my name.

"Blake." I called him back, when I finally turn around to see him.

He rushes to me and he gave me a tight hug. I was still in shock kaya naman dahan dahan ko siyang niyakap pabalik. Nakakahiya nga eh, nasa gitna kami at nakatingin mga magulang namin. I can see his parents' smiles from here.

"Sabi sayo eh. Lucky charm knee-pad ko," He told me sarcastically kaya naman napatawa ako, "Congrats." He said with a sweet tone.

"Thank you." I answered him with a smile on my face. How I wish I can love you freely. Yung sana ako lang din mamahalin mo, walang iba. Sana may puwang na diyan sa puso mo, hindi na puro siya.... Sana, Blake, Sana.

"Ipagamot mo na agad yung paa mo. Baka di ka na makalakad niyan." Pabiro niyang saad pero ang seryoso parin ng mukha. Nakaka-intimidate. Ang hirap din niyang basahin eh.

We were just talking for a bit, when someone grab my hand and hugged me.

"Congrats, ngetpa," This man really know how to piss me off huh, "MVP pa nga." Dagdag niya pa.

"Mas pangit ka pero salamat," I thanked him while we're still hugging each other, "Ako lang 'to vro, Kaye lang 'to." Dugtong ko, kaya naman napatawa kaming dalawa at kumalas na sa yakap.

He patted my head after he hugged me like I was a baby, "Elijah naman!" I scolded him, pero natawa lang siya at ginaya ako kaya naman pinalo ko siya.

Sige pre, ngayon ka makilaban sakin ng paluan. Baka maging bola paningin ko sayo at mahampas kita ng todo. Balakajan.

Nagsi-alis na ang mga tao, kabilang na ang parents ko. Di manlang nila ako ki-nongratulate. Hay naku, Kaye, di ka pa nasanay.

"Kaka, halika na," Pagtawag saakin ni Clei, "Idadaan ka pa namin sa hospital para sa proper treatment niyang paa mo." Dugtong niya pa at hinila na ako ng dahan dahan.

Hila-hila pa ako sa isang kamay ni Clei palabas sa area, ng may humila nanaman sa isa ko pang kamay.

Ano bang trip ng mga tao ngayon, at paghila sakin ang nais nila.

"Ano b—," Pagagalitan ko na sana yung humila sakin nung lingunin ko siya, pero wag nalang pala. "Blake," I called his name at nakita ko naman ang mukha niya na parang nage-guilty sa nagawa niyang paghila sa akin.

"Sorry." He sincerely apologize. Aww, bb! Kahit di kana mag-sorry, matic na apology accepted nayan.

Napatigil naman si Clei at akmang magsasalita na nang makita niya si Blake. Kaya naman napahinto din siya.

"No, it's okay," I assured him. Ene be, apology accepted lagi basta ikaw bebe. Char. Di ko pa rin sinabi sakanya yan kase nakakahiya, duh. "What do you need?" I asked with a soft voice, di bagay sakin pwe.

Binitawan niya muna kamay ko, saka tiningnan ako sa mata. Shet! Wag kang ganyan bebe, baka matunaw me dito sa harap mo mismo.

Mukhang may sasabihin ata siyang importante kasi ang seryoso ng mukha niya eh, tapos nakatingin pa sakin ng diretso. Nakaka-intimidate naman, ser.

"What?" Pag-ulit ko pa. Ang tagal sumagot eh. May lakad pa ako bebe, huy! Char. Syempre di ko ulet sasabihin, "What do you ne—?".

"Come with me, let's celebrate together."

****************
Meganon, Blake? Sana all!

Sorry for the short and late updates. I'm doing some stuffs eh. Busy pa, sorry.

Anyways, thank you sa mga readers ng stories ko. Thank you sa pagtangkilik. I love you all!

And, to all the future Doctors out there, we can do this! Fighting!!

(Sorry sa mga wrong grammars, spelling and etc., saka ko nalang i-eedit pag di na ako masyadong busy.)

Spread love and kindness around, guys. Mahal ko kayo.

Love,
; msteyaa :"))

Through The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon