Twenty-One

123 6 1
                                    

Lahat ng mga estudyante ay nakatutok sa lambingan nina Blake at Issa. Yung iba pinapahalatang tumitingin sila, ang iba naman, pasimple lang dahil nahihiya ata. Ewan.

Ako naman, eto. Nasasaktan.

Ang martyr ko na ata. Ang tanga. Para ipagsiksikan pa yung sarili ko sa taong di pa naman ata tapos mag-mahal ng iba. I already warned myself about this, pero ako mismo ay hindi nakinig sa sarili ko.

I guess that's how love work. Nagiging marupok ka sa lahat ng pagkakataon kasi mahal mo yung tao, and I fucking hate it.

Napalingon ulit ang lahat sa kanila, maging kami dito ng mga katablemates ko nung tumayo si Blake at lumipat sa pwesto ni Issa para magtabi sila.

May kinuha naman si Issa sa bulsa niya at iyon ang kanyang cellphone. Nag-video silang dalawa at nag-picture narin. Ang sweet ha.

Sana all inaakbayan. Sana all hinahawakan sa bewang. Sana all nginingitian.

They really look cute together. They're a perfect couple kung tutuusin. Compatible sila sa isa't-isa. They're the same. Ah, the both of them must be very lucky for having each other.

Shit. Nagpapaka-martyr nanaman ako. Nag-iisip nanaman ako ng mga bagay na alam kong ikasasakit ko mismo.

Tumingin sakin yung mga ka-tropa ko. Pati narin si Elijah. I guess, he knew but he keep mouth shut. Alam kong kahit sobrang bestie niya pa si Blake ay di niya kayang pangunahan ito o pangaralan, cause sa totoo lang, Blake's always right with his decisions.

Tiningnan ko sila pabalik at binigyan sila ng naniniguradong ngiti to lessen their worry. Alam kong nag-aalala at naaawa lang sila sa akin kaya sila ganyan.

Tumayo na sina Blake at Issa sa kanilang pwesto at laking gulat nalang naming lahat nung papunta sila dito sa direksiyon namin. Napatingin ako sa kamay ni Blake na naasa bewang ni Issa. When kaya?

Umupo si Issa sa harap ko, yung inuupuan kanina ni Blake tapos kumuha naman si Blake ng isa pang upuan para tumabi sakanya kaya pinausog niya ng konti si Elijah sa gilid para magkasya yung upuan nila sa space. Napatingin naman sa akin si Issa dahil magka-harap kami ngayon, ngumiti nalang din ako pabalik at ininom na yung drinks na binili ko.

They were busy talking with each other, si Blake minsan lang mag-salita, ganun din si Issa. Madalang lang sila magsalita sa kwentuhan, siguro sa tuwing tinatanong lang sila, pero atleast nakikinig naman sila sa mga pinag-uusapan namin.

"Blake, Issa?" Tawag ni Daemiel sa kanilamg dalawa kaya naman sabay silang napalingon sa kanya gamit ang kanilang nagtatanong na mukha, napatawa naman si Daemiel sa kanilang naging reaksiyon, "What's the real score between the both of you? Comeback na ba?" Nakangising tanong ni Daemiel na tila nang-aasar pa kaya naman naging pula yung mukha ni Issa, obvious pa naman kasi ang puti-puti niya.

Kung kanina ako ang kanilang pinupuntirya, ngayon naman ay itong dalawa na sa harap ko.

"We're, u-uhm," Di naituloy ni Issa yung sadabihin niya nang biglang sumingit si Blake.

"We're good and we're getting there." Seryosong sagot ni Blake.

Nagkantyawan naman silang lahat. Ginigisa na nila ngayon ng tanong yung dalawa habang game na game lang din sila sa pangangantyaw ng barkada. Nanatili naman akong walang imik, maging yung mga ka-aports ko pati narin si Elijah ay walang imik sa mga nangyayari, tanging ang mga mokong lang na mga taga-men's basketball ang nag-eenjoy, ofcourse maging sina Blake and Issa din.

Dahil sa mga naririnig ko, pasimple akong may ibinulong kay Clei kunwari pero ang totoo ay nagpunas lang ako ng luha dahil may tumulo na pala ng konting luha galing sa mata ko.

Through The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon