Daniel Montaga's POV
"Boss margarita" binigyan naman kaagad ako nung waiter. Aba mabilis siya ha.
Kanina nung nakatingin ako sa kanilang dalawa, nakita ko sa mukha ni James ang saya. Tss malamang sinagot na siya ni Kath.
Alam niyo ba kung bakit hindi kaagad ako umalis kanina? Umasa kasi ako.
Umasa ako na tatakbo si Kath palayo kay James at saakin kakapit, umasa ako na baka ako ang piliin niya pero puny*ta no paasa naman tong utak ko umasa ang puso ko.
Dana kahit lalake ako, nasasaktan ako.
Napapikit ako at tinuloy tuloy ang isang bote, tss wala naman tong kwenta.
"Boss penge ng pinakahard niyong alak tss! Mga tatlong bote!" kaagad naman niya akong binigyan at hindi ko na inalam kung ano yon, basta ininom ko nalang.
Pagkainom ko palang medyo nakakahilo na, dana eto yung hanap ko para makalimot sandali HAHA.
Linagok ko yung tatlong bote, kaya medyo nalasing na ako.
"BOSS PENGE PA DALI!" iaabot na sana nung waiter ang bote, ng may umagaw nito.
"NYEMAS ANO--" pagkakita ko nito, si Jess ang umagaw at siya rin ang umiinom ngayon nito.
Pero ang nakakapagtaka hindi na siya nakagown ngayon, wow bilis ha.
"Jess? The hell are doing here?" binaba muna niya ang alak na halos hidi pa nakakalahati at nagsalita ng patawa tawa, mahina pala to.
"Paksht ka alam *hik* mo? hahahaha" pinagsasabi nito? ba wala akong ginagawa dito ha.
"Ano? Bakit?" tumawa nanaman siya at hinampas ako tapos biglang naiyak, hala nabaliw?
"Alam mo bang ang sakit sakit? Sila na ngayon, at mawawalan na ako ng papel sa buhay niya" bigla naman akong sumeryoso, kung hindi ako nagkakamali si James at Kath ang tinutukoy niya.
"Dapat maging masaya ka nalang, atlis masaya na si James" alam kong mahirap yun tanggapin, kahit ako nga nahihirapan eh pero kasi mahal ko si Kath at hindi na yon mababago.
"Akala mo ba ganon nalang kadali yon? Atlis dati nga kahit hanggang rebound ok lang basta parte ako sa buhay niya, ngayon ni katiting wala na akong puwang sa puso niya kasi sila na nung prinsesa niya. Ang galing no? Nagmukha lang akong kontrabida sa love story nila pero ang totoo nasasaktan din ako, may happily ever after na nga sila ako eto ni pagsisimula wala zero kulelat" ngayon alam ko na, akala ko nung pinaplano ko palang to ako lang ang masasaktan, na ok lang dahil ako lang naman ang maapektuhan pero mali ako. Si Jess din pala. At for the first time medyo nagsisisi ako sa ginawa ko.
Ako kasi yung taong ayaw makakita ng babaeng nasasaktan o umiiyak. Girls have fragile hearts but at the same time golden hearts kaya dapat wag silang sinasaktan
"I'm sorry" napatingala naman siya at tinignan ako tsaka pinunasan ang mga luha niya.
"Bakit ka nagpapasorry? Ano ka ba wala kang kasalanan! Nag open lang ako sayo eh, kasi alam kong naramdaman mo rin to maiintindihan mo ako. Ako naman tong may kasalanan kase hindi ko kaagad narealize ang feelings ko sakanya tuloy nawala siya. Ako lang tong babaeng minahal niya noon, at nagmamahal sakanya ngayon. Ako tong tanga eh kaya wag kang nagpapasorry" I just listened to her stories habang umiinom inom din siya. Hindi ko siya pinigilan dahil alam kong kailangan na niya yan.
Samantalang ako, hindi na ako uminom para kung hindi man niya kayang umuwi maihatid ko siya.
Nakadugmo siya ngayon sa counter, habang patuloy sa pag iyak. Kawawa naman siya.
BINABASA MO ANG
My Prince or My Knight and Shining Armor
Fiksi RemajaFairytale: Princess <3 Prince Prince <3 Princess Reality: Princess <3 Prince Prince <3 Wicked Witch Knight and Shining Armor <3 Princess Who will have their happily ever after?