Thirty-One

86 5 3
                                        

"Kaye, may quiz tayo bukas di 'ba? Alam na, ha!" Sigaw sa akin ni Rina habang tumatawa, my college blockmate here in UST MedTech.

"Mag-review ka rin oy," I shouted back at her.

I'm already a freshman here in UST. I took up Bachelor of Science in Medical Technology. This has always been my dream course, and I'm just so happy that I got to study it here in my dream school.

We're already in our second semester and I'm so happy sa performance ko ngayong college. I've been performing well so far, to the point where I even made it to our President Lister's list of achievers during our first semester. I ranked second in our class.

Hindi ko na rin masyadong nakakasama mga kaibigan ko since iba iba na kami ng school ngayong college. Mas nakakasama ko na ngayon ang aking mga college friends. Pero pag free time naman namin ay nagsasama-sama pa rin kami nung mga original barkadas ko.

Hindi ko na rin nakita si Blake after nung graduation namin. I didn't got the chance to confess to him, pero since sakanya ko ibinigay sunflower ko nung graduation ay marerealize niya rin siguro ang gusto kong iparating sakanya. Though, nahihiya pa din ako sa pagyakap ko sakanya, buti nalang nakalusot ako at sinabi kong pasasalamat ko lang 'yon.

"Send me your notes later, mas naiintindihan ko yun kaysa nung sa akin eh." Pagbibiro pa nung isa kong blockmate, habang kumakain kami dito sa resto na malapit lang sa uste.

"As always, Kio." I rolled my eyes at him, kaya naman napatawa siya sa naging reaksiyon ko.

"Kaloka si Prof Abuela," Eksaheradang usal ni Rina habang kumakain nung order niya, napatawa tuloy kami, "Bagay sa kanya yung surname niya kasi ang tanda niya na, kainis naman!" Pag-rant niya pa sa amin. Napagalitan kasi siya kanina.

"Mas bagay tayo, Rina, ano ka ba," Migs stated, kaya nag-ingay kaming lahat. We've been shipping them since the first time na nag-partner sila for a reporting. Bagay so much sila eh. "Wag papatalo, bebe ko." Dugtong niya pa kaya naman tinarayan siya ni Rina. Natawa ulit kami dahil 'don.

We just had our quick lunch kasi agad din kaming bumalik sa classroom namin pagkatapos. Good thing we're still early for our first class this afternoon.

Nothing much really happened this afternoon. Puro lecture lang, bukas pa kasi karamihan ang quizzes and tests na binigay sa amin ng profs.

Doble na ang pag-aaral ko ngayong college. I have to create a name for myself while I'm still in college. I don't want to fail my parents again. Para sa kanila nalang naman itong ginagawa ko eh. Para mapasaya nalang sila.

Nag-check ng attendance yung class beadle namin kasi napansin niyang marami ang wala ngayon sa klase.

For sure, nasa bilyaran yung mga 'yon. Buti pa iba kong blockmates ay happy go lucky lang, as long as makapasa ay ayos na sila. They're not pressuring theirselves too much, unlike me. I like torturing myself.

"Friday na bukas." Karyl whispered, isa ko pang blockmate dito sa UST MedTech, "Wala ba tayong plano?" Tanong niya sa amin nung nagsusulat yung professor namin sa board.

"Sis, lagi nalang laklak bukambibig mo," Natatawang tugon sa kanya ni Rina, lagi 'tong dalawang 'to nagbabangayan, "Tingin ko na tuloy sa'yo ay Black Label."

"Ulol, gago, minsan na nga lang eh," Pagdadahilan pa ni Karyl, she was just whispering since our classes were still on-going at baka mapagalitan or worse, mapalabas sila pag marinig sila ng prof namin.

"Gaano ba kadalas ang minsan sa'yo, Karyl?" Natatawang tanong naman ni Jett, isa ko pang blockmate. Nakisali na sa usapan.

"Ulol mo, pwede pag broken-hearted manahimik na lang?" Karyl also fired back. Napatingin tuloy kaming lahat dito sa likod kay Jett. It....It was very unnecessary.

Through The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon