Kathryn Morales' POV
Bakit kasi andami dami naming book?! Ang bigat ng bag ko!!! -.-
Tapos sakit din sa ulo yung role play namin last week. Sama mo na yung dalawang makulit sa buhay ko sabay ba naman akong tawagin eh malamang mahirap pumili kung sino. Syempre pinili kong kausapin ang nagpapahalaga saakin, yung kasing mahal ko parang wala lang ako sakanya...
"Good Morning Class!" bati saamin ng values teacher namin
"Good Morning Sir!" masiglang bati namin sakanya, mabait kasi si Sir kaya favorite namin. Tsaka mataas magbigay ng grades XD
"Pag-uusapan natin ay tungkol sa pag-ibig" andaming nagreact sa mga kaklase namin ako? Nanatiling tahimik...
"Ano nga ba ang pag-ibig? Miss Morales?" hala! Bakit ako sir? Pag-ibig? Si James? O si Daniel?
What?! Joke lang yun!
"Ahh hindi ko po alam sir" tumawa naman ang kablockmates ko pati si Sir -.-
"Bakit hindi mo alam Miss Morales?" tanong saakin ni Sir
"Kasi Sir para po saakin hindi mo madedefine ang pag-ibig kapag di mo pa nararanasan ito. Kapag hindi mo pa nakakamit ang sinasabi nilang forever at kapag hindi mo pa nararanasang masaktan dahil sa isang tao" sabi ko at napatingin sakanya...
"Pero isa lang po ang alam ko tungkol sa love. Pag nagmahal ka lahat ibibigay mo maging masaya lang ang taong mahal mo, kahit na masaktan ka makita mo lang siyang masaya ayos na sayo. Para sa iba ang shunga mo ang bobo mo pero wala eh nagmahal ka lang naman, para saakin yan ang love" ang tahimik, nanahimik ang blockmates ko nakatingin lang sila saakin..
"Nainlove ka na ba sa isang lalake Miss Morales?" nainlove na nga ba ako?
"Opo? Maybe yes" kay James diba?
Nakita kong tinignan ako ni Daniel. Parang may kumirot sa puso ko di ko alam pero ayokong iwan ako ni Daniel ayokong magmahal siya ng ibang babae. Gusto ko ako nalang...
Alam kong selfish ako masyado pero iyon ang nararamdaman ko...
"Kanino Miss Morales?" ayokong mawala ka James pero parati mo nalang akong binabalewala kaya...
"Sa ka M.U ko po, Si Daniel" ngumiti ako sakanila, hindi plastic natural. Ewan ko bakit pero ganyan ang kinalabasan eh...
Tinignan ko si Daniel parang ok siya yung mga mata niya kuminang haha.
Tinignan ko si James... Bakit mapungay ang mga mata niya? Bakit parang ang lungkot lungkot niya. Nag-away ba sila ni Jess? Haaay Jess ang swerte mo na eh wag mo na siyang pakawalan.
Swerte ka rin naman Kath kay Daniel eh wag mo ng pakawalan.
Konsensyang to singit ng singit di nalang manahimik =_=
"So may mga couples pala dito! Haha!" yes, meron Sir. Actually dati hindi man kami ni Daniel eh, kami talaga ni James kayalang nainlove siya kay Jess eh.
"Okay you may sit down Miss Morales next! Mr. Martinez! What is love? On your own words" Sir?! Really?! Bakit siya ang kasunod ko -.-
"Uyyyy! Ibalik ang KaMes! Ayieeee! Namiss ko unnn!" sigaw ng bakla naming kaklase
"Oyyyy! Paano naman ang KathNiel?! Mas nakakakilig yuuun!" sigaw naman nung kaklase naming babae na maingay, kalog -.-
âHaba kasi ng hair eh, Kath!" tinignan ko naman ng masama si Karissa kaynis siya! Kung ipagsigawan ko kayang nagkaboyfriend na siya?! Tsk tsk.
BINABASA MO ANG
My Prince or My Knight and Shining Armor
Teen FictionFairytale: Princess <3 Prince Prince <3 Princess Reality: Princess <3 Prince Prince <3 Wicked Witch Knight and Shining Armor <3 Princess Who will have their happily ever after?