Chapter 16

287 5 2
                                    

Continuation of KathNiel's Date :)

Kathryn Morales' POV

"Star city?!" malakas na tanong ko kaya napatingin ang mga ibang nakapila saamin.

Bigla akong nahiya kaya yumuko ako.
"Yep, my treat haha" ano ba naman yan? Medyo pambata guys.
"Ride all you can miss, plus scream avenue, snow world and lazer blaster two tickets" sabi niya sabay killer smile kaya agad agad binigay nung babae yung ticket namin.

Haay. -_- Perks of being a Daniel Montaga.
"Thanks" sabi niya sabay kindat don sa cashier at muntikan nang mahulog yung babae sa kinauupuan niya.

Inis. Azar. Buset.
"Oo nga pala hiniram ko yung camera mo sa mommy mo!" whaaat?! Omg! Dala niya! Yey!
"Talaga? Picture tayo mamaya ah?!" masayang tanong ko sakanya.
"Oo promise haha ang cute mo. Eto yung ticket mo oh" tinanggap ko yun at nagpasalamat.

Pagkapasok namin, hindi naman OA yung pila na kung pwede lang hanggang labas ng entrance eh umabot. Mga lima lang yung nakapila ganun. Basta konti lang.
"San tayo?" tanong niya habang tumitingin tingin sa paligid.
"Doon sa blizzard! Yay!" hinila ko na siya papunta doon at nakipila na. Roller coaster siya kayalang nasa antartic ata malay ko ba haha.

Nung nakasakay na kami bigla kong nakaramdam ng sobrang excitement.

Nagsimula na ang pag andar ng roller coaster. At nagsimula na din ng maliliit na hagikgikan ng mga nasa likuran namin.

Si Daniel?

Ayun nakasandal lang habang nakacross arms grabe ang cool niyang tignan tae siya! Lalo siyang gumagwapo -_-

Nagsimula ng medyo bumilis ang ride hanggang sa bumilis lalo ito at tumaas baba.
"AAAAAAAAAAAHHHHHHH! WHOOOOOO!" sigawan ng mga tao
"WHOOO! AAAAAH! I LOVE AAAHHHH YOU KATH!" bigla kong narinig pangalan ko kaya napalingon ako pero dahil sobrang ingay di ko marinig kanino galing.
"WHOOOOOOO!" nakisama na rin ako sa sigawan. And I actually felt better.
Screaming can actually help :)

Puro sigawan at ingay lang ang maririnig hanggang matapos ang buong ride.

Sumakay kami sa mga iba ibang rides, tulad ng tornado, bumper car, jumping star, bumper boat, magic forest, star frisbee, viking, star flyer, jungle splash, surf dance at marami pang iba.

Yung iba naman inulit ulit pa namin. Yung giant ferris wheel mamaya pa namin sasakyan kapag gabi na para masaya. Tapos yung gabi ng lagim pagkatapos namin sa snow world.

"Kath may jacket ka bang dala?" tanong niya sakin
"Wala eh" sagot ko sakanya, naglabas naman siya ng jacket na black at yellow na scarf.
"Suot mo oh, malamig sa loob" bilin niya sakin ngumiti ako saka inabot ang binigay niya
"Thanks" nakashades kaming pareho ngayon tapos sinuot ko na ang jacket. Nilugay ko na din ang buhok ko.

"Good afternoon mam sir welcome to the snow world, enjoy" tapos binuksan niya yung parang malaking ref at pumasok kami doon.

Grabe ang lamig. Artificial snow lang ang nandito pero sobrang nakakaenjoy.

May slide din :D

Nagpicture naman kami sa loob ni Daniel puro wacky eh lol.

"Slide tayo!!" masayang yaya ko sakanya.

Kumuha na kami ng sapin namin, para siyang maliit na boat tapos doon ka uupo para makapagslide sa malaking malamig na slide.

Ulit ulit kaming nagslide ni Daniel doon tapos naglalaro at nagtatakbuhan kami hanggang sa pareho na naming di kinaya ang lamig lumabas na kami.

My Prince or My Knight and Shining ArmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon