Chapter 29

226 5 0
                                    

Kathryn Morales' POV

"Teh oh kain na tayo!" sabi ni Karissa habang may dala dalang tray sa kwarto

"Wow breakfast in bed sosyal ka teh ha" mahina kong sabi hindi ko alam ha? Kagabing pagkahatid sakin ni James medyo matamlay na ako.

"Hoy kagabi ka pa ganyan ha!" pinagsasabi neto? Tulog na nga siya karating ko eh.

"Tulog ka na kaya kagabi no" kumunot ang noo ni Ka at umiling iling pa siya hala problema niya?

"Naggising kaya ako kagabi kinausap pa nga kita kayalang halatang bangag ka naman sus ano bang nangyare ha? Kwento ka naman teh" hay, kaines naman kasi no.

"Wala teh, natatanong ko lang sa sarili ko kung mahal ko pa ba talaga si James. Naiisip ko lang kung si Daniel ba ang pinili ko sasaya kaya ako lalo. Masaya namang kasama si James eh kayalang alam mo yun wala yung kilig factor. Wala yung feeling na blooming dapat ako, yung masaya ka abot langit dahil inlove ka. Hindi ko alam teh ang gulo ko" napabuntong hininga naman si Karissa tsaka sumubo muna ng pagkain bago ako sagutin.

"Teh isang tanong isang sagot masaya ka ba nung kasama mo si Daniel?" tanong ni Ka

"Oo naman" hindi ko na yan pag iisipan malamang oo.

"Masaya ka ba ngayon?" napatigil ako, masaya ako kayalang hindi katulad ng dati.

"Oo" tinanong niya lang naman kung masaya ako eh hindi naman niya tinanong kung masaya ako katulad dati.

"Katulad ba yan nung saya noong nariyan pa si Daniel?" eto na nga ba ang ayaw kong tanong hay.

"Hindi" ayoko namang lokohin ang bestfriend ko kaya sasabihin ko ang totoo.

"Mahal mo ba si James?" napatigil ulit ako sa tanong niya, mahal ko siya diba.

"Oo"

"Mahal mo ba si Daniel?" ano bang mga tanong yan, nakakatense.

"Oo bilang kaibigan" totoo naman ha, bilang kaibigan.

"Sinong mas matimbang diyan sa puso mo sakanilang dalawa?" sino ba, si James malamang siya ang boyfriend ko.

"Ewan? Ay joke si James syempre" tapos napahinga nanaman ng malalim si Karissa.

"Odi nasagot ang tanong mo si James nga ang mahal mo, pwera nalang kung pati sarili mo niloloko mo" imposible naman yun diba? Lolokohin ko pa ba ang sarili ko?

"Teh kung ako sayo pag iisipan kong mabuti yan habang maaga habang wala pang masasaktan ng todo. O siya maligo ka na may practice raw tayo para sa grad nakaligo na rin naman na ako" sabi ni Karissa at kumain na kami ng sabay.

***

"Since hindi naman karamihan ang students dito, ang gagraduate this year ay 4 sections lang mabilis ang proseso dahil dito so next week na ang graduation pagkatapos non bakasyon niyo na. Hello college life na non!" nagsigawan naman ang mga kaklase ko nung iannounce yun ni mam.

"Shems aga ng break yes! Tapos sa college pa natin August ang start ng class party!" aga ng bakasyon, agad ko siyang hindi na makikita hay paano?

'Kanikanina lang pinili mo si James magtiis ka'

Hay lagi naman may point utak ko ayaw ko ng makipagtalo.

"Hi babe sorry ngayon lang ako" umakbay siya saakin at humalik sa pisngi.

"Ok lang saan ka ba galing?" ngumiti siya at nag peace sign

My Prince or My Knight and Shining ArmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon