Kathryn Morales' POV
"Bye"
"Bye"
"Bye"
"Bye"
Paulit ulit kong binabasa etong nakasulat sa card, isang salita lang ha tatlong letra lang pero solid ang lakas ng impact saakin eh, parang sobrang lalim ng meaning ay ewan!
Kanina kasing paggising ko, may nakalagay na white roses sa table malapit sa kama ko at nung basahin ko ang nakalagay sa card nakasulat lang ay.
"Bye"
Walang kamatayan na bye, anong problema nila no?
Tinanong ko naman si manang ang sabi lang niya may nang iwan sa labas ng bahay. Aba sino to?
"HAHAHA BAKA PINAGTITRIPAN KA TEH" nasa school na pala ako, at ipinakita ko kay Karissa yung card at ang loka loka tinawanan lang ako haay.
"Ewan pero parang kasing hindi eh, parang may mali" sabi ko at tinitigan ulit ang sulat, parang pamilyar etong hand writting na eto ha, parang yung sulat nung nagbigay din saakin ng bulaklak noon yung inabot saakin nung freshman.
(Nasa chap 12 po yun)
"Hay wag nega teh, walang aalis sa buhay mo ok? Wala" tumango nalang ako tama siya wag nega think positive, pagsubok lang yan kaya ko to.
"Karissa, Kath sabi ni pres palitan muna namin kayo para naman daw makalibot kayo" napatayo agad kami sa balita nila Kendra at Jv ha ang saya wihee.
"Yes maganda yan! Tara na Karissa!!!" sabi ko, tumayo rin agad siya at hinila na ako palabas.
Nagpathank you muna kami sakanila bago tuluyang umalis.
Masaya kaming lumilibot libot ng mapadaan kami sa wedding booth.
Bigla akong napatigil, bigla nalang parang sinaksak ang puso ko ng maraming kutsilyo.
Nandoon siya sa harapan kasama ang Theara niya, nagpapakasal sila.
"For richer or for poorer" sabi ni Daniel at ngumiti
"For sickness and for health" pagtutuloy naman ni Theara. Hindi naman ganyan ang wedding vows mga pauso nila.
"I promise that I will take care of you forever, and this ring is the sign of our love" natatawang sabi ni Theara, kaya natawa din si Daniel at ginulo ang buhok niya. Pathetic.
"Okay lang yan friend joke lang yan, kailangan lang nilang gawin yan para sa audience" bulong ni Karissa saakin.
Napatingin naman saakin si Daniel at medyo nagulat, ha oo nandito nga ako.
Pero agad din naman niya iyong binawi at masayang tumingin kay Theara.
"Till' death do us part" yan yan ang pinakamasarap na words ang manggagaling sa lalake, ang pangakong habang buhay.
Kahit na alam kong hindi yan totoo naiyak pa rin ako, naiyak pa rin ako dahil akala ko ako ang mahal niya, akala ko iba siya sa mga lalake. At dahil akala ko ang sabi niya walang hihigit o papantay saakin sa buhay niya.
Kahit na nasasaktan ako, nanatili lang ako doon at pinapanood ang kaganapan.
"You may now kiss the braid" sabi nung nagkukunwaring pari."Eto na yun" sabi ko kay Karissa at ngumiti ng mapait.
Nginitian ni Daniel si Theara at hinalikan ito sa noo, pisngi at sa tungki ng ilong nito.
Nagsipatakan ang mga luha ko sa hindi malamang dahilan, hindi naman sa lips eh pero bakit nasasaktan ako.
BINABASA MO ANG
My Prince or My Knight and Shining Armor
Teen FictionFairytale: Princess <3 Prince Prince <3 Princess Reality: Princess <3 Prince Prince <3 Wicked Witch Knight and Shining Armor <3 Princess Who will have their happily ever after?