Chapter 4

336 8 0
                                    

Kathryn Morales' POV

"James?" tanong ko ng makita kong nasa likuran namin siya ni Rissa.

Halata sa mukha niya ang pag alala at pagod. Bakit siya nag-aalala? Diba may Jess na siya? Bakit pagod siya? Nagmamadali ba siyang pumunta dito? Para san? Eh sigurado akong kasama naman niya si Jess.

Wait! Why am I acting like this? Don't tell me... Nagseselos ako? No way!!! Kelan pa akong natutong nagselos? Para sa? Argh! Di ko na naiintindihan ang sarili ko!
"Uy! Kath, kausapin mo naman ako..." is he pleading? Is he pleasing me?
"Hindi ako galit" sabi ko sakanya. Mukhang nagulat siya, nanlaki mata niya eh.
"Kung hindi ka galit, bakit di mo ko kinakausap?" tanong niya. Argh! Bat ba andaming niyang tanong? Di nalang niya tanungin si Jess.
"Trip ko lang hahaha!" sabi ko na lang. At tumawa kunwari..
"Kath. Wag mo kong ginagago" sabi niya at tumingin ng seryoso sakin.

Teka?! Bakit siya nagagalit?! Ako lang dapat ang magalit! Oo selfish na kung selfish! Pero ako yung nasaktan ano ba! Nasaktan ako dahil hindi ako mahal ng taong mahal ko, nasaktan ako dahil may iba na siyang gusto, nasaktan ako dahil prinsipe ko siya pero kahit kailan hinding hindi niya ako magiging prinsesa, nasaktan ako dahil hanggang bestfriend lang ako at alam niyo ang pinaka masaket? Wala akong karapatang masaktan o kahit ano pa dahil hindi kame! Hinding hindi magiging kame! Walang mamumuong 'kame'. Walang mamumuong 'tayo' James. Mulat mo naman yang mga mata mo ay mali pala mulat mo naman yang puso mo, eto na oh! Andito lang ako..
"Oooppss tingin ko kailangan niyo ng privacy" biglang sabi ni Rissa, tumayo na siya at ako? Tulala pa rin. Paano ko ba siya haharapin? Paano ko ba siya tatratuhin tulad ng dati? Kung alam ko sa sarili kong mahal ko na pala siya 
"Salamat Karissa" lumingon ako kay James na kasalukuyang pinasalamatan si Riss. Nakita kong nag nod si Riss. Pero bago pa siya umalis, hinabol at hinawakan siya sa braso..
"Dito ka muna Rissa, wala naman kaming pag uusapang mahalaga" Oo, pinigilan ko si Rissa dahil hindi ko pa siya kayang kausapin. Nangingibabaw yung takot at sakit.
"Karissa kelangan kong kausapin si Kath" sabi ni James at hinila ako
"Please kailangan ko talaga, please we need privacy" nag nod ulit si Rissa at akmang aalis na sana pero..
"Pwede naman tayong mag usap na andito si Rissa diba?" tanong ko sakanya ng hindi tumitingin..
"No, hindi pwede. We need privacy. We have to talk ALONE" sabi ni James habang hilahila pa rin ako
"Ano ba?! Andrama mo! Bitawan mo nga ako!" sagot ko sakanya at hinila yung braso ko at kakapit sana kay Rissa

Pero di pa ako nakakakapit ng hilain niya uli ako.
'Ako pa ang madrama? Come on Kathryn Morales! We are talking about our friendship! It's normal for me to be worried sick! Your my bestfriend, my only girl bestfriend for Pete's sake!" sabi niya. Ewan ko pero tumulo ang luha ko..
Your my bestfriend, my only girl bestfriend...
We are talking about our friendship..

Oo na hanggang dun nalang. Pwedeng wag ipamukha? Masakit pa eh..
"Hey, why are you crying? I'm sorry I shouted at you" sabi niya.

Kath.. Ano ka ba? Iligtas mo nalang ang friendship niyo kesa sa kung ano anong bagay.
"I'm sorry bes for being so childish. Iniisip ko kasi habang linalakad kita kay Jess eh makakalimutan mong may bestfriend ka" sabi ko at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko

Tinanggal niya kamay ko at pinunasan ang luha ko.
"Stop crying bes, don't ever think about that you silly! Hinding hindi kita makakalimutan, hindi kita papabayaan. Best na bestfriend kaya kita" tapos nun hinug niya ako..

Tatanggapin ko nalang. Kesa naman pati pagkakaibigan namin mawala. Sapat na siguro ang nandyan siya. Sapat na sigurong atlis napapasaya ko siya kahit magkaibigan lang kami. Sapat na siguro yun diba? Kakayanin ko to diba? Kakayanin ko nga ba?
"Tara na nga! Ice cream tayo!" sabi ng bestfriend kong James haha!
"Sige ba! Basta libre! Sama natin si Ri-- teka? Asan si Rissa?" tanong ko sakanya
"Umalis na" sabi niya at inakbayan pa ako
"So tara na? Tayong dalawa nalang!" sabi niya.

Nung una ayaw ko dahil, nagmamalisya utak ko haha. Kayalang nagising nanaman ako sa realidad! Malamang bestfriend ka! Loka!

Kaya in the end sumama na lang ako...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.
"Oh ice cream mo nag iinarte pa eh" sabi niya at inabot sakin ang strawberry and vanilla ice cream. Yummy! My fav <3
"Che Ihateyou!! Haha! Joke! Thanks :)" sabi ko sakanya at ginulo ko ang buhok niya haha..
"Oy Bes ang panget mo palang umiyak!" sabi niya at kinurot pisngi ko
"Gagi! Tumatawa ako kanina noh!" sabi ko at binatukan siya xD
"Ang bayolente mo talaga!" sabi niya at kinurot ng madiin ang dalawa kong pisngi
"Aray! Gagan-- Teka? Si Daniel ba yun?" hindi ko natuloy ang pag atake kay James dahil nakita ko sa di kalayuan si Daniel at nakikipag away. Grabee ang galing niya! Pero kailangan nmin siyang tulungan.
"Uy! James! Tulungan natin!" sabi ko, at hinihila siya patayo
"Kaya na nya yan!" sagot niya
"Kung ayaw mo ako na lang ang tutulong! Hmp!" sabi ko at tumakbo na

Pero hindi pa ako nakakalayo, pinigilan niya ako at..
"Uy! Sasamahan kita baka mapano ka pa!" sabi niya at hinila niya ako.

Napatigil ako sa pagtakbo dahil ramdam ko ang tibok ng puso ko, ang bilis.
"Bes tara na dali!" sabi ni James kaya naalala ko si Daniel pala!

.

.

.

.

.

.

.

.

Pagkarating namin don

O.O

Mukhang wala na kaming maitutulong.

Baket?

Kasi napatumba na lahat ni Daniel ang 9 na nambubugbog sakanya.
"Uy ayos ka lang? Sino sila?" tanong ko kay Daniel. Lumingon siya samin I mean sakin at nagulat
"Kath?" tanong niya na gulat
"Sino sila?" tanong ko
"Holdapers. Hinoholdap ako.. Binugbog ko" sabi niya at tumingin sa mga yun

Maya maya may dumating na pulis para dakpin sila, nagpasalamat naman sila kay Daniel ng matapos..

*paaak*
"Aray naman Kath! Nabugbog na nga ung tao pinapalo mo pa!" oo pinalo ko siya! Kasi naman! Bat siya nakikipag away?
"Eh kasi naman bat ka nakikipag away?! Pano kung may nangyari sayo?! Pano kung sinaksak kanila?! Ano nalang mangyayari sayo?!" sabi ko at galit parin sakanya
"Hey easy Kath! I'm fine. Don't worry" sabi niya at ginulo buhok ko
'Tsk! Manggugulo pa eh! Pero seryoso tara sa clinic!" sabi ko at kumapit sakanya

Pero natigilan ako dahil..
"Ok na siya Kath, tara na!" sabi ni James at hinihila ako

★★★

Hiiiii!!! Sorry medyo late! Nagbakasyon kasi eh. Anyways sana magustuhan niyo..

Nag aagawan ba sila? Haba ng hair ni Kath! Pero sino ba mananalo? Daniel or James?

Abangan!!

O ha! Teleserye lang ang drama!

O siya!.

pleaseee

Vote, Spread, Comment and Love <3

Ayie Ayie XD

~UnexpectedLove26

My Prince or My Knight and Shining ArmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon