Kathryn Morales' POV
"Teh malala ka na kanina nangiti ngayon biglang bubusangot" siko sakin ni Karissa habang nandito kami sa canteen ganyan naman lagi set up namin.
Papasok. Kakain. Uuwi.
"Narinig niyo na ba ang balita? Mas nahigitan na raw ni Daniel si James sa badminton"
"Kaya nga girl, walang practice practice lalaban mamaya si Daniel samantalang si James todo practice"
"Syempre girl baka matalo siya ni Daniel eh"
"Nanalo naman na si James sa puso ni Kath ano ba"
"Yes akin nalang si Daniel ang pogi niya eh ahi"
Takte?! Wala ba silang maggawa at pagchismisan ang buhay ng iba?!
Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Karissa.
"Teh wag kang gagawa ng eksena dito" napatigil ako, oo nga pag pinatulan ko sila pumapatol ako sa low class people. tsk tsk.
Pero kasi yung sinabi nilang sakanila nalang si Daniel aba ha, laruan ba siya?!
Bwiset haharot, feeling nila papatulan sila ni Daniel?!
AT WAIT BAKIT AKO NAHIHIGHBLOOD?! tsk dala ba to ng inet ng panahon?
"Pero teh narinig mo ba yon? Lalaban silang parehas sa badminton? Sila ang representative ng school? At higit sa lahat partners sila teh! DAPAT MAY TEAM WORK SHET TEH!" nagkaron naman na sila ng team work diba? Nung tinulungan ni Daniel si James para maging kami.
"Kelan ba yung laban?" aba manonood ako, magmamala- athena dizon ako.
GO SEXY GO SEXY GO SEXY SEXY LOVE.
Hahahaha hindi ko man kaya ginawa ni Kathryn Bernardo don, ang kyuuut niya haha.
"Hay kaloka ikaw yung girlfriend hindi mo alam? Hay naku, sabi nung mga nagchichismisan kanina mamaya na po yung laban, kung saan yun ang hindi ko alam" tumayo ako at lumapit sa mga group of girls na nagchichismisan.
"Uh excuse me, I just heard you girls talking about the badminton game, I just wanna ask where it will be held? And what time?" ngumiti ako ng pagkatamis tamis sakanila kahit sa loob loob ko gusto ko na silang kalbuhin wahahaha.
"Oh sa gym 3 pm" sabi nung girl na nagsabing aagawin na niya si Daniel.
"Thank you!" sabi ko sakanila at tumalikod na pero may MGA sinabi silang hindi nakatakas sa pandinig ko.
"Ts, diba nung una sila ni Daniel? Landi niya hindi naman kagandahan"
"Yeah right girl, she's a bitch"
"Tapos mageeavesdrop pa sa pinaguusapan natin"
Parang biglang may pumitik na kung ano sa ulo ko, at napaharap kaagad ako sakanila at lumapit.
Ngumiti ako sakanila ng puno ng sarcasm at umirap.
"Next time kung ayaw niyong marinig ang pinaguusapan hinaan niyo ok? And sorry if nanligaw si Daniel at James saakin kasalanan ko bang maganda ako at mga hipon kayo? May I just remind you girls" tapos lumapit ako sakanila at parang bumulong
"Bitch lang kayo ako super bitch. So kung ako sainyo, wag niyo akong susubukan. Goodbye girls, until next time" tinaasan ko sila ng kilay at binigyan ng ngiting tagumpay, tumalikod na ako kasabay ng pagflip ng hair ko.
BINABASA MO ANG
My Prince or My Knight and Shining Armor
Novela JuvenilFairytale: Princess <3 Prince Prince <3 Princess Reality: Princess <3 Prince Prince <3 Wicked Witch Knight and Shining Armor <3 Princess Who will have their happily ever after?