Chapter Twenty

117 6 0
                                        

Matapos ang madamdaming speech ko na iyon ay bumalik na nga kaming lahat dito sa inuupuan namin.

Maraming nakatitig sakin habang pabalik kami sa upuan. I can clearly see the happiness and sadness on their eyes at the same time.

Natapos na ang program at nagdeclare na nga yung mga personnel na end na nung week-long foundation at party party nalang mamaya. Hindi na ako uuwi para maghanda sa party mamaya. Dito nalang ako sa school since may headquarters naman kaming players dito.

"Tara na guys. Nagugutom na ako." Usal ni Clei na para bang galit na. Gutom na nga siya, galit na eh.

We were about to exit the arena nang may marinig akong tumawag nung pangalan ko kaya naman nilingon ko ito. Nung una ay akala ko si Blake dahil sila nalang naman ang naiwan dito pero nung tinitigan ko siya, sa ibang direksiyon siya napatingin kaya binalewala ko lang kahit masakit.

Napatigil naman ako nung tinawag ulit pangalan ko ng mas malakas. Pag-lingon ko ay nakita ko yung buong team ng SVH men's basketball. Humiwalay sa kanila yung captain nila at lumapit sakin, ngumiti ito kaya nginitian ko pabalik.

"Hi Kaye, Congrats!" Bati niya habang nakangiti.

"Uhm, hi din. Thank you, Brix!" Pasasalamat ko.

"Gusto ko lang sanang itanong sa'yo kung pwede bang magpa-picture. Souvenir lang ba." Sabi niya na may maamong mata kaya naman naawa ako.

Pero bakit sakin magpapa-picture?

"S-sure." Nag-aalangan akong pumayag sa gusto niya kaya naman napatingin samin teammates niya na may makahulugang tingin at ngiti. Oh no, dudes.

Tinawag niya yung naka-assign na photographers para sa event na 'to para magpakuha kaming dalawa ng litrato.

Mas confident pa naman ako pag may camera. Kaya naman di ako nagpatumpik-tumpik at umawra talaga ako.

Click here, click there. Madami palang photographers ang napukaw namin ang atensyon kaya naman madami silang nagpipicture samin ngayon.

Nilingon ko naman sina Clei, na ngayon ay parang natutuwa pa sa mga nangyayari. Parang kanina lang parang galit na galit dahil gutom, ngayon parang busog na ah.

Nilingon ko sina Blake na kasama pa halos lahat ng teammates niya na ngayon ay nakatingin silang lahat sa amin. Seryoso at walang bakas ng emosyon ang titig ni Blake sa akin pati sa kasama ko, naka-akbay kasi siya sakin ngayon.

"1-2-3, pose!" Sigaw nung photographer kaya naman nag-pose pa kami bago tinapos yung pictorial.

Nakangiting nagpasalamat sa akin yung captain nila kaya naman nginitian ko nalang din siya saka nagpaalam na ako para maka-kain na.

Hinila naman ako nila Clei para makalabas na sana nang biglang may tumawag naman sakanya at paglingon namin ay sina Blake and friends ang nakita namin.

"San kayo pupunta, Ja?" Tanong ni Blake, Ja kasi ang tawag niya kay Clei, ewan ko sakanya bakit. Trip niya lang para daw unique. Luh.

"Kakain na bakit?" Nakasimangot na sagot ni Clei, napatingin naman ako kay Blake na ngayon ay wala paring emosyon. Bahala siya diyan, the most happy memories pala ha. Sana all talaga.

"Pasabay." Wala paring emosyong usal ni Blake. Gutom na gutom na naman si Clei kaya wala na kaming nagawa kundi isabay yung grupo nila sa amin.

Sabay-sabay kami na nagtungo sa cafeteria at sa gitna kami umupo. Sa pang-maramihang upuan.

I just got some pizza, lasagna, mango float and shake for myself habang ang iba ay heavy meal masyado ang kinuha. Halatang mga pagod na pagod sa mga nangyare this week.

Through The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon