Kathryn Morales' POV
Bakit ba andaming tao ang nagkakaroon ng happy endings? Ung tipong kahit sinong mahalin nila mamahalin din sila. Ung parang bang nabubuhay sila sa fairytale land? Bakit ganon? Ang bawat princesses may kanya kanyang prince, bakit ako wala? Bakit ako wala pang happy ending? Argh! Di pa naman ako nagkaganito eh, actually I really hate dramas that's why I don't wanna be inlove. Tapos ngayon maiinlove ako?! Worst sa bestfriend ko pa?! Pero bat yung iba masayang masaya pag nakita ang first at true love nila. Bakit ako hindi? Oo nakita ko na ang first love ko pero bakit hindi ako masaya? Puro motivations lang kasi pinapakita niya or ako lang nag iisip? O baka naman umaasa lang ako? Totoo kaya yung sinasabi nilang..
First love never dies?At yung True love is forever?
Uso pa ba yun? O pano naman ako? O di habang buhay akong masasaktan kasi habang buhay nasa puso ko ang first love ko? Pwede namang hindi totoo yun diba? Kasi biruin mong hindi na uso yung ladies first yun pa kaya? Uso na kasi ngayon ladies choice haha! Tawa kayo huh? Haha.
Ako kasi pinaniniwalaan ko Love always end. Kasi napapagod din tayo, tao tayo eh. Napapagod tayong masaktan, napapagod umasa. Nakakapagod naman kasi talaga yun. Nakakapagod mahulog sa taong kahit kelan di ka sasaluhin. Nakakapagod maghabol sa taong wala namang balak tumigil para maabutan mo. Sa madaling salita nakakapagod ding magmahal ng taong di ka mahal. Kaya hindi ako naniniwala dun sa sinasabi nilang lahat gagawin mo para sa taong mahal mo up to the point na ikaw mismo masaktan. Paano ka nagmamahal nun? Dapat mahalin mo muna ang sarili mo para matuto kang magmahal. Asan yung pagmamahal mo kung sinasaktan mo ang sarili mo? Hindi na yan pagmamahal! Katangahan na yan!
Dati hindi ko maintindihan ang ibang tao bakit ang tanga tanga nila, ang slow nila, ang martyr nila pagdating sa pag-ibig? Sinampal na sa mukha nila eh! Tapos parang wala lang sakanila, gagawin pa rin nila kahit ano para sa taong mahal nila kahit na they are already broken into pieces. Wala eh tanga sila. Noon hindi ko talaga magets. Bakit nila gagawin yun? Manhid ba sila?
Pero ngayon naiintindihan ko na kung bakit nila naggagawa yun ang sarap ngang isigaw eh TANGA NA KUNG TANGA PERO WALA EH MAHAL KO SIYA! MAHAL KO ANG BESTFRIEND KO! ANG BESTFRIEND KONG KAHIT KAILAN HINDING HINDI AKO MAKIKITA!!!!!
Ouch </3
Sana pagkalabas at pagkapunas ko nitong mga luha ko pati ang sakit mapunas ko na din...Torture to pre!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Habang nakaupo parin ako dun sa park kung saan iniwan ako ni Jess at James. Take note: Iniwan nila ako ng luhaan.
May nag-abot saakin ng panyo. Tumingala ako at nakita siya.
At naalala ko hindi niya ako iniwan.
Hindi ako iniwan ni Daniel. Napangiti ako habang patuloy na umaagos ang luha ko. Mukha lang akong timang sa itsura ko pero wala akong pake. Nasasaktan ako pero naggagawa akong pasiyahin ni Daniel.
"Nakakatakot ka naman Kath umiiyak ka tapos bigla kang ngingiti" sabi niya at lumayo na para talagang batang natatakot sa multo.
"Hahahahaha! Para kang batang naduduwag haha!" sabi ko sakanya at pinunasan ang luha ko gamit ang panyo niya. Nakita ko naman siyang ngumiti at lumapit na saakin tapos tumabi pa sa pagkakaupo ko dito sa mga damuhan ng park.
"Salamat at tumahan kana. Hindi ko alam ang gagawin ko kanina. Tss alam ko naman ang dahilan kahit hindi mo sabihin" sabi niya saakin ng nakayuko. Problema nito? Payuko yuko pa haha!
"Sige nga anong dahilan aber?" tanong ko sakanya with matching pataas taas pa ng kilay.
"Kasi nahulog ka tapos walang sumalo sayo kaya nasugatan ka" sabi niya at tinuro ang galos ko.
BINABASA MO ANG
My Prince or My Knight and Shining Armor
Teen FictionFairytale: Princess <3 Prince Prince <3 Princess Reality: Princess <3 Prince Prince <3 Wicked Witch Knight and Shining Armor <3 Princess Who will have their happily ever after?