Chapter Three

164 5 0
                                        

"What took you so long?" Pataray at maangas na tanong ni Clei. "Bat parang nakakita ka ng multo dyan? Are you okay?" Tanong ulit niya.

"Nahilo lang ako. Ang sakit ng ulo ko eh, dahil narin siguro sa training." Pagsisinungaling ko.

Alam ko kasi tong tatlong ito eh. Di mapapakali parang sila yung nasaktan. Affected much kaya mas mabuti nang di ko sabihin.

"I-ooder nalang kita ng food. Namumutla ka talaga eh." Sabi naman ni Keena, ang aming butihing ina ay este "feeling-ate" pala.

"Grabe nakakapagod training guys. Sobrang sakit na nang katawan ko. Dala ka ng knee-pads mama—" Hindi naituloy ni Clei ang sinasabi niya ng tumahimik na ang buong cafeteria at lahat ay napatingin sa pintuan nito.

Ay kala pala. Blake and his gang plus their musa, Mirelle, entering the cafeteria.

Parang linta 'tong si Mirelle. Kung maka-kapit kala mo aagawan talaga siya. Mukha siyang tanga for her information. Kainis.

"Okay so as I was saying, dala ka ng knee pads mamaya ah Kaye. Di na ako uuwi sa bahay, sayang gas." Usal ni Clei kaya naman naagaw niya ang atensiyon ko at tumango nalang ako bilang sagot.

Nagkwentuhan lang kami nang kung anu-ano nang dumating na si Keena dala yung pagkain na ini-order niya para sakin.

Dali dali at agad agad ko namang kinain yun kase gutom na talaga ako. Di maayos breakfast ko kanina kaya ganto nalang siguro gutom ko.

We just ate up our snacks until our tummies were full and nagchismisan nalang kami hanggang sa magring yung bell at napunta kami sa classroom.

Our day just went well hanggang sa uwian na at training nanaman.

"Una na ako girls. Kita-kits nalang tayo sa gym mamaya! Bye bitcheees!" Paalam ko sakanila saka nagmamadaling pumunta sa parking lot ng school kasi doon naghihintay sundo ko,m. Yes— I'm already turning 17 in a month pero my parents still didn't but me a car. Di ko nga alam kung may balak pa sila eh. They didn't really care about me at all.

"Hi kuya!" Bati ko sa kuya ko sabay halik sa pisngi niya kasi siya ang nagsundo saakin after ng trabaho niya. Wala lang, gusto lang daw niya akong sunduin. So sweet of him.

Sa lahat kasi ng tao sa bahay, si kuya lang ang may favorite sakin. Lahat sila ay ewan ko kung bat di ako gusto. Puro nalang "Kynelle" sa bahay ang bukambibig, oh di kaya naman "Kaiden", nasanay na ako. Alam ko naman bat sila nagkakaganto sakin eh. About sa nangyare sakin 2 years ago. Shocks, gusto ko nang kalimutan yun pero di ko magawa shet.

"We're here Kaye. Dali na, bilisan mo nang magbihis. Ihahatid na kita sa training niyo." Kuya said while smiling. Natigilan ako. Grabe, I'm so lucky to have him as my brother.

I mouthed 'thank you' to him as I went outside of his car and enter to our house to get my gym bag and change into my training clothes.

I was about to leave na nung matapos akong magprepare nung may narinig akong tumikhim. It was daddy kaya natigilan ako saka siya nilapitan at akmang ibebeso sana siya pero lumayo na siya agad bago paman ako makalapit. And that hurt me deeply.

"Sorry" paumanhin ko nalang kahit alam kong wala naman talagang kasalanan. Grabe, it's been two freaking years and yet di niya pa din ako napapatawad. Nakakaiyak.

Aalis na sana siya ng mapatingin siya sa gym bag kong dala-dala ko at sa knee-pads ko.

"Kaya hindi ka nag-ta-top sa skwela mo dahil yang volleyball nanaman inaatupag mo. You're disappointing me again, Kaye!" Sigaw niya sakin atsaka umalis na sa harapan ko, ako naman lumabas nalang ng bahay habang may luha sa aking mga mata pero pinunasan ko na 'yon bago pa ako pumasok sa kotse ni kuya.

Through The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon